Nathalie's POV
3 days nalang at contest na...
Kaya yung kaba ko ay palala na ng palala...
Parang sasabog na itong puso ko...
Nandito ako ngayon sa garden kakarating ko lang galing sa hospital dahil nagpasalin ulit ako ng platelets kaya medyo nahihilo pa ako...
Pero bakit ganun parang iba itong pagkahilo ko,,,
Biglang nanlabo ang paningin ko at nagblur lahat at biglang sumakit ng todo ang ulo ko...
"Mom, Dad"tawag ko kay mommy at daddy ng mahawakan ko ang ilong ko at may lumalabas ng dugo dito..
"MOM, DAD"tawag ko ulit
Pero wala prin lumalapit sa akin hanggang sa bigla nalang dumilim ang lahat at nagblack out na ako....
Third Person's POV
Bumagsak si Nathalie sa damuhan sa kanilang hardin...
Ilang segundo lang ang nakalipas ay dumating na ang mommy ni Nathalie...
"Princess bakit?"tanong ng mommy niya sabay tingin kay Nathalie na nakahandusay sa damuhan...
"Princess Anak,. gising.. KIEL"sabi ni Claire
"KIEL TULONG..."sigaw nito at mayamaya pa ay dumating na ang daddy ni Nathalie agad naman nila itong sinugod sa hospital...
Pagdating sa hospital ay agad silang inasikaso at agad na dinala si Nathalie sa Emergency Room.
Makalipas ang dalawa at kalahating oras...
Lumabas na ang doctor sa emergency room
"Doc kamusta na po ang anak ko?"sabay na tanong ng mag-asawa sa kakalabas lang na doctor.
"Stable na ang lagay ng pasyente pero patuloy sa pagbaba ang bilang ng platelet and megakaryote count ng anak niyo at kailangan na talaga natin siyang operahan sa loob ng dalawang linggo pag hindi pa siya naoperahan ay maaring mawala ang anak niyo"sagot ng doctor
"Paano po yun doc wala pa kaming mahanap na donor?"tanong ng mommy ni Nathalie sa doctor
"Sa America may kakilala akong surgeon doon at alam ko may bone marrow din sila na match sa anak niyo"sagot ng doctor
"Talaga po? Pwede po ba naming kunin ang number ng doctor na yan?"tanong ni Kiel
"Oo naman, ito ang card niya"sagot ng doctor sabay abot ng calling card sa mag-asawa
"Salamat doc,"pagpapasalamat ng mag-asawa
"Walang anuman, ah nga pala bawal mung mapagod o sumabak sa physical activity ang pasyente, gaya ng pagsayaw, pagtakbo, o kahit anong gawain na pwede maging dahilan ng pagkakaroon niya ng pasa"sabi ng doctor
"Okay doc, salamat ho ulit"sagot ng mag-asawa
"Walang anuman sige maari niyo ng puntahan ang pasyente."sagot ng doctor at umalis na ang doctor
Pag-alis nito ay agad naman pumunta ang mag-asawa sa anak nila...
Nathalie's POV
"Mom, dad.."tawag ko kila mommy na nakaupo ngayon sa couch dito sa kwarto ko sa hospital...
"Anak..."sabay na sabi nila mommy at daddy sabay lapit sa akin
"Anak napag-usapan namin ng daddy mo na huwag ka na lang sumali dun sa contest"sabi ni mommy
"Pero ma, gusto ko pong sumali dun sa contest"sabi ko
"Pero anak kailangan na nating pumunta ng US para sa operasyon mo"sabi ni daddy
"Please, mom, dad last na po ito..."sabi ko
"Pero anak paano naman ang kalusugan mo?"tanong ni mommy
"Promise pagnatapos na ang contest aalis na tayo,, basta mom hayaan niyo lang ho akong tapusin itong contest ayoko lang po kasing madisappoint ang mga kaklase ko sa akin"sabi ko
"Nathalie"sabi ni daddy
"Please dad"sabi ko
"Hay... okay pero anak pagmay nararamdaman kang hindi maganda sabihin mo lang sa amin ng mommy mo okay?"tanong ni daddy
"Yes dad,, thank you po"sabi ko...
"Oh siya sige,,,"sabi ni daddy
*****************************************
Sorry for the late and short update
BINABASA MO ANG
Campus Princess turns to Campus Nerd
FanfictionPaano kung sa isang pangyayari ang isang Campus Princes ay mas pipiliing maging Campus Nerd dahil sa ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya noong Campus Princess pa siya na ang ating Campus Princess turns to Campus Nerd ...