Kalaunan akong napatulala sa papel kong hawak ngayon. Sa sampung taon kong pagpipinta ngayon lang ako nakatanggap ng client na taga Vicento. Hindi na ako nakapunta pa roon. Dito na ako namuhay sa Sparks hindi ko na alam kung nag bago ba ang lugar o baka ganon parin. Pero malayung mangyaring ganon parin matapos ang trahedya na nangyari. Tatlong araw kong pinagisipan ng mabuti kung pupunta ako o hindi pero sayang naman kung hindi dahil itong pagpipinta ko lang naman ang tanging hanap buhay ko.
Alas singko ako lumabas ng bahay papuntang Vicento. Medyo madilim pa pero may street lights naman at may flash light ang Japanese bike ko. Naka cap lang ako at naka jacket. Maginaw ngayong araw.
Dinala ko narin yung mga canvas ko, brush at paminta ko. Nag dala din ako ng extra kong suot para kung sakaling mapuno ko ulit ng pinta ang damit ko.
'near the bench'
Mga 20 minutes na ako nang makaalis sa Sparks, medyo tanda ko panaman ang daan pero malinaw na ang daming nagbago sa lugar.
I looked up the sky. Parang maabutan ako ng ulan. Binilisan ko ang pag padyak ko hanggang sa makita ko na ang sign board na 'Welcome to Vicento'. Napangiti ako sa pagiisip kong nandito na ako sa dati kong lugar.
6:32 am ako naka dating sa Vicento. Marami naring malalaking bahay akong nakikita at marami narin ang gising sa mga ganitong oras. Napakalaki ng pinagbago ng Vicento. Tinanaw ko muna ang pwesto ng bahay namin pero may nakatukod na bago ngayon. Nakakamiss lang.
Marami akong nakasalubong na naka uniform pang high school at ang iba pang college na siguro ang iba rin ay pang trabaho. Napayuko nalang ako habang nagbibike. Hindi man mapanakit pero kakaiba ang titig nila sakin.
Tinanaw ko ang paligid at hindi ko makita ang bench dito. Mabuti lang hindi natuloy ang ulan. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa isang bahay na pamilyar lang. Pero hindi ko pa ito nakita, ngayon lang. Ang ganda ng pagkakadesinyo nito kumpara sa ibang bahay. Napatigil ako sa pag padyak at tinitigan ko ito ng mabuti.
"Napakaganda..."
"Magandang umaga binibini"
Agad akong napatingin sa isang matangkad na tunog weirdo.
"Good morning" aniya.
Nandito na siya.
"Good morning rin" nahihiya kong sabi. First time kong makatanggap ng bati sa hindi ko kilalang tao.
"Ano tinitingin mo sa bahay na yan?"natatawa namang aniya.
Tss
"Wala lang hindi ba pwede?"
Napailing nalang siya at ngumiti.
"So you're a painter" nakangisi niyang sabi. Agad naman akong napatango. "May gusto akong ipaguhit sayo tapos ipinta mo"
Tumango tango naman ako.
"Ok ano ba yun?"
"Nakakain kana ba?"pagtatanong niya. Tiningnan ko lang siya.
"Bakit?"
"Syempre kakain tayo, ano ba sa tingin mo? ang aga ng punta mo"
"Tss, sige babalik nalang ako"aakmang tinuon ko na ang bike ko paalis pero agad niya akong pinigilan.
"Wag, kailangan ko ng pintor, kailangan ko ang painting na yun" nanghihinang sabi niya.
Tss hindi rin mabiro?
Napangisi nalang akong mapatingin sa kanya.
"Magsisimula ako kahit walang laman ang tyan ko, saan tayo? magsisimula na ako, hindi pagkain ang punta ko rito pero ang serbisyo at halaga ng painting ko."
YOU ARE READING
Love Compass
Science FictionNerd Sparks Sequel~ Ash Black Sanchez a girl from the City of Vicento who loves to paint, read books and study about astronomy. She's a big fan of the famous scientist in the year 1941; Seco Sevirein Sparks. It is always her dream to meet the great...