Kabanata 10
"Tempting"
After pulling over, Illias leaned on my side. Nahigit ko naman ang hininga ko habang kinakalas niya ang seatbelt ko. Nang umatras siya ay tinulak ko na pabukas ang pinto."Thanks sa paghatid," hindi tumitingin kong sabi at bumaba na.
Hindi ko naman inaasahang bababa pa siya. Sinabayan niya ako sa paglalakad papuntang entrance. Hindi ko magawang bilisan ang lakad.
"What time do you usually leave for work?" tanong niya.
"Huh?" I faced him. "D-depende." Sa ngayon umaabot pa naman ako sa opisina sa tamang oras. Siguro kapag tumaggal baka ma-late na ako madalas.
"How about after work?"
"Depende rin. Why?" I frowned.
He has an amused smile forming in his lips. Bahagya siyang umiling.
"Why are you asking?" Paglilinaw ko.
"I just want to know."
Mas kumunot ang noo ko.
He bit his lower lip to contain his smile. "All right."
"I'll go ahead." Agad kong hinarap ang entrance door. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang naramdaman ang kamay niya sa palapulsan ko. Napahinto ako sa magaan niyang paghila.
"Do you have plans for tomorrow?"
"Wala," I said defensively. "Pero hindi ako lalabas."
"I see."
"May tanong ka pa?"
Umiling siya.
"Papasok na ako." Bumaba ang tingin ko sa kamay kong hawak niya pa rin.
Tumingin din siya at marahang bumitaw.
"I'll go now," sabi niya.
"Sige—" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang yumuko siya.
Lumapat ang labi niya sa pisngi ko. "Good night," bulong niya.
I stepped back and turned around. I was stunned at tinanaw nalang siyang bumalik sa kotse niya. Tuliro akong pumasok ng tower ilang sandali pa. Ramdam ko ang init sa buong mukha ko.
Heck.
Kakalabas ko lang ng elevator tumatawag na si Denny. Sinagot ko iyon at naalalang siya ang may kasalanan nito.
"So? How was it?" halos patili niyang tanong.
"Denny, that was lame!" nanggagalaiti kong bulyaw.
Tinawanan niya lang ang iritasyon ko.
"Hindi ako natutuwa, Denny," may diin kong sabi.
Tumawa pa ulit siya. "Pero kinilig?"
I grunted in annoyance. Kahit pa siguro murahin ko siya hindi siya tatablan.
"C'mon, Ashat. Illias is not bad. If you only know how many women wish to score a date with the remaining bachelor of the Logramontes."
Kaunti na lang iisipin kong may kumisyong makukuha si Denny sa pagtutulak niya sa akin kay Illias. The more she should not know of my past with Illias. I feel like gagamitin niya pa iyon.
"He is not my type!"
"That can work out, eventually. Besides, what's not to like about him? Akala ko ba naghahanap ka ng guwapong mayaman? Ayan na. Sayang naman ang effort ng asawa kong papuntahin si Illias."
"No, Denny. Stop this. I am not dating Illias. Quit it. Okay? Please."
"Isang beses pa lang 'yon. Saka ka na mag-decide after a few more dates."
BINABASA MO ANG
Unruly One
General FictionShe will always be the captain of her life. Kahit pa magkamali at pumalpak, Ashat likes to believe she's in control. Gagawin niya kung ano ang gusto niya sa paraang ayon sa kanya. Not even her parents or a man in a relationship with, could make her...