Kabanata 36

71 5 0
                                    

Nilapitan naman ako ni Fely upang gamutin. Narinig ko rin na umalis si Zavier, siguro ay pupuntahan niya ang Baron at ibalita ang nangyari.

Baron Atlas Wora, Ano kaya ang pinaplano ng taong iyon at may kakampi pa siyang makapangyarihan. Isa lang ang pwedeng maging dahilan sa pagdakip nila sa mga bata, gawing alipin.

Gusto ko siyang isumbong sa Emperor pero baka maungkat nila ang ginawa ko dito. Nakatali ako sa simbahan dahil sa pagsali ko sa kumbento at kung malaman man nila na pumatay ako.

May masamang mangyayari at baka masali pa ang ibang kasamahan ko sa kumbento. Kailangan ko pa ng mas malakas na ebidensya upang maipakulong si Baron Atlas.

"Ayos na Ophelia, Nawala na ang lason pero mas mabuti pa ring magpahinga ka" Nakangiti si Fely na nakatingin sa'kin.

Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko masikmura ang ginawa ng mga lalaking iyon kay Fely. Kulang pa ang ginawa ko sakanila.

Hinawakan naman ni Fely ang nakakuyom kong kamay.

"Mabuti nalang at nasagip mo agad ako, hindi ko maiisip kung anong gagawin nila sa'kin kung hindi ka dumating"

Nakangiti siya, pero kitang kita ko sa kanyang mata ang takot at kalungkutan.

Yinuko ko ang aking ulo. Alam ko kung ano ang totoong nangyari, ayaw niya lang na mangamba ako at kaawaan siya.

Ang sama kong kaibigan, hindi ko man lang siya natulungan.

"Mikael? Asan ka Mikael" sigaw ng isang ale.

Natatandaan ko siya. Siya yung tindera, kailangan ko siyang puntahan.

"Ophelia, matulog ka na muna. Ako ng bahala" Tinanguan ko nalang siya, medyo napapagod na rin kasi ako.

Kinuha ko ang binigay ni Fely na unan at kumot. Inilapag ko ang kumot sa ilalim ng puno. Nahiga na ako at maya maya't pay nakatulog na ako.

----

"Bla bla bla.. alam mo bang bla bla bla"

"Tama ka nga saintess cara dapat bla bla bla".

Kung ito lang pala ang bubungad sakin ay mas pipiliin ko nalang matulog pang habang buhay.

Dalawang araw rin akong nakatulog dahil sa pagod at pagka lason.

Sinanay ko ang aking kapangyarihan upang gumawa ng obsidian spear at kung ano ano pa na para sa pangmalayuang combat. Kaya noong ginawa ko ang obsidian trap ay naubos agad ang aking kapangyarihan.

" Saintess Kara at lord Zavier, maari niyo bang iwan muna ako kahit saglit lang. Medyo sumasakit ang aking ulo." Wika ko.

Lumabas rin naman sila, mabuti naman. Naligo na muna ako at nagbihis ng simpleng damit. Sa paglabas ay nagulat ako ng nakita ko si Baron Atlas sa loob ng aking silid.

"Noong nalaman kong gumising ka na ay nagmadali agad akong pumunta sa iyong silid. Patawarin mo sana ako sa walang abiso kong pagpasok"

Nakaupo lang siya, medyo nahahalata ko na bagong kain siya dahil mas lumaki ang tiyan nito. Wala na rin ang kanyang mga alahas. Nagbago siguro ang panlasa nito sa mga alahas at abubot.

" Ayos lang po baron Atlas. Gusto niyo po ba ng tsaa? Gagawa ako" wika ko.

" Maraming salamat Ophelia pero wala ako sa mood uminom ng tsaa." Tumingin tingin siya sa paligid ng aking silid.

" Ah Ophelia angkop ba sa iyong panlasa ang silid na inihanda ko? Kung gusto mo ng mas malaking silid ay ipasabi mo lang sakin" wika niya.

Kaya pala medyo maluwag ang silid. Ibang iba pala ito sa ginamit kong silid noon.

"Ipagpatawad niyo po sana ang kawalang galang ko pero maari ko bang malaman kung anong sadya niyo"

Naglatag ako ng mga basong may tubig sa lamesa. Mabuti nalang at nagdala ang maid ng pitsel ng tubig at mga baso.

"Bilang pinuno ng bayan ng Wora ay gusto ko sanang itanong kung anong nangyari sa ibang mga kalaban" Tiningnan niya ako.

Para bang pinaghihinalaan niya ako. Totoo rin naman ang kanyang hinala pero bakit nalaman niya. Mayroon ba siyang spy? Baka nagkakamali lang ako.

"Hindi ba sila nahuli?" Itinutop ko ang aking mukha at pinakita kong nag aalala ako.

"Sana ay mahuli na silang lahat. Maswerte kami noon at may tumulong saming mersenaryo. Kung wala sila ay baka pati ako ay nabaon" wika ko ulit at umaktong naluluha.

Parang umepekto rin naman ang aking pag acting dahil tumatango lang siya.

"Paumanhin Miss Ophelia at ipinaalala ko pa sa iyo ang masamang pangyayaring iyon. Gagawin ko ang lahat upang mahuli lang sila. Maraming salamat sa pagbigay sakin ng kaunting oras para makausap ka. Aalis na ako upang makapag pahinga ka" Thank God!

Nginitian ko siya, at naglakad na rin siya palabas sa aking silid. Sa pagsara ko ng pinto ay napabuga ako ng hangin. Thank you God at umalis na siya.

----
Nakalipas ang mga araw, abala kami sa paghahanap ng matitirhan pansamantala ng mga bata. Unti unting pinatirik na rin ang bagong bahay ampunan.

Medyo natatakot pa rin ang mga bata kaya hinire ni Zavier ang Tiya ni Mikael upang dalawang tao na ang makakasama ng mga bata. Pinadagdagan na rin nila ang mga kawal na magbabantay sa kanila.

Hindi naman ako pinapalabas nila Zavier at Saintess Cara. Baka daw ay mapano pa ako. Napapayag na rin ako, Nakakarindi ng makinig sa sermon nila.

Pero lumalabas naman ako pag hapon upang maturuan ang mga bata sa kanilang mga kapangyarihan. Taga bantay ko nga lang si Zavier.

Pinupuntahan naman ako ni Fely upang magkwento kung anong balita sa mga taong sumunog sa bahay ampunan.

Nabalitaan ko sa kaniya na kinulong lang daw sila. Hindi makapaniwala si Fely na hindi sila napugutan ng ulo kahit na malala ang kanilang ginawa.

Bumalik na rin sa pagiging masigla si Fely. Mabuti nalang at positibo siyang tao, mayroong maliit na parte sa aking puso na sinisisi ang aking sarili.

Kung sana lang ay mabilis ko siyang niligtas, kung sana lang ay hindi ako natulog ng maaga, kung sana lang ay mapagkakatiwalaan akong tao. Siguro ay sinasabi na niya sa'kin kung anong nakakapagbagabag sa kanya.

--

Napaka bilis lang ng mga araw at papauwi na kami. Ang iba ay babalik sa kumbento, at ako naman ay uuwi sa mansion ng Dela Cerna.

May halong takot at pagkasabik ang aking nararamdaman. Makikita ko na si Ofelia, ang mga maid at sina Sir Lando.

At kung perpekto ang aking plano, makikita ko na si Hans at sa wakas makakamtan ko na ang aking kalayaan.

Malayang NinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon