Chapter 21

25 0 0
                                    

Pagkatapos naman ng tanghalian na iyon ay, umalis na din si Aries at bumalik na sa office. Bumalik naman ako sa kwarto para magpahinga ulit. Habang nag mumuni-muni ay nakarinig nanaman ako ng mahihinang katok. Paglingon ko, nakadungaw na si Mama sa pintuan.

"Pasok ako nak ha?" Pag papaalam naman ni Mama sa akin. Napatango nalang ako at umusod ng konti para maka-upo ito sa kama ko.

Nung una pa ay walang nagsasalita sa amin, hanggang si Mama na ang bumasag ng katahimakan sa aming dalawa dito sa kwarto.

"Mag kaaway ba kayo ni Elias nak?" Mahinahong tanong sa akin ni Mama. Wala naman akong masagot kundi ang tumungo at tumango na lang. "Nakapag-usap na ba kayong dalawa?" Agad naman akong nailing sa follow up question sa akin.

"Pwede mo bang i-kwento sa akin kung anong nangyare? Okay lang naman kung hindi nak. Maiintindihan ko." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Ikinwento ko lahat kay Mama ang lahat lahat, syempre pwera na doon sa *toot* namin no. Hindi nagsasalita si Mama, hinahayaan niya akong mailabas ko ang sama ng loob ko sa pag kwento ko. Alam kong kailangan ko din ito kaya lulubus lubusin ko na.

"Balak ko na din po sana siyang sagutin Ma, sa Friday." Mahina kong habol.

"Nasasayo yan anak. Ikaw ba, kung buo na ang loob mo. Sa tingin ko naman ay mahal mo talaga si Elias. Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung hindi." Pag aalo naman sa akin ni Mama.

"Pero Ma, bakit kasi ganon. Parang nag-iba siya. Parang lumayo ulit siya." Nasasaktan kong kontra kay Mama.

"Anak, hindi sa may kinakampihan ako sa inyong dalawa ha. Ito ay isang POV lang ng isang taong transparent." Napatingin ako kay Mother, naloka ako sa mga sinasabi niya ngayon. Kaka tiktok to ni Mother.

"Trust and understanding. Yang dalawang salita na yan nak ang importante sa isang relasyon." Pagpapatuloy pa ni Mama sa mga nakaka overwhelmed niyang mga opinion.

"Ngayon, kung ang isa sa mga yan ay wala, hindi mo kaya makapag pundasyon ng pagmamahal. Dahil, hindi sapat ang pagmamahal lang, para kayo ay tumagal. Kailangan ng pagtitiwala at unawa."

"Alam ko, wala pa kayong relasyon. Pero hindi ba't mas maganda na eh, ngayon pa lang umpisahan mo ng magkaroon ng tiwala at pang unawa para sa kanya?" Tanong pa ni Mama sa akin.

"Paano po Ma, kung siya po ang walang tiwala sa akin at pang-unawa? Deserve ko ba siyang bigyan ng same traits kung siya mismo hindi niya ginagawa sa akin?" Napapahikbi na ako sa mga litanya ko, idagdag mo pa ang mga pinagsasabi ni Mama.

"Anak. Tandaan mo, hindi kayo naglalaro ng mataya-taya. Ano, kung sino maiba sainyo siya mauuna? Hindi ganun anak. Hayaan mo siya. Kung siya, sa iyo'y hindi niya nagagawa yung mga ganong bagay, ay pabayaan mo siya. Kawalan niya yon. Ikaw at least ginawa mo yung part mo. Ganun din sayo. Malalaki na kayo, alam niyo na ang tama at mali." Parang na sstress na si Mama sa akin.

Hindi nalang din ako nakapag salita at niyakap ko nalang si Mama. Susubukan ko. Susubukan kong intindihin si Elias. Napabuntong hininga nalang ako.

"Teka. Maiba nga tayo. At sino pala ang lalaki na iyon kanina?" May pataas taas pa ng kilay si Mama

"Katrabaho ko nga lang po ma. Kasama po ni Gin sa Team." Pagpapaliwanag ko naman "Ikaw ha. Sino yun?"

"Sus. Iba ang tingin sayo Inday! Alam ko ang mga ganyang galawan." Pangaasar pa sa akin ni mama.

"Ma! Hays, ang kulit. Hindi nga po." Naiinis ng tugon ko sa pang aasar nito sa akin.

My CPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon