Isang mabagyong gabi na nandito ako sa Vicento at kasama pa ang di ko kakilalang lalaki na medyo koryano. Kanina pa nag chichinese hindi ko naman gets.
"Sabihin mo...Annyeonghaseyo" Aniya.
Kakatapos lang naming kumain ng hapunan kaya nandito kami sa salas nag uusap ng kung ano ano. Tss.
"Ayaw ko nga hindi ako marunong mag chinese eh"
Agad naman siya tumawa ng todo at agad akong ningisihan sabayan pa ang nagsisinkitan niyang mata na ang sarap kurutin.
"Sige wag na ngalang ang killjoy mo"
"Tss"
Hindi parin tumitila ang ulan. Parang bagyo na to. Kaya pala siguro hindi umulan kanina dahil uulan ngayong gabi.
"May alam ka bang laro?"aniya
"Wala"agad naman siyang napaisip.
"ano kaya ang masayang gawin ngayong gabi? umuulan, malakas ang hangin, malamig gusto mo paninitin natin?"
Isang katerbang init ang pumasok sa buong katawan ko. Takte naman nito. Tss. Batukan ko kaya eto?
"Ano sayo?"nakangising aniya.
"sige saan?"pinagbigyan ko alam kong nagjojoke lang naman ito eh.
"dito lang sa salas"natatawang aniya.
"Ano?"
"Oo, ok lang ba sayo?"
"ok lang"maangas kong sabi kahit parang aatakehin na ako.
"Sige mag hintay ka dyan"
Agad akong napalunok, parang hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Takte anong gagawin namin? Marunong ba ako nun? Shit shit
Agad akong napatayo. Hindi parin tumitila parang lumalakas ang ulan. Shit. Ito na ba ang gabi na mawawala na ang pinagiingatan ko sa buong buhay ko? shit hindi pwede No!
Namamasa na yung mga palad ko habang humahanap ng mapatataguan ko. Jusko ang laki ng bahay baka maligaw ako.
Tss
Bahala na.
Agad akong dumaan sa hallway na di gaanong ka haba at tsaka pumunta sa isang room at doon nag tago. Mas maaga mas maayos kesa ma datnan niya akong nakaupo parin doon baka ano mangyari sakin o ano gawain niya sakin.
Napakalakas ng tibok ng puso ko napahawak narin ako nito. Parang nanlalabo ang paningin ko. Agad kong na hawakan ang kama tsaka ako napaupo at dahan dahan kong naramdaman na mawawalan ako ng malay.
Gumising ako dahil naramdaman kong basa ang noo ko. Dahan dahan kong nasilayan ang kaninang kwarto na pinasukan ko.
"gising kana..." aniya ng pamilyar na boses lalaki.
Tiningnan ko siya kaya agad akong napabangon. Siya naman.
"Anong ginawa mo sakin? may nangyari ba satin? anong ginawa mo?"mangingiyak kong sabi.
"yo chill, what's wrong with you?"
Agad naman akong napahinto.
"So walang may nangyari?"
"What are you thinking ms? kumuha lang ako ng mainit na kape para sa atin tapos umalis kana at nadatnan kita sa room kong natutulog at may lagnat"
Kaya pala may bimpo sa noo ko.
Tss.
"Wala ngang may nangyari samin"mahinang sabi ko. Rinig ko siyang natawa.
"Hindi ko magagawa yon, hindi ka sexy at maganda" nakangising aniya.
YOU ARE READING
Love Compass
Science FictionNerd Sparks Sequel~ Ash Black Sanchez a girl from the City of Vicento who loves to paint, read books and study about astronomy. She's a big fan of the famous scientist in the year 1941; Seco Sevirein Sparks. It is always her dream to meet the great...