Chapter 7

106 8 0
                                    

She was busy looking at the distance, monitoring the outside. Kanina pa sila nakabalik at nagsisimula ng dumilim kaya unti unti na ring nagsisindi ng ilaw sa paligid. There are lamp posts around the base. Ito ang isa sa mga itinayo nila para magkaroon ng liwanag sa paligid upang ma-monitor ng mas maayos ang halos kabuuan ng lupa. Nasa watch tower siya ngayon para magmasid. There are a couple of rots wandering around but there's no sign of the food gathering team. Nakabalik na ang iba at ito na lamang ang hinihintay.






Bumalik ang alaala niya sa nangyari kanina lamang. She can't help but shed a tear. Roan doesn't deserve that kind of death. Napakabait nito at talagang nakakasundo niya sa mga bagay. Kung naging mapagmasid lang siya kanina at hindi inuna ang kaba na namamayani parin sa dibdib ay hindi mangyayari iyon sa kasama.





She heave a sigh and silently pray that let Aiana and the food gathering team be safe. Sana naman ay wala nang masamang mangyari pa sa araw na ito. Tulala siyang nakatingin sa kawalan nang maramdaman ang presensya sa kanyang likuran. Hindi na niya kailangan pang lumingon dahil alam niyang ito ang pinuno ng grupo. Gaya ng sinabi niya. Lagi itong sumusulpot sa kung nasaan siya. Dinaig pa nito ang kabute at bula na ang bilis lukitaw at ang bilis din maglaho.






"What do you want, Edge?"





Monotone na tanong niya sa babae. Kung iinisin lang sya nito ay mas mabuti pang umalis na lang siya sa pwesto. Iniiwasan niya ito. Tahimik sana ang buhay niya ngayon kung hindi lang nito inangkin ang lupain niya. Hindi sana nya masasaksihan ang nakakatrauma na pangyayari na iyon kung hindi dumating ito sa buhay niya. But in the back of her mind, she's still thankful because of her, she has friends now, people she can talk to.






"The food team will arrive soon."






Balita nito na ikinatuwa niya. She needs Aiana's hug right now. Gusto niyang iiyak dito ang sama ng loob. She simply nodded at Edge without looking at her. Hindi ito umalis sa pwesto kaya hinintay niyang magsalita ito ngunit maya maya pa ay natanaw na niya ang pamilyar na truck na gamit ng grupo. Mabilis siyag tumayo at hindi na pinansin ang babae. Halos talunin na niya ang distansya pababa para lamang sumalubong sa grupong iyon. Nang makababa ay patakbo siyang dumalo sa mga tao na bumababa na sa truck ng makapasok ito sa gate.






Hinanap ng mga mata niya ang babae na kanina pa hinihintay at gayun na lamang ang tuwa sa kalooban nang makita na ito. She ran towards Aian and hugged her tight.






"Whoa! What happened?"






Tanong nito na sinagot lamang niya ng iling. Hinaplos nito ang likod niya at inayos ang pagkakayakap sa kanya. Narinig pa niya itong sinabihan ang mga kasamahan na magsimula ng magbuhat ng laman ng truck papasok sa storage room. They need to put the stocks there lalo na kung may mga pagkain na madaling masira. Hindi lamang kasi pag gather ng supplies ang trabaho ng mga ito kundi maghunt din ng mga hayop na gaya ng mga baboy ramo, usa, rabbits at kahit mga bayawak ay pinatos na nila. Dumami ang mga wild animals sa paligid nang mawala ang mga tao kaya naman madali lang makahuli lalo na kung sanay.







"Come on, Addy." Iginaya siya nito malapit sa mga kasamahan. Tumutulong ito paminsan minsan habang pinagkukwento siya ng nangyari.






"Roan was killed.. I-It was a rot but it's different from the normal looking ones. This rot is big and have four arms.." Naiiyak siya habang nagkukwento. Patuloy lamang siya nang tumango ito na parang sinasabi na ipagpatuloy lang niya at makikinig parin ito. "She was torn to pieces, Aia.. It's my fault, I should've checked the surroundings b-but---" Pinigilan siya nitong magsalita at hinawakan ang kanyang mga balikat bago sya salubungin ng mga tingin nito.






The RotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon