Kabanata 11

1.2K 45 12
                                    

Kabanata 11
"Good choice"

I pulled myself together from being slightly hypnotized by his touch and whisper. Dumistansya ako kay Illias. Kinunot ko ang noo at umiling.

"Ayoko nang magsayaw." Binalingan ko si Giu na hindi pa naisasara ang bibig. "Balik na tayo."

Hinila ko palayo si Giu. Hindi na ako lumingon. I groaned and continued to walk fast, pabalik sa puwesto namin kanina.

"Hey, saw that," salubong na panunuya ni Denny. Tumingin siya sa kanyang asawa, naghanap pa ng kakampi. "They make a good pair, right? You saw it, too."

Ngumisi lang si Raikko.

Umirap ako. Inilapag ko ang hawak na baso sabay upo. Umupo na rin si Giu na naiwan pa rin ang tingin kay Illias na iniwan ko roon. May mga nagsasayaw at nagsasaya pa ring mga Montalba roon banda.

"Ano 'yon?" Bumulong sa akin ni Giu.

"Wala. Wala."

Kinuha ko ulit ang baso ko at ininom ang natitirang alak. Nang maubos na, nagbuhos ako ng panibago. Nahuli ko pa ang ngisi ni Denny. Inirapan ko siya. She is annoying!

Napabilis ang paglagok ko nang humalo na sa amin si Illias. Umupo siya sa nag-iisang bakanteng upuan. He is eyeing me, diretsong diretso. Pilit kong inignura iyon at hindi na tinuloy ang pag-inom.

Natataranta akong nag-iisip kung paano ko aalisin ang sarili ko sa sitwasyong iyon. Dinampot ko ang cellphone para gawing excuse. Nakakailang pindot pa lang ako nang pumasok ang tawag ni Monty. Hindi na ako nag-isip pa, mabilis kong napindot ang answer button. Tumayo ako. Sumenyas akong lalayo muna saka sila iniwan.

Nakailang linga rin ako bago huminto para nga kausapin si Mont. Kinalma ko ang kalooban. Huminga ako ng malalim. Tumikhim ako para ayusin ang boses.

"Am interrupting something?" ani Monty sa kabilang linya.

"No. No. Actually, I'm wondering, bakit napatawag ka?" Ang mga mata ko ay bumalik sa puwesto namin. Nag-uusap sila base sa kibot ng mga labi nila.

Baka kung anu ano na ang pinagsasabi ni Denny. Dapat hindi ako masyadong lumayo.

"The party is kinda boring. Sana pala hindi na ako pumunta. Sana ay lumabas na lang tayo."

"Umm..." I saw Denny and Illias glance at my directions. Distracted ako kaya nahirapan akong sumagot. "I-I think so too."

"Really?"

"It's a little late... But I can leave the party now... and get you. Sa tingin mo, puwede 'yon?"

Ako ba ang pinag-uusapan ng dalawang iyon? Naniningkit na ang mga mata ko sa kuryusidad.

"Ashat?"

I shook my head. "You were saying?"

"Puwede ba tayong lumabas? Ngayon? Anywhere. Anything."

"I'm at a friend's house."

"Oh..." Rinig ko ang panghihinayang sa boses niya.

"I-I have to hang up."

"I see. Enjoy then."

Tinapos ko ang tawag. It was late when I realized na opportunity na sana iyon para makaalis ako rito. Pero napag-isip-isip ko ring petty kung aalis ako at iiwan sila.

"Sobra sobra na ang yaman mo, Illias. Kailangan mo na ng pagkakagastusan niyan..." sabi ni Denny.

Kakaupo ko pa lang. She turned to me tapos balik kay Illias.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unruly OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon