Weekends past so fast. Parang itinulog ko lang yung dalawang araw na pahinga ko. Monday nanaman at masaya ako para sa araw na ito na medyo kinakabahan. Oo, tama. Kinakabahan ako, at ang tanging hiling ko lang ay sana kausapin na ako ni Sir Ely. Wala na akong pake kung ano man ang kahitnatnan kung makapag usap man kami, ang gusto ko lang naman eh, masagot ang mga katanungan sa utak ko.
Time check, 6:45 am. Maaga pa, pero ako ay bihis na bihis na. Ready na ako pumasok at handa na din ako kung ano man mangyayare ngayong araw. Umalis na din ako ng bahay. Dahil maaga pa, ay napili ko maglakad. Oo maglakad, gusto kong mag unwind. Gusto kong gamitin ang natitirang oras na ito para pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko makapag isip isip. I'll try my best na to think positive. As always naman ay dun tayo sa positive side. Ayoko muna mag welcome ng negative thoughts sa araw na ito.
Hindi ko na nga napansin yung paglalakad ko, ay malapit na ako sa office. Dahil sa maaga pa naman, ay hindi pa ganon ka init. Eksaktong 8am na ng makarating ako sa office. Meron ng mangilan ngilan na tao. Pero wala pa sa kanyang upuan ang hinahanap ko. Habang nakapangalumbaba ako sa aking lamesa ay siya namang dating ni Mabel.
"Good moring, Te!" Bati niya sakin sabay lapat ng kamay niya sa may leeg ko.
"Morning. Gaga wala na akong sakit. Magaling na ako." Taboy ko sa kamay niya.
"Chinicheck ko lang kung may kagagahan ka pang natitira. At ayon sa ulat, meron pa nga." halukipkip niyang sabi sa akin
"Hmp, papansin ka diyan. Ang aga-aga." Kontra ko naman
"Ang aga mo kasi, inaantay mo no? Papasok naman yun, hindi mo kaylangan mag effort ng ganito kaaga Te!" Umiikot na mata niyang turan
"Kung wala siyang effort Te. Hayaan niyang ako ang mag effort. Kasi wala kaming mahihita kung mag iiwasan lang kaming dalawa. Napipikon na ko." Inis ko na din na tugon
"Ay nako Te! Sana lang talaga, magawa mo na siyang makausap ngayon. Anyways, goodluck. Andito lang kami ah. Wag ka nag ulit mag-iisa sa rooftop." Alo niya sa akin.
Tinalikuran ko nalang siya at kinuha ang gabundok na papel na nakalatag sa lamesa ko. Eto yung pinapirmahan ko sa kanya last week. Dali dali kong binuklat ang bawat dokumento. At laking pagkadismaya ko ng makita ko ang papel na may sulat ko.
'So ibig sabihin, hindi niya nakita?'
'o di kaya ay, hindi niya lang nakuha? pero nabasa naman niya?'
Ay, shuta naman. Hindi na ako makapag isip ng maayos. Habang nag aantay ako na dumating siya eh, nilibang ko muna ang sarili ko sa pag paprocess ng mga tambak kong payables. Muli kong tinignan ang oras at 11:36am na. Pero wala pa din siya. Napalingon ako ng may kumalabit sa likuran ko.
"Te, kaen na tayo. Tomjones na ang mga acla." Kalabit sa akin ni Mabel
Nadismaya ako, kasi akala ko si Sir Ely na. Ni lock ko nalang ang computer ko at tumayo para sumabay sa kanila papuntang pantry. Nasa likuran lang nila akong naglalakad habang nakayuko ng biglang hinto naman nilang tatlo. Dahil sa paghinto nila ay nabunggo ako sa mga likuran ng tatlong hitad. Tinignan ko sila pero mabilis ang mga mata ko at iba ang aking nasilayan. Dalawang taong masayang naglalakad ng sabay at ang isang ay malayang naka-akap sa mga braso niya.
'Ely at Cherry'
Sabi ng isip ko. Naks, rhyme pa. Hindi ako nakagalawa agad sa nakita ko. At ang tatlong hitad din sa unahan ko ay hindi din nakausad. Nakita kong napatingin sa amin silang dalawa. Bumati ang tatlong bruhilda pero ako ay patuloy lang nanahimik. Bigla ko nalang naramdaman na hinila ako ng tatlo ng mabilis patungong pantry.
BINABASA MO ANG
My CPA
RomanceEly Buenaventura, newly appointed manager, and licensed CPA, isn't just skilled but also blessed with charisma, making him popular among women. However, in an unexpected turn, he meets Maru Lopez, an ordinary employee at the private company where he...