Kabanata 9
"Pagtanggi"Ngumuso ako nang mapasadahan ng mabilisang scroll ang messenger ko. I rolled my eyes when I realized it was almost the same conversation with different guys. Mga kausap ko ito few weeks ago.
Boring.
These days I don't really know if I want to go out with someone, flirt, party or try something I haven't done before. Signs of aging, perhaps?
Binaba ko ang phone ko at sinuot na ang bagong biling blue set of workout clothes from Lululemon. Lumapit ako sa dresser para itali na ang buhok ko pagkatapos. Nag-apply na rin ako ng manipis na make up.
"Let's go," sabi ni Giu nang bumalik siya sa kuwarto. Binalingan niy ako. "Hindi ka pa tapos?"
"Tapos na."
Kinuha niya na ang gym bag niya. Tumayo na ako at kinuha rin ang akin. We are going to the gym today. We both signed up to a new gym. Yes, I decided to be dedicated this time. I made the decision after knowing I gained weight, eight pounds. It's too much!
Pasok pa rin naman sa body mass index range ko. Hindi ko nga lang gusto ang paglitaw ng taba sa mukha at tiyan ko. So I am seriously doing this. Hopefully.
We registered online kaya nang dumating ay sinalubong na kami ng staff at pinakilala sa magsisilbi naming gym instructor. May saglit na orientation tapos ini-lead na kami sa mga equipment.
Panay naman ang sulyap naming dalawa ni Giu sa paligid. Ang mahal ng membership fee sa gym na ito. Sikat din kasi. Although, mukhang sulit naman, conducive place tapos bago at complete sa equipment. Professionals at kilala rin ang mga instructor nila. Ang isa pa nga ay featured sa sports and health show ng isang network.
"Si Lucian 'yon, ah," paimpit na bulong sa akin ni Giu. Itinuro niya iyong lalaking mabilis ang takbo sa thread mill.
Squinting my eyes, nahanap ko nga. Napaismid ako nang makitang dalawang babae ang nasa magkabilang gilid niya. Puro matatangkad at may katawang pang model.
Si Lucian ay kilalang businessman and entrepreneur. Minsan na ring nagmo-modelo.
"Tsss. Sayang may mga nakaaligid," bubulong-bulong pa si Giu. Malandi talaga kahit may boyfriend na 'to. Ito talaga ang totoo niya pakay dito. Kinumbinsi pa ako. Ako namang kaladkarin, um-oo kaagad. Well... Looks like magugustuhan ko talaga rito.
Sayang naman ang bayad namin kung mas aatupagin namin ang mga tao rito kaya nagsimula na nga kami. Warm-up na muna.
Nakapag-focus din naman kami kalaunan. Lumipat kami sa elliptical. Limang minuto pa lang iniwan na ako ni Giu. May bagong dati kasing kakilala niya kaya nilapitan niya. Nagpatuloy naman ako. Ginalingan ko na rin baka sakaling may nakatingin.
Ilang minuto pa pero hindi pa nakakabalik si Giu. Pagod na rin ako kaya bumaba na ako sa elliptical at hinanap saan ko huling nakita siya.
"Hey," someone spoke behind me.
Nilingon ko at nakita ang isang matangkad na lalaki. My eyes instantly checked him out. I inwardly smirk. He si wearing a dri-fit shirt that clings on his muscular figure. Ang lean ng dibdib niya parang kay... Geez. Ang broad ng shoulder niya but not as broad as... Shit!
Inilahad niya ang tumbler kong hawak niya.
Tinanggap ko na. "Oh, thank you."
"Montgomery," he said.
BINABASA MO ANG
Unruly One
General FictionShe will always be the captain of her life. Kahit pa magkamali at pumalpak, Ashat likes to believe she's in control. Gagawin niya kung ano ang gusto niya sa paraang ayon sa kanya. Not even her parents or a man in a relationship with, could make her...