51: 8282

169 3 0
                                    

 

[ Eunice’s POV ]

Bumibigat ang pakiramdam ko. Dahil naalala na nila. Di ko alam kung bakit. Pero ang mas kinagulat ko ay yung kay Daniel. Alam niya pala—tapos hindi ko alam kung bakit mahal niya ako. Naguguluhan nga ako eh. Buti nga tanggap na nila e.

Pinaalam na rin namin sa mga magulang namin ang nangyari. Natutuwa pa nga sila kela Lucas. Siyempre masaya ako. Pero sa sitwasyon ko ngayon—naguguluhan ako, kahit naiintindihan ko na ang buong pangyayari.

Minsan kasi, di natin maiiwasan na ibalik yung dati. Kasi dun na tayo nasanay at naging masaya. Tsaka pinahihirapan mo yung sarili mo para magbago. Parang iPhone lang yan e, pag may bagong version—mas maganda, pero kung di mo afford o di mo kayang bilhin, magsstay ka sa lumang version nito.

Now Playing: 8282 by Davichi

 

 

Andito kasi kami sa restaurant. Libre ni Bernard kasi—ang gwapo niya. Pero mas gwapo si Lucas. Alam niyo yun? Si Daniel, may nakabalot sa ulo, gaze ata ang tawag diyan. Natamaan kasi ng bato ang ulo niya. It may cause some problems to Daniel daw.

Gusto kong umiyak, pero di ko kaya. Naiisip ko kasi—hindi ko na kaya. Bawat araw, mas nahihirapan ako, kahit may nagpapasaya saakin.

Pumunta ako sa labas ng resto para magpahangin, sumunod naman si Daniel na kasama si Bertillice. Naalala ko tuloy silang dalawa. Yung pictures nila.

“Eunice, hindi ko alam kung magiging masaya ako sa ngayon.” Napatingin si Bertillice saakin ng sabihin saakin ni Daniel iyon.

“Bakit? May problema ka ba?” Tanong ko.

“Ikaw. Ikaw ang problema ko. Kasi—nagsisi ako kung bakit sinaktan pa kita noon.” Pahayag ni Daniel.

“Tapos na yun. Huwag mo na lang isipin. Matagal ko na kayong pinatawad.”

“Pero iba kasi yung nararamdaman ko sayo, mahal kita Eunice,Bigla akong kinabahan.. kinakabahan sa mga susunod niyang sasabihin. “Ang sakit kasi isipin na ginawa ko sayo ‘yun noon. Pero wala e. Tapos na. Nasaktan na kita. Kaya tama lang din na saktan mo ‘ko.”

The Guardian Devils.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon