Ilang oras na ang nakakalipas at nagkakasiyahan pa din sila dito. Habang ako ay ilang na ilang pa din sa katabi ko. Hindi na siya umiinom dahil siguro nga mag dadrive siya mamaya pauwi. Ay aba dapat lang na hindi na siya uminom no! Ay teka bakit concern ako sa kanya? Ay, hindi syempre nag woworry lang ako sa kanya. Aysh, kinakausap ko nanaman yung sarili ko. Gulo pa din yung isip ko dahil sa sinabi niya, hindi ko talaga alam kung ako ba yung sinasabihan niya nun o nagsasalita lang siya mag isa nun at nababaliw na? Patuloy pa din ako sa kung ano ano ang mga iniisip ng bigla ako palakpakan ni Mabel ng kamay sa harapan ng muka ko.
"Hello!! Maru to Earth! Nandiyan ka pa ba? Kasi kami nandito pa!" Inis niyang basag sa pagiisip ko
Dun lang ako natauhan at napabalik sa realidad.
"Okay ka lang diyang Te? Baka lasing ka na?" Dugtong naman ni Julia
"Ah eh hindi naman." Sagot ko kay Julia
"Alam mo-" Singit ni Tin
"We should go home now, I'll treat." Bigla namang putol ni Sir Ely kay Tin
"Ay, yan naman yung gusto ko sayo Sir Ely eh!!! Thankchuuu!" Maingay na bulalas ni Julia "Mukang dumadamoves ka na Sir ah!" Dugtong pa ng baklang Julia
Tinawanan lang siya ng tipid ni Sir at dahan dahang tumayo at maglalakad sa harapan namin.
"I'm going outside to settle the bill, you should prepare, let's go home, its already late night" Tuloy tuloy niyang sabi habang palabas.
Nung narinig naman nila yon ay kanya kanya silang nagtinginan sa orasan sa kanilang mga cellphone at wristwatch. Nagulat din sila kasi halos mag aalas dos na ng madaling araw. Maging ako ay nagulat din dahil ang bilis naman ng oras, parang kanina lang eh kakauwi palang namin.
Nagsi labasan nadin naman kami sa kwarto at yung iba ay kanya kanya ng book. Sila Mabs at Tin, ay pinag tatawagan na ang kanilang mga sundo at si Julia naman ay nag angkas na, kaya nauna na siya saamin. Habang ako eh eto nag hahanap na rin ako ng mabobook. Hindi na kasi ako mahahatid ni Gin, dahil out of way na siya kaya naman sinabi ko nalang na mag bo-book nalang din ako.
Habang nag aantay pa kami dito sa labas eh, nagdatingan na ang mga sundo nitong dalawang bruhilda. Kaya naman iiwan na nila ako, umuwi narin ata si Sir kasi hindi ko naman na siya nakita.
Nung nakaalis na yung dalawang bruhilda, may lumapit sakin sa likuran ko amoy siyang sigarilyo at sinabing "You should go with me" kinabahan ako kasi baka kung sino. Lumingon ako at nagulat ng nakita ko si Sir Ely.
"A-ay Sir akala ko po kung sino, tinakot mo naman po ako ay-" Sabi ko nung umikot sa kanya para lingunin siya, pero di ko napansin na nasa edge na pala ako ng kanal ng manhole at may butas dun dahilan para ika out of balance ko, inaantay ko na matumba ako pero hindi nangyare. May naramdaman ako na humawak sa likuran ko at inikot ako kaya napunta ang mukha ko sa may leeg niya banda.
Amoy na amoy ko yung lalakeng pabango nita at yosi. Teka YOSI?! Nag yoyosi siya? Bigla akong napalayo sa kanya at oo tama nga ako amoy yosi siya.
"T-thank you po S-Sir, pasensya na, buti po nasalo mo po ako." Utal kong sabi sa kanya.
"No worries, as I said, sumabay kana sakin, ihahatid na kita." Balik naman niya sakin habang inaantay niya ang sagot ko.
Wala na rin naman akong choice kasi, hanggang ngayon wala pa rin naman akong nabobook, ano ba nangyayare sa mga app nato. Palagi nalang.
"Ah s-sige po Sir, kung hindi po nakakaabala sainyo. Salamat po ulit." Nahihiya ko namang tugon. Inunahan ko na ng pasasalamat kasi nakakahiya naman kasi talaga.
"Anytime." Tipid naman niya sagot
Lumakad na kami kung saan siya nakapark, sinundan ko lang saiya hanggang sa maabot na namin ang kotse niya. Pinailaw niya na ito at nagsabi na ako na papasok na ako. Dun ako dumerecho sa likod at nagtaka siya na bakit wala ako dun sa passenger seat na katabi niya nung pag pasok niya.
BINABASA MO ANG
My CPA
RomanceEly Buenaventura, newly appointed manager, and licensed CPA, isn't just skilled but also blessed with charisma, making him popular among women. However, in an unexpected turn, he meets Maru Lopez, an ordinary employee at the private company where he...