CHAPTER 14

1.4K 34 3
                                    

*Aaron's POV*

Minamasdan ko ang mukha ni Cea habang siya ay natutulog pa. Ngayon ko lang napansin ang magaganda niyang mata at matangos na ilong. Tanga lang talaga ako ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Gumalaw siya ng kaunti at pinatong ang kanyang mga kamay sa aking katawan at hinatak ako palapit sa kanya. Hinaplos ko ng bahagya ang kanyang buhok hanggang sa kanyang mukha. Bahagyang bumukas ang mga mata niya.

"Good morning" ang sabi ko sa kanya.

Tinakpan niya bigla ang kanyang mukha ng kumot na tila hiyang-hiya.

"Bakit ka ba nahihiya sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Good morning din..." sagot naman niya sabay takip uli.

Napatawa na lang ako. "Ang aga-aga ang adik mo noh?"

"Eeh, hindi pa ako nagtutoothbrush eh" sagot naman niya.

"Adik ka talaga nahihiya ka dahil hindi ka pa nagtutoothbrush akala ko ba naman dahil sa nangyari kagabi" sabay tawa naman ako.

"Halika na magbreakfast na tayo" sabay ngiti na parang bata at patayo na siya.

"Dito ka muna" sabay hatak ko sa kanya at yakap.

"Alam mo ang daya mo! Gutom na kasi talaga ako. Ikaw kasi busog ka palibasa you fed on my sweet luscious blood last night," pangaasar na sabi niya.

"Yes, you are right. It is very sweet and luscious," sagot ko naman sa kanya. "But I will let you go for now." Tumayo na siya at sinuot ang robe na nasa sahig.

---------

*Cea's POV*

As I tie my robe, pinapanuod ako ni Aaron. Sinabayan ko rin naman siya ng titig. Matira matibay. I will not be tired of staring at his sculpted torso and his charming face pagkagising mo ba naman yan ang makikita mo sino ba naman hindi gaganda ang araw diba?

"Oh, shit! I stained the bedsheet puting-puti pa naman. Nakakahiya sa maglalaba." I saw a naughty smile on his lips.

"Bakit ganyan ka makangiti ah?!"

"So the one you said last night is true," he said.

"Ang gago mo rin noh, so kung hindi mo makikita yan you will not believe na it was my first time?" he just smiled. He is annoying me.

"Hindi naman kita tinatanong ng mga ganung bagay kahit mag-bestfriend tayo. Porke't chubby-chubbyhan ka dati bawal magkaroon ng experience?" makulit na pagkasabi niya.

I pouted and he just smiled.

"Bakit ka ba ngiti ng ngiti diyan?" tanong ko sa kanya.

"I am just happy that I am your first."

"Why?" I asked.

Blood Link (The Obese Diaries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon