Kabanata 31

76 6 0
                                    

"Salamat Fely" ngumiti ako at nginitian niya rin ako pabalik.

"Tamang tama, may niluluto akong chicken soup. Ipapatikim ko sana sa'yo"

Ohh chicken! Tumango naman agad ako. Pansamatala ay nakalimutan ko ang sinabi ni Zavier.

Naglakad na kami papunta sa kusina, hawak hawak ni Fely ang aking kamay. Ito ang kanyang paraan para maramdaman kong kakampi ko siya.

Sa dating mundo ko ay wala akong kaibigan, dahil naka pokus lamang ako sa paghahanap ng pera pangtustos sa gastusin sa bahay.

Napaka swerte ko ng naging kaibigan ko si Fely. Ito rin siguro ang mararamdaman ng totoong Ofelia kung tinahak niya lang ang daang gusto niya. Mali, kung may kalayaan lang siyang mamili.

Binuksan ni Fely ang kaldero, kumukulo pa ang mainit na chicken soup. Nakakatakam ang mga hiniwang manok, at mga gulay. Sumandok siya at inilagay sa mangkok.

Kinuha ko naman ito sa kanyang kamay. Nakakatakam ang amoy nito. Parang yinayakap ka ng kumot habang umuulan.

Gamit ang kutsara ay kumuha ako ng sabaw na mayroong manok. Hinipan ko muna ito, at sinubo.

Hmm. Masarap naman pero mayroong kulang. Kumpleto naman ang mga sangkap. Ahh alam ko na, kulang ang mga spices. Noong niluto ko ito noon, may dinagdag akong onion powder at iba pa.

Tinitingnan ako ni Fely, naghihintay siya kung ano ang aking komento.

"Napaka sarap Fely, sigurado akong magugustuhan ito ng mga bata" Hindi ko naman pwedeng sabihin na masarap pero may kulang.

Malawak ang mga ngiti sa kanyang mukha. Pati ang kanyang mga kasama sa kusina ay masaya. Tinulungan ko silang maglatag ng mga Plato, kutsara at mga baso.

Lumabas na ako at tinawag ang mga bata pati na rin ang ibang kasamahan ko. Nag-aalalang nakatingin sa aking gawi si Zavier. Siguro ay ngayon lang nag sink in ang pagpapahiya niya sakin sa harap ng ibang tao.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tama rin naman si Fely, hindi ko kailangan ang pag-aalala ng ibang tao. Kung sa tingin ko ay mahusay  at makapangyarihan ako, iyon ang aking papaniwalaan.

Umupo na kami sa mahabang lamesa. Ang aking katabi ay si Fely at si Kai. Inobserbahan ko ang mga bata, hinipan nila ito at maingat na kinain. Natatakot na baka mapaso sila.

Lumiwanag naman agad ang kanilang mga mukha ng nalasahan nila ang pagkain. Napatawa naman ako ng marahan. Nagsimula na rin akong kumain.

Natapos na ang aming  pananghalian. Tumulong naman ang mga batang magligpit at maghugas ng kinainan. Nagpahinga na muna kami ni Fely sa ilalim ng puno.

Minamasdan namin ang ginawa ko kanina. Dahil sa aking nakikita ay namamahanga ako sa aking kapangyarihan. Hindi rin ako nawalan ng malay sa paggamit ko ng purifying power, may bunga na rin ang aking pag iensayo.

Sa pananatili namin sa Bayan ng Wora ay nakalimutan ko na ang huni ng ibon at ang marahan na paggalaw ng dahon dahil sa hangin. Napakaganda ng tanawin, sumulyap ako kay Fely, nakangiti siya siguro ay namamahanga rin siya.

"Tama nga pala Ophelia. Malapit na ang pagdiriwang ng Ilaw. Ano ang plano mo?" Tanong ni Fely.

Magiging abala kami sa pagdiriwang ng ilaw dahil tutulong kami sa simbahan. Ngunit kailangan ko ring maging tagabantay sa mga bata. Kawawa naman sila kung walang sasama sa kanila.

"Sasabihan ko si Saintess Cara na ako muna ang pansamatalang tagabantay ng mga bata. Siguro naman ay sasang - ayon siya upang di na ako magtampo sa kanya" Napatawa naman si Fely.

" Ang bait mo talaga. Kung mayroon sanang taong tumulong sakin noong nasa bahay amponan pa ako, siguro ay mas masaya ako ngayon. " Tumingin siya sakin.

" Salamat Ophelia, sa pagmamalasakit mo sa mga bata"

Ang isang pagkakapareho ng mga bata at si Fely, ay nakaranas sila ng pagmamaltrato at abuso. Mabuti nalang kahit ganoon ang nangyari kay Fely ay naging isang sinag siya ng araw.

Mahahawa ka sa kanyang kasiyahan at pagiging positibo. Bagay na bagay talaga siyang maging bida sa nobelang ito.

"Tama nga pala, Hindi ka ba natatakot kanina. Kinompronta mo ang Duke?" Tanong ko.

Nawala naman ang kanyang ngiti. Alam kong bumabagabag rin sa kanyang isipan ang ginawa niya kanina. Isa lamang siyang hamak na commoner, kaya malaki ang pagkakataong ma expel siya sa kumbento.

"Sa totoong lang Ophelia, Natatakot talaga ako sakanya. Pero hindi ko matiis na tumahimik lamang. Parang pinuputok niya ang mga lobong pinaghirapan mong ginawa. Nakita kitang mag ensayo ng espada at kapangyarihan."

Hinawakan ko ang kanyang kamay.

" Nakita ko kung paano ka sumuka ng dugo at magkasugat ang iyong mga kamay. Gusto rin kitang pigilan. Ngunit noong nakita kitang gumawa ng batong maitim ng ilang segundo at bakas sa iyong mukha ang kasiyahan. Napagdisesyon kong.. " Huminga muna siya ng malalim.

" Napagdisesyonan kong protektahan ka sa mga taong gustong burahin ang ngiti sa iyong mukha. Isa kang makinang na hiyas, hindi ka bagay na itago sa isang magarbong kahon. Mas kumikinang ka pag malaya kang nakikita ng ibang tao. " Wika niya.

Hindi ko alam na ganito pala ang nasa isipan ni Fely. Sumasaya ang aking puso ng nalaman kong may mga tao palang gusto maging masaya ako.

Yinakap ko siya. Nagulat siya sa biglang pagyakap ko kaya napatawa siya. Ang lahat ng sinabi ni Zavier ay biglang nawala. Gumaan ang aking pakiramdam parang nawala ang mga mabibigat na gamit na pasan ko.

Inubos namin ang oras sa pagmamasid sa hardin.

Maya't maya pa ay nagluto na kami ng pagkain para sa haponan. Naghahanda na rin matulog ang mga bata. Habang sinusuklayan ko ang buhok ng batang babae ay lumapit sakin si Zavier.

"Ophelia, halika ka na uuwi na tayo sa bahay ng baron" Inilahad niya ang kanyang kamay.

Tiningnan ko lamang siya at bumalik sa pag susuklay. Natapos na rin kaya pinapunta ko na ang bata sa kanyang silid. Tumayo na ako sa pagkakaupo at hinarap siya.

"Lord Zavier, patawad pero dito ako matutulog. Pakisabi kay Saintess Cara na pansamatala ay ako ang magiging tagabantay ng mga bata" sabi ko.

Lalagpasan ko na sana siya ng hinawakan niya ang aking kamay. Napa roll eyes nalang ako, gusto niya bang makipag debate. Wala ako sa mood ngayon.

"Matigas ang higaan dito, at baka mapano ka. Makakaya naman ng mga bata na mag isa. Hindi na nila kailangan ng taga bantay" Nahihibang na ba siya.

Hinarap ko siya at sinampal. Bakas sa kanyang mukha ang pagka gulat. Hinawakan niya rin ang kanyang pisngi'ng sinampal ko. Parang naiiyak pa siya. Di siya makapaniwalang magagawa ko iyon.

Sinayang mo ang kabaitan ko, Zavier.

Malayang NinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon