Kabanata 1
"Single"
"Joss, tigil," sabi ko nang pababa na ang kamay niya. It already reached the band of my panties, inside my jeans.Nagpatuloy siya sa paghalik sa akin. Umilag ako at agad siyang tinulak. Malakas iyon kaya napaatras siya konti.
"I said stop."
Inayos ko ang nahulog na strap ng blouse ko. Masama ko siyang tinitigan. Lasing pa ang mga mata niya nang magmulat.
Pareho kaming nakainom, pero nasa katinuan pa naman.
"What?"
"Ihatid mo na ako," I demanded.
He groaned in annoyance. Alam ko ang gusto niya, pero hindi ko gusto. Ilang beses na rin siyang gumawa ng advances pero laging hindi natutuloy dahil tumitigil na ako.
He might be my first official boyfriend, pero hindi naman ako inosente when it comes to boys. First dahil I don't consider my past relationships with boys as something serious. It was just young foolish elementary and highschool affairs. Nagbo-boyfriend dahil iyon ang basehan na maganda at sikat, dahil may nanliligaw kuno.
When he was courting me, I thought he was one of those gentlemen who would not make advances for their fleshly need. Iyong tradisyunal. A man who would promise you marriage bago pa ang bagay na 'yon. Hindi gaya ng mga naunang ka-chat at kalandian.
Matagal na rin kami, if five months is considered long enough.
"Why are you always avoiding this?" inis niyang sabi.
"Dahil ayaw ko. Hindi ba halata?"
"C'mon. Are you scared?" Mataman niya akong tinitigan.
"I-I don't know."
He reached for my hand. Hinalikan niya ito. Gano'n din ang ginawa niya sa isa bago binaba ang kamay ko. His hand touched my face.
"Are you a virgin?"
Napakunot ang noo ko. Hindi ko agad nagustuhan ang tanong niya. May pakiramdam na ako noong nakaraan na iyon nga ang habol niya sa akin. It's sickening na hanggang ngayon may mga lalaking parang tropiyo ang tingin sa virginity ng mga babae, mas maraming nakuha mas magaling... mas sikat. Ang malala, parami 'ata sila nang parami.
Masaya naman siyang kasama. Masaya ring kasama ang mga kaibigan niya. Mahilig din siyang magbigay ng bulaklak at chocolates, may surprises din. Pero more than anything, kaya sinagot ko siya dahil pinakilala niya talaga ako sa mga magulang niya. Hindi na uso 'yon ngayon, but I like the idea. Ma-effort din siya. We don't go to the same school but he makes sure na napupuntahan niya ako either bago ang klase sa umaga o pag-uwian.
"Tell me. Be honest."
"No," sabi ko. "Does it matter to you?"
Natigilan siya. I was expecting him to say na hindi mahalaga 'yon. Disappointed agad ako sa reaksyon niya.
"So why won't you want to do it?"
"Basihan ba 'yon?"
"Hindi mo ba ako mahal?"
Mahal? I am not even in love with him! I can't believe this!
Inabot niya ulit ang mga kamay ko. "Ano ba'ng kinakatakot mo?"
"Basta ayoko lang."
"Don't you want to do it with me? I promise you, I will be gentle," malambing niyang sabi. Pinipilit akong halikan ulit.
Tinulak ko siya at umayos ng upo. Binalik ko ang nakalas na hook ng bra ko.
"Gusto ko ng umuwi."
"Ashat, don't be like this."
BINABASA MO ANG
Unruly One
Genel KurguShe will always be the captain of her life. Kahit pa magkamali at pumalpak, Ashat likes to believe she's in control. Gagawin niya kung ano ang gusto niya sa paraang ayon sa kanya. Not even her parents or a man in a relationship with, could make her...