Chapter 5

31 1 0
                                    

Matapos ang awkward na eksena kanina sa bus, ay balik na naman sa katahimikan ang mga empleyado. Isang oras narin mahigit na bumabyahe ang bus na lulan kami at sa hindi ko talaga inaasahang pagkakataon, hinihila talaga ako ng antok ko, dahil narin sa kulang yung tulog ko, gawa ng mga bruhilda sa likod. Speaking of the bruhilda's ayun masarap ang tulog nilang dalawa sa pwesto nila, samantalang ako eh pinipilit ko labanan ang antok na nararamdaman ko ngayon.

Pero ang traydor kong mga mata eh hindi na talaga makatagal pa, kaya naman nagpaubaya na ko sa head rest ng upuan ng bus. Nararamdam ko ang pag-gewang gewang ng ulo ko dahil sa pag maniobra ng driver, pero dahil daig ng antok ko ang magalaw na paligid, hindi ko na naramdaman ang nakakahilong galaw ng Bus, siguro smooth ng yung takbo nito. Niyakap ko din yung bag ko at tumagilid pa. Ang bango naman ng amoy ng bag ko na mas nag pahila pa sa akin sa malalim na tulog.

ELY

Napansin ko na kanina pa hindi mapakali yung katabi ko sa pwesto niya, tinignan ko siya at nakita kong nakapikit eto. Kinukuha niya siguro yung antok niya, kahit naman kasi ako, eh kulang sa tulog. Dahil malikot at maalog ang bus eh, bumagsak na sa balikat ko si Maru na ngayon ay tila mas sumarap ang pwesto niya sa pagtulog. Hindi pa eto na kuntento sa pwesto niya at bigla pa siyang tumagilid at niyakap yung braso ko. Ang itsura tuloy namin ngayon eh, yung mukha niya ay nasa leeg ko. Hindi ko maexplain, pero, nagbibigay yun ng ilang sa akin, lalo na kapag tumatama yung hininga niya sa leeg ko. Sh*t.

Nilabas ko din yung jacket na kaninang suot ko, at ikinumot yun sa mga hita niya. Alam naman kasi niyang mag bubus, bakit pa siya nag short, lalamigin siya talaga niyan. Continues lang yung byahe, hanngang sa nag stop over muna kami sa isang kainan. Pero dahil ayaw ko maistorbo si Maru sa tulog niya eh hindi na ako bumaba, hinayaan ko nalang na mag babaan yung mga kasama namin sa bus kasama sila Mabel at Tin. Nakita kami ng dalawa sa ayos namin, akmang tatanungin ako kung bababa ako, pero laking gulat nila sa ayos namin. Nag senyas nalang ako na wag sila maingay at sila nalang muna ang bumaba.

Halos lahat ay bumaba sa kainan para magpalipas ng oras, at mag banyo narin siguro. Habang wala pang mga tao, ay napatingin ako sa tulog na katabi ko. Hindi ko maiwasan na titigan ang kung anong meron sa kanyang mukha. I admit, nagagandahan talaga ako kay Maru, may kung anong natural na ganda siya na hindi ko maiwasan na tignan ang mukha niya. Kaya naman kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya eh, minamasamaan ko siya ng tingin. I think, something bothering in my chest na hindi ko ma explain kung ano eto. First time ko siyang maramdaman, dahil never pa naman ako na attached sa isang babaeng katulad ni Maru. Siguro nga tama yung iniisip ko na, hindi lang katrabaho o isang normal na tao ang tingin ko kay Maru, meron siyang talent na nahihikayat niya ako na mas mapalapit pa sa kanya.

Habang tinititigan ko si Maru eh bigla namang may nagsalita sa harapan namin.

"Sir, tama na yan, baka malusaw yung kaibigan namin." Pang aasar nila Mabel at Tin, sabay bumungisngis ng tawa.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Umayos nalang ako ng pwesto para sa ikaka komportable nang tulog niya. Nagakyatan na din naman yung iba at muling napuno yung bus, umalis na din ulit ito at nagpatuloy na sa byahe. Isa't kalahating oras ang lumipas ay malapit na nga daw kami sa resort na pupuntahan namin. Pero hininto kami sa isang port. Kung saan ay sasakay pa daw kami ng isang bangka para makarating sa resort.

At sa muling sulyap ko ng malapitan kay Maru, para bago kami bumaba at nilubos-lubos ko na. F*ck!

MARU

Naramdaman ko ang tila may nag yuyugyog sa akin. At ang sarap ng tulog ko parang nakumpleto ko na ata yung tulog ko. Nagising naman ako sa lakas ng hampas sakin.

"Te, gumising ka na diyan, kanina pa nangangalay si Sir Ely, ang sarap pa ng yakap mo sa kanya." Bulyaw naman ni Mabel.

Dahil sa sinabi niya eh, dun ako natauhan, nabigla nga ako at tinignan yung pwesto ko. Leeg? Kaninong leeg to? Pagtingin ko, ang sama nanaman ng titig niya sa akin.

My CPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon