Kabanata 4

344 15 0
                                    

"hoy bata, bagong salta ka lang sa lugar namin ah. Siguro naman mababayaran mo tong damit ko tingnan mo ang dumi dumi na" sabi ng nakabungo ko.

Madumi? Ehh madumi naman yan dati ah. Nakakatakot ang mukha nila pero lalaban ako.

Magsasalita na sana ako ng may kumuha sa kamay ko at hinila ako. Maraming tao sa pamilihan kaya hindi kami nasundan ng  tatlong panget pero naririnig ko parin ang sigaw nila.

Dinala ako ng batang ito sa isang malaking puno malayo sa pamilihan. Umupo siya at sumenyas siya na umupo ako.

Parang nasa 14 to 15 na ang batang ito, brown hair and brown eyes, malinis rin ang damit nito pero makikita mong commoner siya. Kung sa pelikula ay para siyang extra, hindi mo agad mapapansin.

"Ako nga pala si Hans, patawad kung hinila kita." Wika niya, tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa.

"Ako si Ophelia, maraming salamat sa pagsagip saakin"

"Hindi ka kabilang sa amin tama?" Ano ang sinasabi niya. Ah baka nakita niya na noble ako.

"Ah oo isa akong noble.."

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. I mean isa kang starz, hindi ba?" Nakikita niya yata ang naguguluhan kong mukha.

"Starz, nagmula ka sa ibang dimension. Yung master ko ay isang starz at medyo katulad ka niya" Ibig bang sabihin nito ay may ibang katulad ko.

"Oo nagmula nga ako sa ibang dimension" Nakita niya agad ang dala dala ko at kumunot ang kanyang noo.

"Isa kang noble so bakit maglalayas ka?" medyo halata ba na maglalayas ako.

"Okay ka lang ba?" Wika niya ulit.

Okay lang ba ako? Sa tanang buhay ko walang nag tanong sa akin kung okay lang ba ako. Sa mundo ko ay isa akong bread winner ng aking pamilya. Kayod doon, kayod dito. Maganda naman ang buhay ko nakakakain ng tatlong beses at pinupuri ako ng aking magulang sa pagtulong sa kapatid ko sa kanyang pag aaral.

Nasira lang ang picture perfect kung buhay noong gusto kong bumukod. Gusto kong maging independent. Hindi ako makapaniwalang ang papuri ay napalitan ng masasakit na salita sa isang iglap.

Nanlabo ang aking mga mata. Para na rin yatang sisiponin ako. Medyo sumasakit na rin ang aking ulo sa pagpipigil ng luha. Nakaramdam ako ng kamay sa ibabaw ng aking ulo. Nakita ko ang kanyang mukhang nagsasabing okay lang na umiyak.

Hinayaan ko ng tumulo ang aking luha. Sa tanong kung okay ba ako? Hindi. Hindi ako okay. Natatakot ako, gusto kong bumalik. Pero gusto ko ba talagang bumalik sa buhay ko noon. Naguguluhan ako. Ayaw kung umiyak. Ang pag iyak ay isang kahinaan pero hindi ko mapigilan.

Yinakap lamang ako ni Hans. Hindi ko inaakala na sa maliit niyang kamay ay napapagaan niya ang aking damdamin.

Kinuha ni Hans ang aking mga kamay at dinapo ang isang maliit na puting ibon. Napatingin lamang ako sa kanya, medyo tumigil na rin ako sa pag iyak dahil medyo naguguluhan ako. San niya nakuha ang ibong ito.

"Sa pagdiriwang ng liwanag, ang ibinigay ni Goddes Rety na kapangyarihan sa akin ay ang makatawag at makapa amo ng ibon. Ang ganda diba?" Sabi niya habang nakangisi.

Tumango lang ako. Ang cute nga ng ibon. Kahit na ito lang ang kanyang kapangyarihan ay nasisiyahan pa rin siya.

"Gusto mo ba talagang mag layas?" Tanong niya. Tumango lang ulit ako.

"Isa akong Mersenaryo. Medyo bata ka pa kaya di kita masasama"

"Malakas ang kapangyarihan ko, May holy power ako at Rock power. bakit di mo ko maisasama?" Tanong ko

Malayang NinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon