"T-thanks." Maikli niyang sagot sakin. "Hindi ka na sana nag abala pa, kakain naman ako ng dinner eh." Dugtong niya pa.
Nahihiya siya na buksan yung packed lunch.
"Tss. Kunwari pa, nagugutom naman na talaga siya. Daming arte! Hmp." Bulong na sabi ko sa kanya.
"May sinasabi ka?" Irita niyang tanong sakin.
"Ay wala Sir, sabi ko po eat well." Sarkastikong sabi ko sa kanya
Sunod sunod ang naging pagkain niya. Ah hindi pala gutom ka. Nakakaloka ka diyan. Pabebe ka din pala minsan Sir.
"Tubig Sir! Baka mabilaukan ka naman, dahan dahan lang. Akala ko ba hindi ka gutom?" Alok ko sa kanya at asar ko na rin.
Napatigil siya sa pagsubo ng isa pang kutsara ng maramdaman niya ata na mabubulunan na siya. Kinuha niya sa akin ng biglaan yung tubig kaya naman hindi na niya naalis sakin yung kamay niya. Binuksan ko na kasi yun para tuloy tuloy na yung inom niya.
After niya makalahati yung bote eh at nakahinga ng maluwag.
"S-Sir yung kamay ko po?" Tanong ko naman sa kanya, babawiin ko na sana yung kamay ko pero mas hinigpitan niya pa ito ng hawak.
Napatitig siya sakin ng mariin at tsaka nag salita.
"Para saan ba tong ginagawa mo Maru?" Malalim na boses niyang tanong sa akin. Serious mode na siya ulit this time
"Ah, w-wala naman S-Sir. Nag aalala lang ako sa inyo." Utal ko namang sagot ulit sa kanya, habang nag iiwas ng tingin.
"Alala? Bakit ka naman sakin nag aalala? Ha Maru?" Para niya akong ininterrogate sa mga tanong niya. Eh syempre Sir crush kita. Eme! Syempre hindi ko yan sasabihin no. Ang landi ko naman.
"Eh syempre po, boss kita." Simple kong sagot na hindi pa rin makatingin sa mga mata niya
"Yun lang?" Tanong niya ulit. Teka! Eh ano ba gusto mo isagot ko sir? na may gusto ako sayo? Ganun ba?! Char! Syempre joke lang yun no.
"Oo naman Sir. Ano ba dapat?" Nahihiya ko pa ding sagot sa kanya.
"Yung totoo Maru? May gusto ka ba sakin?" Seryosong tanong niya sakin
"A-ano S-Sir? Gusto? S-sayo po? W-wala po ah." Utal ko pading sabi sa kanya habang hindi pa din makatingin sa kanya
"Oh, bakit hindi ka makatingin sa akin?" Mapang akit na sabi niya, kaya naman hindi ko na maiwasan na pamulahan at tumingin sa kanya
"Hay nako S-sir nag kakamali kayo, w-wala po akong gusto sa inyo." Naiilang ko pa din na sagot sa kanya
"Eh yung kiss? Kagabi? Bakit mo ako hahalikan kagabi?"
"K-kiss? po?"
"Yup. Yung kiss. Wag mo sabihin sakin na nalilumutan mo na? Gusto mo ba ipa alala ko sayo ulit?" May bahid na pang aasar naman na litanya niya sakin
Natauhan naman agad ako sa sinabi niya.
"Ah eh yun po ba? Nalasing kasi ako Sir, pasensya na." Natatawa tawa kong sabi sa kanya pero deep inside mga Te! Iba yung kaba. Pucha!
"Lasing? So kapag nalalasing ka, nanghahalik ka nalang kung sino sino?" Ganti naman agad niya sakin na tanong.
"A-ah eh. Sir ano kasi. Hindi n-naman ako ang humalik ah. Ikaw?! Ikaw ang humalik sakin!" Bunton ko ng sisi sa kanya sabay sa mga inosente kung mga labi
BINABASA MO ANG
My CPA
RomanceEly Buenaventura, newly appointed manager, and licensed CPA, isn't just skilled but also blessed with charisma, making him popular among women. However, in an unexpected turn, he meets Maru Lopez, an ordinary employee at the private company where he...