41: His' POV.

238 5 2
                                    

[Frank’s POV]

“Ang tagal naman yatang magising ni Kyle at Cynthia? Wow, tss.” Sabi ni Bernard.

“Bernard! Asan ba si Bertillice?” Tanong ni Eunice.

“Ah. Nasa Japan. May pictorial siya doon e.” Sagot ni Kuya Bernard.

Kailangan kong makausap si Kyle. Kailangan kong malaman kung anong ginagawa nila kanina. Nakita ko silang dalawa ni Cynthia. The kiss. The hugs. The “I love you”s. Kyle, bakit?

Paano nalang kung nalaman ‘to ni Alpha? Masasaktan siya. Sigurado. Bestfriend ko si Alpha at ganito ako sakanya. Nakakainis. Hindi ko pa nga alam kung aaminin ko sakanya yung nakita ko o hindi. Ang hirap. Pero bestfriend ko siya e.

Kaya sila matagal gumising, kasi 3 ng madaling araw na sila natulog. May natatago silang relasyon ni Cynthia…. At yun ang nakakainis.

“I’m sorry for being late.. Well, let’s eat!” Sabi ni Cynthia pagkababa niya ng hagdanan.

Tinitigan nalang naming siya at ng nagtagal..

“Hey! Statue? Mannequin? Wow ha! Ba’t pikit at hinga lang ang kaya niyong gawin? Ihahire ko kayo sa modeling club ko! Mannequin para sa mga damit namin!  Kumain na kasi tayoo! Ano baaaaaa!” Pagmamaarte niya.

Matapos sabihin ni Cynthia yun ay biglang nagrobotics si Bernard at.. oo nga ano? Ginawa din naming lahat yun.

“O-ha? Hindi lang pikit ang kaya naming gawin!” Sabi ni Faith habang gumagalaw-galaw.

“AAAAAAAAAAAAAH!! I hate you all! Kakain nalang ako mag-isa!” Sabi niya at naglakad papunta sa Kitchen.

Sinundan nalang naming siya habang sumasayaw. Tss, nakakabading din pala ‘to. Pero nakakatawa. Masarap din pala pagtripan ‘to.

“Sht!” Sabi niya pa.

Agad naming siyang tinawanan!

“Nothing’s funny! Sana sinabi niyo nalang saakin! Hmpf!”

Tapos na kasi kaming kumain. Ang OA niya. Seryoso. =____________= Kelangan nagmumura? Kailangan dinadrama? Tss, ang alam ko model ka at owner ng model club ah? Eh pang best-actress na ‘to e!

Mas maganda kung nandito si Annika. Mas masaya pa.

Namimiss ko na siya. Sayang nga e. May mga kailangan pa siyang asikasuhin. Kaya, next month nalang siya makakapunta ngKorea. Hayyy.

Bumalik nalang kami sa TV Room at nanood ng ewan ko ba, basta sa Star Movies. May category e. Sweet Dreams? Sweet Freedom? Di ko masyadong makita e.

“Ayyyy Sweet Flicks!” Sabi ni Cynthia matapos niyang kumain. Paupo na siya sa inuupuan naming lahat at nilipat ni Bernard ang channel.

Ang bilis naman yatang kumain nito?

Sa TvN naman yung channel kung saan kami nanonood. M Countdown Week 2 pala ngayon.

“AAAA-“

“Panonoorin ko yung taping namin.” Sabi ni Bernard at tumawa ng mahina. “Tss.”

“Wag niyo nga akong pagtripan! I’m in bad mood na nga e!” Sabi niya.

“Arte.” Sabi ni Lucas. Agad namang hinawakan ni Eunice si Lucas dahil sa bad trait na ginagawa ni Lucas.

“Tss!” Sabi ni Cynthia at umupo tsaka nanood.

Kumanta ako..

“Popo-po-pokerface, popo-pokerface!” Sabi ko.

“Sintunado.”

“I don’t care—e-e-e-e-eeyyy!”

Natatawa nalang yung iba sa ginagawa namin. Tss. Mga babaeng pikon nga naman. Wala nalang ginawa si Cynthia kundi manood. Nagpeperform pala ang KARA ngayon, yung PANDORA daw. Ang ganda ni Nicole ah.

De, may Annika ako. <3 <3 <3

-          - -

[Kyle’s POV]

Alam kong gising na silang lahat. Kaso tinatamad pa akong bumaba. Nagsisipag akong tumingin sa mukha ni Cynthia dito sa cellphone, gorgeeeeous. Si Alpha naman, tinetext ako. Nakakatamad siyang katext.

Naalala ko ang mga katagang iyon..

[Flashback..]

Nagpunta kami sa mall ng papa ni Alpha. At si Alpha naman ay nasa bahay. Si Eunice pa nga ay may assigned dinner. Kaso, galit ako sakanila e. Aish.

“Kyle.. Kailangan mong maibalik ang alaala ni Alpha sayo. Nag-usap na kami ng Papa mo, kayong dalawa, arranged marriage…. Mahalin mo siya.. ” Matapos niyang tumingin saakin ay ibinaling niya ang tingin niya sa iba.

Alam niyang mahihirapan ako. Tss. Gusto ko lang naman niyang maalala niya ako para magkabati sila ni Annika. Kaso parang wala akong magagawa.

Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Ang hirap gawin nito.. Kaya ko ba ‘to? Hindi ko siya kayang mahalin… Si Cynthia lang..

[End of Flashback..]

Kaya kami naghiwalay ni Cynthia? Fame. Nagpakidnap for love pa kami, para malito ang lahat..Paramas matago ang saamin ni Cynthia. Ngayon, she has time. She can love me more.

I love you.. Cynthia. Ikaw lang..

Nang nagsimula akong bumaba.. Nakita ko sila na nanonood sa TV. Si Cynthia? Mukhang nasa bad mood. Ano kayang problema nito?

“Pikon si Cynthiaaaa! Waeyo?” Sabi ni Bernard.

“Pfft—HAHA! Kayo talaga. Kinda weird, Cynth.” Sabi ni Daniel.

Ang cute din naman ni Cynthia pag pokerface. Kaso lang, pinagtitripan siya, gusto ko siyang ipagtanggol. You know girls. ;)

“Kumain ka na! Tss! Baka yayain mo kami katulad ni Cynthia? HAHA! Di na namin siya kayang hintayin ‘nu!” Sabi ni Daniel. “Pfffftt.”

“Okay.”

Nagsimula na akong kumain at di ako mapakali.. Wala akong magawa. Syempre, kahit kaibigan mo yung nantitrip. Dapat andyan pa rin yung damayan. Aish. Baka naman kung anong isipin ni Cynthia…Sanahindi.

Pero seryoso, nahihirapan akong itago ‘to. Mas maganda kasi kung malaya kami.. Mas nahihirapan din siya.

“Kyle.. May kailangan akong malaman..” Sabi ni Frank habang papalapit saakin habang ako’y kumakain.

The Guardian Devils.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon