Chapter 2

176 11 1
                                    

A military backpack, grenades, a katana, a .45 calibre pistol with silencer, a rifle and a tactical knife were all packed. She wears a scarf around her neck and brown leather jacket. Underneath was a white tee shirt, black fitted pants and black military boots. Tinignan niya ang itsura sa full length mirror sa kanyang kwarto bago tumango sa sarili at sinabit sa gilid niya ang full faced gas mask.


Naglakad siya pababa at siniguradong nakasara bawat pinto at binta sa lahat ng sulok ng bahay. Nang malapit na siya sa gate ay tumungo siya sa garahe upang kunin ang  hammer type jeep. Ito ang kanyang gagamitin papunta sa city. Binuksan niya ang gate at sinigurado na walang rot sa paligid bago sumakay sa sasakyan at minaneho palabas ng compound. Kusang nagsasara ang gate kaya hindi na siya bumaba pa para isarado ito at tuloy nang nagmaneho paalis.


Kailangan niya ng supplies para sa sarili. Mag iimbak siya ng mga shampoo at sabon pati narin sanitary napkin. Mga junk foods, condiments at iba pang maaaring mapakinabangan. Gustuhin man niyang pumunta sa storage facility na sinet up ng mga militar ay hindi pupwede dahil mayroon doong grupo ng rot na may pinuno. Mga dating nagdidistribute ito ng mga stocks roon ngunit may isang nakagat.



Mula sa mapunong daan at may mga lubak na daan, natatanaw na niya ang city. Medyo malayo pa lamang siya ay naaamoy na niya masangsang na amoy ng mga nabubulok na infected. Bukas ang bintana at hindi nakasuot ang gas mask, hindi siya makatiis kundi isara ito. Nang malapit na siya sa area, ang supermarket, isang kilometro lang ang layo sa storage facility, ipinarada niya sa usual spot niya ang sasakyan. May mga rot na nakahiga sa kalsada at iba pang parte malapit sa supermarket kaya kinuha niya ang katana at bawat madaraanan ay sinasaksak niya sa ulo. Tumatagas ang kulay itim na dugo ng mga ito at tahimik na umuungol pagkatapos ay patay na.


Mahigit trenta ang nadaanan niya bago makapasok sa bukas na pinto ng supermarket. Gamit ang puting tela ay pinunasan niya ang katana bago isuksok sa kanyang likuran at sinimulan nang kumuha ng cart. Sigurado siya na walang nakapasok sa supermarket dahil may inilagay siyang trap roon para malaman niya kung may nakapasok. She went to the canned goods section and picked vegetables, tuna and canned fruits. Kumuha rin siya ng mga sardinas at corned beef. Sinigurado niyang marami ang laman ng malaking cart bago ito itulak palabas sa supermarket at maingat na inilagay sa loob ng sasakyan bago bumalik.



Sumunod ay noodles at pasta na aabot ng isang taon na supply para sa isang komunidad ang kinuha niya. At gaya ng sa mga de lata ay pinuno din ang cart bago ipinasok sa sasakyan. Sumunod ay snacks at iba pang necessities na aabot din ng ilang taon ang kanyang kinuha. Natapos siya sa supermarket at sunod ay sa gasolinahan. Halos walang rot sa paligid kaya mas napadali ang kanyang pagkarga ng mga gasolina. Nakalimang malalaking galon rin siya bago nagmaneho papunta sa botika. She needs to stock up medicines in case of emergencies.



Kumuha rin siya ng lahat ng uri ng gamot na napakarami. Paalis na rin siya nang mapatingin sa glass display container.. pregnancy test kit. Umiling siya at nangingiti na kumuha ng marami. Aanuhin niya ito? Maybe she'll play with it.



Pumasok siya sa loob ng sasakyan at chineck ang mga nakuha. Mula sa listahan ay lahat naman ay kumpleto kaya napagpasyahan niyang bumalik na dahil mauubos na niya ang apat na oras niyang inilaan sa pagkuha ng supplies. Nagmamaneho siya nang makita niya ang iilang sasakyan ng raiders. Napapreno siya ng mabilis at kinuha ang telescope para tignan kung may mga bantay o tao ba itong sakay ngunit wala siyang nakita kaya naman maluwag siyang nakahinga. Nasa harap ito ng parking spot ng storage facility at sigurado siyang pumasok ang mga ito roon.



She shook her head and sigh. Another victim of the infected inside. Nagsisimula na siyang magdrive nang makasalubong niya ang ilang grupo ng rot. Itinigil niya ang sasakyan bago obserbahan kung saan ang mga ito pupunta ngunit mas lalo siyang napailing nang makita na papunta sa storage facility. Aalis na sana siya nang makalampas ang mga grupo ngunit nang makarinig siya ng mga putukan ng baril at mga labanan sa loob ay tila may pumipigil sa kanya. Gusto niyang tumulong ngunit nangangamba rin siya na maaaring siya naman ang biktimahin ng mga raiders. Marami sila, iisa lamang siya.


Mariin siyang napapikit nang mas lumakas ang ingay ng mga pagputok ng baril sa loob. Sigurado siya na mas marami pa ang darating mamaya na mga rot dahil sa lakas ng ingay roon. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel at malakas na bumuntong hininga. Well, shit.



Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hinugot ang katana sa likuran. Patakbong hinabol niya ang mga rot na papasok sa storage facility at isa isang pinugutan. Good thing that she sharpens it everyday. May iilan na napapatingin sa gawi niya at susugod dahil sa tunog na nililikha niya ngunit mabilis siyang umiiwas sa mga ito at pinupugutan. Hinihingal siya nang makarating siya mismo sa entrance ng lugar at may nakikita pa siyang mga nauna nang nakapasok na infected.


She took a deep breath and wear her gas mask before proceeding in killing those things. Patuloy parin niyang naririnig ang pakikipaglaban ng mga raiders sa mga infected at kailangan niyang magmadali para makalabas agad sila dahil ilang oras o minuto lang ay darating na ang iba. Malalakas na yabag ang naririnig niya patungo sa dead end at walang magawa na hinugot niya ang isang granada nang makita na sobrang lapit na ng grupo ng rot na may mutant leader. She took the pin off and sent it flying towards them bago siya nagtago sa isang bakal na shelf.



Isang malakas na pagsabog ang naganap at halos maduwal siya nang makita ang pagtalsik ng mga laman loob at dugo ng mga rot. Mausok pa ang paligid nang dahan dahan siyang naglakad para icheck ang mga raiders. Almost all of them were knocked out but a woman was staring at her. This must be the leader. She thought.


Iba ang hugis ng pamaskara na uling sa mukha nito at kakaiba rin ang kulang ng mga mata. Lumuhod siya sa harapan nito bago magsalita.



"You can sleep now. I'll take it from here."



Ang mga mapupungay nitong mata ay unti unting pumikit. She sighs. Tinignan niya ang iba pa nitong mga kasama. Mabuti at pito lamang ang narito. May nakita siyang ibang raiders na wala nang buhay sa mga nadaanan niyang rot kanina. Humanap siya ng cart at halos magpasalamat siya nang nakaluhod sa Diyos nang makita niya ang isang heavy duty na cart para sa mga supplies. Nagmamadali niyang hinila at pinagdikit dikit na lamang ang mga raiders. Mabibigat ang mga lalaki ngunit ang babae ay halos kasing tangkad at katawan lang niya madali itong nabuhat.



She pushed the cart fast hanggang sa makalabas roon at makarating sa sasakyan. Tanaw niya mula rito ang horde ng rot dahil elevated ang lugar. She grunts and look at the raiders. Ipinasok niya ang mga ito sa sasakyan at  may pagmamadali na pinagkasya ang lahat sa loob. Pumasok agad siya sa kotse at pinaharurot ito pabalik sa kanyang lupain.




This is fucked up.




Mahigit isang oras siyang nagmamaneho nang magkaroon ng malay ang leader ng mga raiders. Paminsan minsan ay tinitignan niya ito kaya nang makita niya ang unti unting pagbuka ng mga mata nito at pagkislot ay halos panawan siya ng ulirat dahil sa tindi ng titig na pinupukol sa kanya. Nakita niyang bumuka ang bibig nito at tumaas ang kamay kaya sa sobrang panic ay nahablot niya ang non stick pan na nakuha sa supermarket at ipinukpok sa ulo nito dahilan para mawalan ulit ito ng malay.




Shit! Tanga!






The RotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon