36: Fresh Start

183 6 0
                                    

Dedicated to my dear aly, hi! :) I hope you’ll like it! XD

Daniel’s POV

Kakausapin ko siya.. hindi dapat siya umayaw, alam kong galit si Lucas saakin ngayon, siguro nga ganito ako kabaliw kay Eunice, pero bakit nagawa ko ‘to sakanya--sakanila? Tama, nasa huli ang pagsisisi. Iniisip kong may ibang babae pa diyan pero sa tingin ko si Eunice na lang talaga ang mahal ko, siya lang at wala ng iba.

“Pwede ba tayong mag-usap?” Sinabi ko kay Lucas ng makarating ako ng kotse.

Pumayag naman siya at sinamahan ako papunta sa loob ng kanilang bahay. Sinundan ko na lamang siya hanggang sa makarating kami sa kanyang kwarto. Hindi ko maintindihan kung anong aura ang meron sakanya ngayon, pero para saakin, wala na akong dapat gawin kundi magpaliwanag, at maghingi ng tawad.

Nakakapagtaka.. ngayon ko lang kinaliwa si Lucas, ngayon lang ako nagtaksil sakanya. Kahit sa sarili ko, masasabi kong masama ako. Wala naman akong dapat gawin, nangyari na. Di na mababawi. Magalit na siya kung gusto niyang magalit saakin, basta ako, kailangan kong pagsisihan ang lahat ng ito…

“Patawad.” Sabi ko sakanya at yumuko sa harap niya.

Nakita kong iniyukom nya ang kanyang kamao, bumuntong hininga siya at nawala na ang kamao mula sa kamay niya. Mapapatawad nya ba ako?Sana kung nababasa ko lang ang isip niya.. Nagsisisi na talaga ako, alam kong kasalanan ko.

“I followed the count-to-ten rule that you’ve said to me when were still kids.” Bumaling ang tingin ko sakanya nung sinabi niya yung mga katagang iyon.

Count-to-ten rule, sabi nila, bago ka daw magsimula ng away, magbilang ka muna ng one to ten para mapaisip ka kung tama ba yung gagawin mo o mali.  Napangiti nalang ako sakanya. Buti na lang at naalala niya pa.

Makikipag apirsanaako sakanya, kaso bigla nya akong pinigilan.

“Be my friendly slave for 1 month.” Sabi niya saakin. Napatawa nalang ako dahil naisipan niyang gawin akong slave.. pero atleast, napatawad niya na rin ako. Hindi ko pa nga naeexplain sakanya kung ano ang dapat iexplain pero siguro…. Naiintindihan niya ako, at alam kong sinasabi niya sa isip niya na “Selfish talaga ‘tong si Daniel.”

“Thanks.” Tangi kong sinabi.

“Sabihin mo na.”Dagdag niya.

“Ang?” Sabi ko.

“Sabog ka? Pumunta ka dito para magexplain diba? Ano bang pinunta mo dito? Bibigyan mo ako ng flowers?” Sabi niya.

Oo nga naman! Ano nga ba ang nangyari saken? Magpapaliwanag ako kung bakit nangyari ‘to. Handa na akong sabihin sakanya kung bakit ginawa ko ‘to kay Eunice. Sana naman maniwala siya kapag sinabi ko na ang lahat.. Sana wag nyang isipin na nagsisinungaling ako. Taena, sabog na talaga ako, aamin ako tas magsisinungaling ako?

“Okay.. kasi.. uhm……. Mahal ko kasi si Eunice?” Sabi ko. Isang ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi.

Hindi ko naiintindihan kung bakit ganito si Lucas. Galit ba talaga siya? Bakit kakaiba yung aura niya.. ang gulo. Baka mamaya, bugbugin ako nito. Nagalit ba siya sa sinabi ko? Argh.

“I see. Kaya mo ba ginawa yon?” Tanong niya.

Uhm, oo? Sabihin nating ginawa ko yon. Pero wala na yon, tapos na, naiintindihan kong kayo pa rin ni Eunice hanggang sa huli, kahit masaktan ako. Sa ngayon, ang mga ngiti ni Eunice ang tanging nagpapangiti saakin, siguro magkakaroon din ng babaeng magmamahal sakin ng tunay. Si Faith? Ewan!

The Guardian Devils.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon