Chapter 2 (Nana)

3 0 0
                                    

"WEH?! TALAGA?! GINAWA NIYA YUN?!" Sigaw ni Jonjon sa maliit kong tenga. Naglalakad kami kasi sa hallway ngayun papuntang classroom. Eh sinabi ko sakanya yung tungkol dun sa kiniss ako ni Xander sa cheeks.

"Wag ka nga maingay! Isipin pa nila masyado akong feelingera. Tiyaka hindi ako nagiisip ng malisya noh!" Sabi ko naman sakanya.

"Ikikiss ka ba nun kung walang malisya?!"

"Eh baka akala niya ako yung girlfriend niya!"

"Ayus mangarap!"

"Eh kasi naman noh ang dilim sa lugar na yun! Baka siguro namali ng mukha! Hmp!"

"Wag ka na magpalusot!"

Inirapan ko nalang ang makulit kong bespren. Kahit ganito kami nagiirapan hindi naman talaga kami nagaaway. Hehe. Kunyarian lang naman.




















*BLAG!*

"AWWW!" Sabay naming sabi nung naka-bangga ko. unyeta tumitingin naman ako sa dinadaan ko ha! Nakayuko nga lang..

"S-sorry po! Sorry!" Sabi ko dun sa babae.

"Sorry din ha! Nagmamadali kasi ako eh!"

"Sapot okay ka lang?" Tanung sakin ni Jonjon. Um-oo ako. Umalis na yung babae eh tumatakbo. Anu kayang magic niya? Kasi nung tumakbo siya ang daming pixie dust sa paa niya. Di kaya runner yan?

Tumayo ako at pinagpag yung skirt ko tapos dumeretsyo na kami ni Jonjon sa classroom. Wala pang masyadong tao eh. Okay na yun.

Maya-maya, dumating na ung adviser.

"Class, I would like to tell you na mamayang hapon bababa tayo sa Auditorium para sa Special Magic Training natin. This will be our first examination this month. Kung sinong lima ang papasa, magiging Top 1 to Top 5."

WEH DI NGA?!? Seryoso?! Grabe naman yun! 2nd day palang ng school tapos EXAM na kaagad?! Wala man lang bang.. REVIEW? E sabagay magic lang naman. Pero anung ipapakita ko? Puro pixie pixie dust lang naman ang meron ako. (=3=)

"Goodluck later class." Sabi pa ni Ma'am tapos kinuha niya yung gamit niya sa table at umalis narin agad.

"Hindi ko alam kung anung gagawin ko Sapot. Kinakabahan ako." Biglang sabi sakin ni Jonjon. We're seatmate, remember?

"Anu ka ba! Wag kang kabahan! Iuutos naman sa'yo kung anung gagawin mo eh."

"Pano kung di ko nagawa?"

"Think positive Jonjon! Magagwa mo yan! Negative kasi lagi mong iniisip eh!"

"Sige, Sapot. Salamat." Para san? ( - -)

Ngumiti nalang ako. Kaysa pahabain ko pa ang usapan.

Next Subject Teacher namin dumating na. Nag-discuss lang kami about sa History. Since wala kaming masyadong gagawin at ididiscuss, nagkwento nalang si Sir.

By next week daw meron kaming Stage Play. At both 3rd year and 4th year reqcuired sumali. Pwede rin daw yung mga lower levels pero mamimili kung sinong isasali. Nakuu! Hindi pa naman ako marunong umakting. Mamaya mapahiya lang ako sa stage! 4th year na kasi ako eh.

"KYAAAAAAAAAHH~~~!!!!"

"Si labs ko andito!!"

"WAAAHH!! Maganda ba ko bess paki-tinign nga?!?"

"Bruha! Bat tingin mo ikaw pinunta niyan dito?!?"

"KYAAH!!! ANG GWAPOOO~~!!"

"ALWAYS!!!!!! KYAAAAAAH!!"

Academy Magical School Where stories live. Discover now