This part is specially dedicated to horuswedjat thank you for hyping my desire to write a inspired mythology story! Love yah!!
"Who are you?" Napatigil ako mula sa pagtakbo at napalingon sa may malaking sanga ng puno ng may magsalita roon.
Napangisi ako, "ako dapat ang nagtatanong niyan. Sino ka?" Tanong ko. Tanging ang liwang ng buwan lang ang nagsisilbing liwanag ng kagubatan. Kaya gustohin ko man na masilayan ang mukha ng taong kausap ko ngayon ay hindi ko magawa.
Bukod kasi sa nakasuot siya ng itim na damit may takip din ang kanyang mukha at tanging ang kulay pulang buhok niya lang ang nakikita na mas nagiging matingkad dahil sa liwanag ng buwan.
"Umalis ka na rito." Kalmado ngunit may diin kong sabi sa kanya.
"Ayoko nga." Napakunot ako ng noo at sinamaan ng tingin ang lalaki sa may sanga ng puno.
Tinaasan ko siya ng noo saka tinalikuran.
"Bahala ka. Sige, mauuna na ako." Gamit ang natatago kong kapangyariahan tinawag ko ang retriever ko.
"Raiko," Tawag ko.
Agad naman itong lumapit sa akin at dinilanaan ang kamay ko. Hinaplos ko ang ulo niya at sinabihan ito na maghanda na.
"You're a mage?" Napakunot ang noo ko at muling napalingon sa direksyon ng lalaking kausap ko kanina.
Pero laking gulat ko nang hindi ko na siya makita roon.
Halos mawalan na ako ng balanse ng bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ko. mabuti na lamang at nasalo niya ako.
Naging alerto si Raiko tumaas ang mga balahibo niya habang nakapakita ang mga malalaki niyang ngipin at handa ng sugurin ang lalaking nasa harapan ko.
"You're still not answering me." Binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin kaya naman pinakalma ko si Raiko at muling binalingan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko.
Dahil mas malapit na siya sa akin mas kita ko na ang mukha niya. Tulad ng buhok niya ang kulay ng mga mata niya ay napakatingkad na pula.
Napailing ako at muli siyang tiningnan.
"Nagkakamali ka. I'm not a mage. I'm a huntress."
Pagkasabi ko non ay nanlaki ang mga mata niya.
"Anong sinabi mo?" Nakaawang ang mga labing tanong niya.
"Ay, kuya, bingi ka?" Hindi ko na napigilan at nabara ko na siya. The plan is to be a cool person when I'm talking pero taena! Nakakbanas naman 'tong lalaking 'to. Pogi sana kaso bingi.
"I'm not joking here, milady." Seryoso ngunit may halong Inis na saad niya sa akin.
Nginisian ko siya bago tumalikod, "I'm a huntress."
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang pagpigil niya sa akin.
"Come with me..." Saad niya at ambang hihilahin na ako papalapit sa kanya kung hindi ko lang iwinaksi ang kamay niya.
"Anong problema mo, kuya? At bakit naman ako sasama sayo?" May halong Inis na saad ko sa kanya.
I saw how his brow arched na agad namang ikinakunot ng noo ko ang sinabi niya, "can you stop calling me kuya? Mukhang magka edaran tayo." Ani nito at muling hahawakan na naman ako.
"Ano ba!"
Nabitawan niya ako ng bigla na lang pumagitna si raiko sa amin habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa estranghero na nasa harapan namin.
"Raiko, stop it." Pagpapakalma ko sa retriever ko. Agad naman itong sumunod sa sinabi ko at lumapit sa tabi ko.
Muli kong pinulot ang hawak hawak kong mga kuneho at ambang aalis na pero sumunod sa amin ang lalaking iyon kaya napilitan akong lingunin ulit siya.
"Ano ba?!" Pasigaw na tanong ko at mukhang nagulat rin siya.
Pero imbis na sagutin niya ako ay agad nanlaki ang mga mata ko ng wala pang isang segunda ay nasa harapan ko na siya at agad niyang tinakpan ang bunganga ko para hindi makasigaw.
Maging si Raiko ay nagulat kaya agad niyang nakalmot ang likod ng lalaking tumakip sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Damn it, calm your Retriever. Make him vanished my ibang tao rito." Bulong niya sa akin habang tinitingnan ako sa mata.
Vanish? How can I make my retriever vanish?
"Fuck, milady. Just say, disappear after his name." Saad niya. Nakita ko kung paano tumulo ang dugo mula sa likuran niya kaya kahit naguguluhan ako ay sinonod ko ang sinabi niya.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa may bibig ko, "Raiko, Dissappear. "
Pagkasabi ko non ay nawala sa paningin namin si Raiko. Kasabay naman non ang pagkarinig namin sa mga taong naguusap hindi kalayuan sa amin.
"Sigurado ka bang dito pumasok ang huntress?" Rinig kong sabi ng isa.
Napatingin ako ng deretsyo sa mga mapupulang mata ng lalaking kaharap ko at napatango na lang ako ng senyasan niya akong tumahimik.
"Oo sabi ng mga tao sa syudad dito siya madalas mag-hunting.," sabi naman ng isa.
"Ano bang itsura niya?"
"Kulay lilac na maikli ang buhok niya. At kung hindi ako nagkakamali lagi siyang may hawak na pana at palaso."
Agad akong napatingin sa hawak kong pana. At doon ko napagtanto na ako ang tinutukoy nila.
Nang wala na kaming marinig parehas kaming napaupo sa sanga ng malaking puno. Tumabi siya sa akin kaya napausog ako.
Nakita ko kung paano niya Indian Indian sakit na nararamdaman niya habang ang isang kamay niya ay nasa may balikat. Mabigat din ang paghinga niya na para bang animoy naghahabol ng hininga.
"Sh*t, tangina... your retriever is so violent." Pagrereklamo niya kaya mas lalo akong nakonsensya.
"S-shit, pasensya na..." Hinawakan ko ang may parte ng balikat niya at halos parehas nanlaki ang mga mata namin ng umilaw ang kamay ko at hindi nagtagal ay naging normal na ang paghinga niya.
"What the?" Hindi makapaniwalang saad ko.
Napatingin ako sa kanya ng bigla na lang siyang ngumisi.
Umayos siya ng tayo at inabot ang mga kamay niya sa akin.
"Rumours might be really true, you can heal." Naguluhan naman ako sa sinabi niya. I tilted my head as I reach for his hand.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"You should really come with me. Hindi ka pwedeng manatili rito." May kabuluhang ani niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Teka nga, naguguluhan ako sayo. Saka, pambihira paano ko ibabalik si Raiko. You made him disappear. " Pagrereklamo ko na ikinatawa niya.
"You're the one who made him disappear. " nakangising sabi niya.
That's true, pero siya ang nag-utos sa akin.
"Hayst, ewan ko sayo. Mauuna na ako."
Hinanap ko ang mga kunehong nahuli ko at binalikan iyon. Muli kong nilingon ang lalaki at halos napaatras ako ng bigla na lang siyang nagpakita sa harap ko.
Kanina pa siya lapit ng lapit!
"Sino ka ba talaga?" Hindi ko na napigilan at tinanong na iyon sa kanya. I should be on my way home now dahil baka hinihintay na ng matanda ang kunehong ipinapahuli niya.
Ngumiti siya sa akin at inabot ang mga kamay niya.
"I'm Aziere Tiede. A mage from the Luminous guild." A mage... tiningnan ko ang mga kamay niyang nakaalok sa akin at nagdadalawang isip man ay tinanggap ko ang kamay niya. Pero para akong nagulat na ewan parang panandaliang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Naramdaman ko ang pagsalo niya sa akin pero para akong nawalan ng lakas dahil sa paghawak ko sa kamay niya.
"And my mission is to take you with me."
![](https://img.wattpad.com/cover/347092890-288-k399379.jpg)
BINABASA MO ANG
Descendant of Goddess Artemis
FantasíaWho would thought that this kind of reincarnation, transmigration exist? I thought it was just some sort of dreams to be reincarnated to something I was just reading before a tragedy happened. I'm just a normal highschool student who accidentally...