Kabanata 48

42 3 0
                                    

Hindi ko nakita kung saan pumunta ang lalaking iyon, pati na ang kanyang pangalan ay hindi ko rin alam.

"Pagbati lahat kayo ay nandito upang maging Mersenaryo tama?" Sigaw ng isang lalaki.

Nagsihiyawan naman sila.

" Pero hindi lahat ay karapat dapat maging isang mersenaryo"

Lumabas agad sa kanyang likod ang nakakatakot na Elephy.

Nabasa ko ito sa isang libro, magkamukha sila ng mammoth. Pula ang mga mata nito, naglalaway rin ito na parang nauulol at malaki ang pangil.

Nahuhuli lang ito sa desyerto ng Benevela, kaya malabong totoo ito.

Ang iba ay nagtatakbo palabas. May iba pang nanginginig at umiiyak. Hindi ba nila napapansin?

Ng makaalis na ang ilang mga tao ay nagsimulang pumalakpak ang lalaki.

" Palakpakan niyo ang inyong mga sarili. Tanging mga karapat dapat lang ang makakakita sa ilusyong gawa ko, mahusay"

" Nakalimutan ko yatang ipakilala ang aking sarili, Ako si Range, ang pinuno ng Fari guild. Ang kapangyarihan ko ay ilusyon, ang nakita niyo kanina ay ang aking kapangyarihan. May ibibigay ang kasamahan ko sa inyo, pagkatapos niyong basahin ay magtungo kayo sa likod ng gusali" wika niya at umalis.

Binigyan naman kami ng papel ng kanyang kasamahan tatlong piraso ito. Naglalaman ito ng rango, at rango ng pangkat. Kung mataas ang makuha kong rango ay tataas rin ang rango ng grupo namin.

Ang panghuling papel naman ay naglalaman ng mga pangalan ng halimaw. Suo, Gitre, Yawab, at akalap. Anong gagawin ko dito, ito ba ang makakalaban namin mamaya.

Lumabas na ako at nagtungo sa likod ng gusali. May maliit na hugis bilog na entablado. Pinapalibutan rin ito ng mga upuan na gawa sa bato. Nasa gitna si Range.

"Nandito na ang lahat, bago natin simulan ay mayroong tatlong pagsubok kayong gagawin, unang una ay iyong nangyari kanina. Masaya akong nagwagi kayo sa pagsubok"

" Ang pangalawang pagsubok ay makikipag laban kayo sa halimaw na makukuha niyo sa pamamagitan ng pagbunot ng papel"

Bago pa ako makaupo ay pinabunot muna ako ng papel. Inilahad ng babae ang isang fishbowl na naglalaman ng mga papel. Ipinasok ko naman ang aking kamay at kumuha ang papel.

Binuklat at binasa ko ito,

" Akalap", Sh*t!!

Ang akalap ay ang tawag sa mga palakang nakakain ng demon essence. Hindi naman sila mahirap patayin, pero ang nakakabwisit lang ay dumudura sila ng asido. Para rin silang mga lobong may asido kapag tinusok mo sila.

Sa totoo lang ay takot akong maduraan, napakamahal ng kasuotan ko. Gawa ito sa leather. Gusto ko sanang gumamit ng espada pero mas mainam na gamitin ko ang rock power.

"Nakakuha na yata ang lahat kaya magsisimula tayo kay Nina, pwede mo bang sabihin muna samin kung anong pangalan ng pangkat mo o pangalan ng iyong pinuno"

Parang wala namang pangalan ang pangkat namin.

"Ang pangalan ng aming pinuno ay Hans" sabi ko

Biglang tumahimik pero hindi agad ito nagtagal dahil bigla silang tumawa. May mali ba sa sinabi ko.

"Baka duwag ka rin ah katulad ng pinuno mo" sigaw ng isang lalaki sabay halakhak nito.

Pinalabas ko kaagad ang obsidian spear ko at pinalapit sa walang hiyang lalaki, nasanga naman ito ng kanyang kasamahan. Naging steel ang kanyang braso. Pinandilatan niya ako ng mata, o baka ganun lang talaga ang kanyang mata.

Malayang NinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon