Kabanata 8

2.8K 97 28
                                    

Kabanata 8
"Hands"

Talaga? Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil do'n? Iyon lang?

"Wait up!"

Naramdaman ko ang paghuli at paghila sa palapulsuhan ko. Agad akong napahinto at nahila pa konti. Turning my head and eyes darting, I catch Illias' dark and intense gaze, tiyempo sa pagdaan ng umiikot na ilaw.

"Let's talk," he damanded, sobrang seryoso at nakakapagpakaba ulit sa'kin.

"Ashat," tawag sa'kin ni Faye. Namimilog ang mga mata niyang dumako kay Illias.

"Mauna ka na," I said to her.

Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Illias bago tumango at bumaba na ng hagdan. She looked reluctant pero tumuloy na rin.

"Sa tingin ko wala naman tayong dapat pag-usapan." Pinilit kong maging tunog casual.

"Wala?" His brows furrowed.

Maingat kong hinihila ang kamay ko mula sa hawak niya. Alam niya nga lang kaya mas hinigpitan pa ang hawak sa'kin.

"You left me hanging," akusa niya. I can sense how he has so many things to say pero dahil sa lugar at sitwasyon namin ngayon nilimitahan na lang sarili.

Napaawang ang labi ko. I consciously looked around a bit. Tama ang hinala ko, may iilang nakatingin sa'min. Marami yata ang kilala siya sa puwestong 'to.

I blew one bothered breath. "Let's get out of here."

Mataman niya akong tinitigan, tila kinakalkula ang takbo ng isip ko. Wala namang sinabing pagtutol. Iniisip ko ang mga kasama, pero mas iniisip ko kung pa'no ba ito.

Pahamak din kasi ang kayabangan ko. Pumatol patol pa kasi sa dare na iyon. Well, ayaw ko namang magbayad, so that left me without a choice. At hindi ko naman alam na matataong siya pa! Sadyang may galit lang siguro sa akin ang tadhana at gusto akong bigyan ng problema. But come to think of it, kagagawan ko rin naman ito. So I deserve it?

"Magkita na lang tayo sa may exit."

His eyes squinted, klaro doon ang pagdududa.

"I'll just get my things. I swear I'm not being sneaky."

Matagal pa kaming nagtitigan bago niya ako pakawalan.

Damn!

I have to reassess my reasons and most importantly myself. Mag-uusap lang kami. Nagdesisyon na ako. I should stick to it. Hindi dapat ako nanghihina rito.

"Anong sinasabi nitong si Faye?" agad na pagkausap sa'kin ni Giu pagkalapit ko.

"Well..." I shrugged my shoulder along with a suggestive grin. Dinampot ko ang purse ko.

"I'll go ahead." Binalingan ko ang mga bagong kasama.

Ngumisi sila at tumili pa.

"Gaga!" Tinampal ni Giu ang puwet ko bago ko sila talikuran.

We left the noisy and crowded club. I don't have an idea where we should talk. Sa kotse? Sa hotel? Sa condo niya? Fuck! Dapat sa may ibang mga tao, 'di ba? Somewhere open nang hindi nauuwi sa kung saan.

Mag-uusap lang. Inulit ulit ko iyon sa sarili ko.

"Are we really having this talk?" sabi ko nang makalayo na sa entrance ng club.

"I believe we must," malamig niyang sabi na napatango na lang ako.

Lumapit kami sa kotse niya. He unlocked the doors. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Napapalunok ako habang pumapasok. He shut the door close when I made it in, then shifted to the other side. Pumasok na siya habang inaayos ko naman ang pag-upo.

Unruly OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon