42: Mr. Nice Guy

181 5 0
                                    

[Frank’s POV]

“Kyle.. may kailangan akong malaman.” Sabi ko habang papalapit sakanyang kainan.

Kaming dalawa lamang ang nandito ngunit sa tingin ko mas magandang mag-usap kami sa pribadong lugar. Kasi, hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Bernard kapag siya agad ang unang nakaalam.

“At ano naman—“ Sabi ni Kyle pero kaming dalawa ay agad na tumingin sa taong nagsasalita.

Lucas… You..

“Yow, sabi ni Bernard, magma—mall daw tayo. O sige. Bilisan mo kumain Kyle, matakaw ka pa naman.” Sabi ni Lucas.

Kung alam mo lang..

“Di pa tayo tapos.” Sabi ko kay Kyle nung umalis na si Lucas.

Paalis na sana ako ng may sinabi siya.

“Anong problema mo ba?” Sabi niya.

“Baka ikaw ang may problema.” Umakyat nalang ako at naligo.

Naalala ko nanaman ang ginawa nina Kyle at Cynthia kanina. Wala naman kasing sikreto na hindi nabubunyag. Nakakainis, hindi ko na naalala ang lahat ng mga sinabi nila pero nakita ko ang lahat.Parasaakin, makakasama ‘to kay Cynthia.

-          - -

[Eunice’s POV]

[Ewan ko ba kung anong lugar ‘to basta mall ‘to dito sa Korea.]

Paksheeeet, may Mogu-Mogu! Uwaaa. Kumuha ako ng isang mango flavor and isang strawberry flavor. Tsk! Alavet! <3 Meron pala dito sa Korea? Kasi, akala ko di na ako makakainum nito!

“Favorite mo talaga yung Mango.” Sabi ni Lucas.

“Eh, ikaw nagbigay e. Nakakaaddict tuloy, parang pagiging addict ko din sayo.” Sabi ko. Napangiti naman siya at agad niya akong inakbayan.

“Sweet mo.”

“Mas sweet ka.” Mas lalo naman siyang napangiti sa sinabi kong ‘to. Palapit nasana kami sa cashier at para bang may nakalimutan si Lucas.

Bumalik siya sa may Beverages part kung nasaan kami kanina at kumuha ng isa pang mango flavor ng mogu-mogu. Owwmaygaaaaddd!

“Oh, ako na magbabayad.” Sabi niya.

“Eh? Nako, okay lang.”

Pilit kong sinasabi na ako na magbayad pero tumatanggi siya.

“Mas sweet ako, diba?” Sabi niya.

“Eh, ano ba yan e. Sige na nga. Thankyou. Di naman kasi kita tagabili. Boyfriend kita.” Sabi ko.

“Nako. Okay lang.” Sabi namin at lumapit na kami sa cashier.

Nyemas, ang taas ng won. Pero ang liit ng akin, ha? Ang onti lang ng pera ko e, ewan ko ba kung magkano ‘to. Basta ayun. Ano ba yan e.

-          - -

[Frank’s POV]

Tss. Sinasabi ko na nga ba e, merong namamagitan sainyo. Sa kilos niyo pa lang, kahit magkalayo kayo. May hinahanap kayong paraan. Sa mga ngiti. Tss. Kitang-kita naman sa mata niyo eh.

Ewan ko ba. Gusto ko lang tulungan ang sarili ko sa mga katropa ko. Alam kong kahit ako ay gumagawa din ng kung-ano-ano. Pero bawi lang ‘to dahil tinulungan nila ako nung mga oras na may ganun din ako.

Di ko matatanggap yan, Kyle. Sa tagal ng pinagsamahan natin. Hindi ako makapapayag…

-          - -

[A/N: Sorry kung maikli! Am so busyyy, antok na antok aketchiwaaaas. Goodluck saakin bukas. Click niyo naman ang new story ko, yung STME, sa External Link lang, ha? Salamat!

Ang tanong: Sino ang Mr. Nice Guy sa chapter na ‘to? Lucas, o Frank?

Babayuuuu!]

The Guardian Devils.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon