CHAPTER 65

374 11 0
                                    

*Cea's POV*

"Nagkakagulo noon at tinutugis ang mga kitsune noon. The council finds our existence a threat to their race dahil dumarami ang kayamanan, koneksyon, at  miyembro kaya nag-ingat kami. Ang ama ko noon ang pinuno namin at isang propesiya ang sinambit ng punong babaylan. Isang batang kitsune ang mamumuno sa lahi namin pati na inyong lahi. Pinilit namibg itinago ang anak naming si Cea dahil nakitaan siya ng potensyal na siya ang batang iyon."

Patuloy ang pakikinig namin kay Ary. Kinuha ko kay Aaron ang isa sa mga kambal at hinele iyon.

Napapapikit si Ary habang nagkukwento at kitang-kita ang pilit na pagalala ng nakaraan.

"Ngunit isang araw, isang liham mula kay Adam ang aking natanggap. Namiss ko na rin ang kaibigan kong iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na makipagkita sa kanya dahil kaming dalawa lang ang may alam ng lugar na iyon at buo ang tiwala ko na hindi niya kami ipapahamak ng anak ko."

"Pero bitag lang pala ang lahat...."

Rinig ang pait sa kanyang boses tila ba may nabaong galit sa puso niya.

"Dala-dala ko noon si Cea, mga dalawang taong gulang siya noon. Pagdating ko doon natagpuan ko ang isang lalaking nakatalikod. Nagsigurado muna ako. Inamoy ko ang paligid katulad naman ng amoy ni Adam kaya lumapit ako. Paglapit ko sa kanya bigla na lang  niya ako sinaksak sa aking dibdib. Nanghina ako bigla. Hindi ko mapagaling ang sarili ko. Lalo akong nanghina ng ang walang kalaban-laban kong anak ay sinaksak din niya.

Kitang-kita ko na nagaagaw buhay ang anak ko pero wala akong magawa tila may lason ng panaksak na ginamit. Nagtago bigla ang lalaki sa mga punong kahoy sa paligid hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Pagising ko halos manipis na lang paghinga ni Cea napaiyak na lang ako. Tinanggap ko na ang pinapangarap ko para sa anak ko ay hindi na matutupad hanggang sa nakaramdam ako na may parating. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Adam may kasama siyang batang lalaki.

Tandang-tanda ko ang pangyayaring iyon....

--
Ary's POV

Hindi na ako makapagsalita noon kaya isinigaw ko na lang sa kanyang isipan na iligtas niya ang anak ko dahil alam ko namang mababasa at maririnig niya iyon.

"Pero masama rin ang lagay mo"

Ramdam ko halos namamanhid na ang buong katawan ko at halos wala na akong lakas.

"Unahin mo ang anak ko...."

Napapikit na lang si Adam. Kilala niya ang katigasan ng ulo ko, alam niyang hindi ko siya mapapatawad kahit kailan kung hindi niya susundin ang pakiusap ko.

Kinandong niya si Cea habang nakatitig lang ang batang lalaki at kinagat niya ang pulso nito. Nangitim ang buong katawan ni Cea ilang sandali pa ay naging normal ang tibok ng puso niya.

Nilapitan niya akong muli. Idinantay niya ang aking ulo sa kanyang mga hita at hinakawakan ang aking pulso. Kinagat din niya iyon.

"Papa!!!"

Hindi natapos ang panggagamot niya sa akin. Ramdam ko din ang panghihina niya ngunit sa kabila noon ay nagtatakbo siya upang habulin ang lalaking tumangay sa batang lalaki. Kitang-kita namin ang ginawang pag-gulpi at pag-saksak niya sa bata.

Nagigting ang galit ni Adam. Ramdam iyon sa buong paligid. Lumakas ang hangin sa kapaligiran. Nagawa niyang mahawakan sa braso ang lalaking iyon at dahil doon umusok at nagsisigaw ang lalaki.

"Pa...pa...."

Nang mapabaling si Adam sa anak niya  bigla siyang sinaksak ng lalaki at nagtatakbo ito ngunit hindi napuruhan si Adam nagawa pa niyang lapitan ang anak niya at pagalingin ito.

Tandang-tanda ko ang mga sinabi niya noon na may limitasyon lang ang pagpapagaling niya at kapag naubos ang lahat ng kapangyarihan niya ay maari niyang ikamatay. Sa oras na iyon alam kong hinang-hina siya dahil tatlo kaming nilunasan niya.

Hindi ko na rin kinaya hanggang sa mapapikit na lang ako at di ko  na nalaman ang mga sumunod na mga nangyari.
-end of flashback-

"Siguro nga ako ang may kasalanan ng pagkamatay ni Adam kundi dahil sa aming mag-ina maari ay buhaypa sana siya ngayon."

"Walang may gusto ng mga nangyari ang may sala noon ay iyong lalaking sumaksak sa inyo," pagtatanggol ni Adriana habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Sinuklian lang niya ang tulong mo..."dagdag pa nito.

"Pero bakit naging si Sam ka?" Tanong ng anak kong si Cea.

"Siguro dahil hindi ako lubusang napagaling ni Adam. Ang nangyari ay nagamit ko ang isa sa siyam kong buhay."sagot ko sa kanya.

"Umamin kayong dalawa sa akin..."sabay tingin ko kina Aaron at Cea.

"Nakuha niyo ang kapangyarihan ni Adam na makarinig at makabasa ng isipan hindi ba? At walang sinuman ang sa iyong dalawa ang makabasa sa isa't-isa...."
------------

Medyo magulo ang pagkasulat pasensya na po.

Unedited po ito kaya maraming mali

Salamat po.

Blood Link (The Obese Diaries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon