05.

14 1 0
                                    

&&.

           nandoon ka, eh.
           kitang kita ko kung
           paano ka ngumiti,
           isipin ko mang hindi
           mo ginawa pero
           palaging may mali.
           ang mga mata mo'y
           sinasabi ang totoo,
           irog ko, ayokong
           magtanim ng duda sa'yo.

ngunit walang lihim ang hindi nabubunyag, gamit ang
patalim—ama ko'y iyong sinaksak!
at ano ang dahilan mo?!

“Hindi niya ako tanggap para sa'yo.”

masyado kang nabulag ng pagmamahal mo,
hindi ko inakalang kaya
mong maging isang demonyo.
sa isang iglap, ang lahat ay naglaho.
ang paborito nating musika
ay masakit na sa tainga,
mahal, hindi ko na ito kaya!

mahal na mahal kita,
ngunit puno na ng galit ang puso ko.
patawad kung ako ang sisira
sa lahat ng pangako,
patawad mahal kung ako ay lalayo,
patawarin mo'ng hindi na mahagilap pa ang hinaharap kasama mo.

----𝑴𝒔. 𝑩𝒍𝒖𝒆

         

                          𝙁𝙚𝙗𝙧𝙪𝙖𝙧𝙮 9, 2022

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                          𝙁𝙚𝙗𝙧𝙪𝙖𝙧𝙮 9, 2022

Moonlight PoetryWhere stories live. Discover now