CHAPTER 52

535 15 3
                                    

Aaron's POV

Mapayapang natutulog sa aking kama ang kitsune para bang at home na at home ito at hindi nangangamba sa paligid niya. Tinabihan ko ito at hinaplos ang balahibo nito. Nakita ko ang pagdilat nito pero pumikit ito at natulog uli tila ba hapong-hapo ito. Buti pa ang nilalang na ito patulog-tulog lang samantalang ako ang dami kong iniisip na problema mabuti na lang din hindi ko na hahanapin pa ang medallon suot na kasi nito. Ang nakakapagtaka lang bakit niya kinuha ito?

"Aaron....aaron...." Isang tinig ng isang lalaki ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ito "Sino ka?" Dahil hindi ko kilala ang boses na iyon. Naramdaman ko ang aking mga paa na nakatungtong sa damuhan, ramdam ko ang lamig ng hamog na nasa damuhan ang sikat ng araw na tumatama sa aking balat, at ang tunog ng mga ibong lumilipad. Napansin ko na lang ang isang batang lalaking mga three years old tumatakbo nakangiti ito at tila may tinatakbuhan.

"Bata! Bata!" Kumaway ako para mapansin nito pero hindi siya lumingon.

"Huli ka!" Bigla na lang binuhat ng isang lalaki ang batang iyon pero makikitang hindi naman takot ang bata bagkos humahagikgik pa ito ng tawa, ramdam ko ang saya nilang dalawa. Bakit ganoon hindi ko maaninaw ang muha ng lalaki? Pero may saya akong biglang naramdaman sa puso ko. Isinakay pa ng lalaki ang bata sa kanyang balikat at habang naglalakad ito ay nakataas ang kamay nito upang kapitan ng batang lalaki.

Isang malakas na putok ng biglang umalingaw-ngaw nakakabingi kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng batang lalaki, duguan, tarantang-taranta ang lalaking may buhat sa kanya ang boses nito ay tila iiyak na sa pag-aalala. Isang putok nanaman ang aking narinig biglang natahimik ang buong paligid.

Narinig ko nanaman "Aaron!Aaron!"

Biglang namanhid ang aking mga paa, paakyat ito ng paakyat hanggang sa aking binti, sa hita, tila hindi ko maigalaw ang aking katawan hanggang sa makita ko na lang ang asul na asul na langit. May naramdaman akong mainit sa aking dibdib kinapa ko iyon, basa ito. Pakiramdam ko nakalutang ako. Itinaas ko ang aking kamay. Puno ito ng dugo imbis na matakot ako napansin ko ang ganda ng kulay nito.

"Aaron! Aaron!" Isang tinig ng babae ang tumatawag sa akin. Gusto ko na lang pumikit siguro mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ipinikit ko ang aking mga mata pero nagkamali ako lalaong tila may humiwa sa aking katawan.

Napasinghap ako, nanaginip lang pala ako. Pero bakit duguan ang aking kamay?

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin halata ang pag-aalala sa boses ng babae. Napatingin ako sa pinanggagalingan noon. Biglang kumabog ang dibdib ko. Tila nakita ko na ang babaeng iyon ngunit hindi ko alam kung saan. Suot-suot niya ang medallon na pinaiingatan ni lolo. Ang ganda niya, mahaba ang buhok niya malaki ang kulot nito, tanging kumot na puti lang ang nakatakip sa kanyang katawan.

"Akala ko tuluyan ka ng hindi magigising. Kinailangan pa kitang kagatin para magising ka." Sambit nito. Nakatulog lang naman ako bakit hindi ako magigising? Lumapit iyon sa akin at umupo sa kama.

"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit kinuha mo iyang medallon?" Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya.

"Hindi ka ba interesado sa napanaginipan mo?" Tanong nito sa akin. Bakit naman? Panaginip lang iyon. Hindi totoo.

"Gusto ko munang humingi ng tawad sa iyo dahil sa pagpasok ko sa bahay mo ng walang pahintulot."

"What can I do? You're already here. Maari ka na ng umalis kasi hindi mo ako maakit may asawa na ako." Natawa siya bigla sa mga sinabi ko. Anung nakakatawa? Isang babae ba naman ang nasa harap ng isang lalaki na kumot lang ang suot, kung mapagsamantala lang akong lalaki at hindi faithful sa asawa ay papatusin ko ito but I love Cea kahit kailan hindi ako magtataksil.

"I am sorry uli. I think there is a misunderstanding." Nagtaka ako sa mga sinabi niya.

"Then makakaalis ka na...but iwan mo iyang medallon na iyan. Hindi sa iyo iyan."

"Please let me explain." Request pa ng babae tila malungkot na sabi nito.

"Ok. Fine. 5 minutes" nabuhayan loob ito at tila nagningning ang kanyang mga mata.

"You will be my life savior pero sa susunod ko na iyon ieexplain. For now, naalala mo ba ang panaginip mo?" Tango lang ang sagot ko sa kanya ng hindi na humaba pa ang usapan 5 minutes lang naman ang binigay ko eh.

"Totoo iyon. Either it was your past or it will be your future. Kapag natulog ka kasi malapit sa katulad kong kitsune aantukin ka at tila mananaginip pero hindi iyon basta-basta panaginip maaring isang memorya iton na matagal ng nagtatago sa kasuluk-sulukan ng utak mo o isang pangitain sa hinaharap mo. " huminga muna siya may 3 minutes na lang kasi siya. Teka anu ka iyon galing ba sa nakaraan ko iyon o maaring sa magiging anak ko?

"Kinagat kita kasi parang gusto mo na magpanginga dahil pagod na pagod na ang puso mo sobrang nasasaktan ka na hindi mo na naiisip pa ang ibang bagay. Ginawa ko iyon kasi alam kong may mahal na mahal kang isang tao na hinahanap mo." Ganoon na ba kapagod ang puso ko? Napaisip ako tuloy.

"Ayan ah. I spent 3 minutes for your own good. Yung para sa akin naman. Please help me na maalala ang lahat ng nakaraan ko. Hindi ko pa kasi naalala ang lahat. This medallon is mine tingnan mo may nakaengrave dito na simbulo ng eternity at ng araw. "

"Anu namang kapalit ng pagtulong ko sa iyo?" Papahirapan niya ako dapat may kapalit man lang di ba?

"Napaka-sigurista mo ah....kamote ka kurutin kita diyan eh...." Tila nanggigil siya sa akin natawa na lang ako at ginantihan siya ng mapangutyang ngiti.

"Well, hindi ko rin naman gusto na magkautang na loob sa iyo. Ganito na lang sasagutin ko ang kahit na anung tanong mo tungkol sa past, present, o future mo plus one wish after mo maibalik ang alaala ko. " Parang wishing well lang o kaya genie?

"Bakit isa lang? Mukang mahirap ang tulong na hinihingi mo."

"Hanggang doon lang powers ko as of now kada person eh....plus niligtas naman kita kanina kung di kita kinagat chugi ka na ngayon....gusto mo itry natin ngayon....?"

"Ngayon na?" Iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito tila matagal ko na siyang kilala.

"Oo... Mamili ka wish or tanong?" Ito na ang sagot sa problema ko tila may nahulog na anghel mula sa langit... Pero paano kung fake naman ito at inuuto lang ako.

"Dali na bilis magbago pa isip ko. Ataters pa naman ko..." Shit! Anu ang pipiliin ko malaman kung nasaan si Cea o mapagaling si lolo? Yun lang ang dalawang pinakamalaki kong problema.

"Pagalingin mo si Rex." Sana tama ang desisyon ko na unahin si lolo....makakatulong naman siguro si lolo pag nagising na siya.

"Kumuha ka ng baso...."

"Baso?"

"Uu dali!"

Pagkaabot na pagkaabot ay hiniwa niya agad ang kanyang palad, pinadugo niya iyon at pinuno ang baso ng kanyang dugo.

"Let him drink my blood."

"Seriously?!"

"Do I look like I am kidding? Don't mess with a kitsune, vampire." Tila nagaalab na apoy ang kanyang mga mata.

========
Happy new year sa inyo readers :)

Blood Link (The Obese Diaries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon