Chapter 6

112 10 3
                                    

Biglaan ang paglabas nila ngayon para sa pagkuha ng supplies na siyang ikinataka ng karamihan. Seryosong nag uusap ang mga leader ng bawat grupo ng maggagather. Medyo malayo sa bawat grupo na nakasakay na sa mga sasakyan ngunit tanaw parin ang itsura ng mga ito.






Mas marami ang miyembro ng grupo ng kumukuha ng mga pagkain at kung dati na ang jeep hammer niya lamang ang gamit ay ngayon ay truck na. Gamit parin naman niya ang sasakyan dahil apat lima lamang sila sa grupo na nakaatas sa mga halaman.





"Ano sa tingin niyo ang pinag uusapan nila at bakit biglaan?"





Tanong ni Roan. Ang isa sa grupo nila. Nasa backseat ito nakaupo katabi si Dean at Amy. Siya ang nasa passenger seat at hinihintay ang leader nila na si Lei. She shrugged. Hindi niya alam kung bakit. May kaba siyang naraeamdaman pero ipinagsasawalang bahala na lamang niya. Katahimikan ang namayani sa kanilang apat hanggang sa basagin ito ng malakas na buntong hininga ni Amy kaya napatingin silang lahat sa kanya.






"Wag ninyo sasabihin na sinabi ko sa inyo. Lei will get mad at me." Tumingin ito sa labas kaya napasunod ang tingin namin sa labas kung nasaan ang ang mga ito at si Edge na seryosong seryoso ang mukha.





"Kung mapapansin niyo ay dumadami ang mga rotties sa paligid. At ilang beses nang may mahigit sampo na nagagawi dito bawat araw." Sa pagkakataong iyon ay napaisip siya. Tama ito. Napapansin nga niya na parami ng parami ang mga rot sa paligid. "Inoobserbahan naming mga doctor ang mga rotties. Mukhang nagmamigrate ang mga rotties na mula sa malalayo pang syudad papunta rito. Ubos na ang mga tao roon kaya naghahanap sila ng lugar kung saan mayroon pa. Nag a-adapt sila gaya ng mga hayop."





Amy is a doctor just like Lei. Mayroon nga silang pinagawang laboratory at doon gumagawa ng kung ano anong mga gamot at naghahanap ng cure o bakuna para matigil na ang nangyayari.
Muli itong bumuntong hininga.





"Someone's controlling all the rots. They have a leader.. and they are after the colonies."





Kinabahan siya sa sinabi nito. Kaya ba todo ang pagtatayo nila ng mga stakes sa labas ng bakod. Todo rin ang pag iimbak nila ng mga supplies at halos maubos na ang laman ng mga groceries at malalaking establishments. Pati narin ang storage facility ay naubos na nila ang laman. Gumawa sila ng dalawang sobrang laki na underground storage area malapit lamang sa kanyang bahay at mayroon ding ginagawa na bunker roon. Sa isang buwan ay matatapos na rin ito.






"We need to prepare more dahil hindi na tayo makakalabas once dumating na ang que--" Naputol ang sinasabi ni Amy nang biglang sumakay sa driver's seat si Edge. Napakislot siya nang mahawakan nito ang dulo ng daliri niya na nakahawak sa manubela.






"Lei won't come. She will continue making biological bombs that affect the rots."






Lumingon ito sa gawi niya at nahuli siyang nakatingin rito. Umiwas siya agad at tumingin sa labas. Hinawakan niya ng mahigpit ang strap ng baril na dala.





"Let's go."





Sinara nito ang mga bintana at agad bumaha ang amoy nito na gustong gusto niya ngunit hindi naman niya pinapahalata na gusto niya iyon. Matagal na niya itong naaamoy kapag dumadaan ito kung nasaan siya. She wanted to sneak in this woman's room just to check her perfume but she always stop whenever she's in front of the door.






Iwinaksi niya ito sa isip at tumingin na lang sa labas. Nauuna ang sasakyan nila at nakasunod ang iba pa. Ang mapunong kapaligiran ay nakakatulong para kumalma siya. Naroon parin ang kaba pero mas nabawasan dahil sa kasama nila ngayon. Ayaw man niyang aminin.. but she feels safe when Edge is near. She likes Aiana because she's fun and sweet, the simple things she does like giving her flowers secretly makes her feel special but she never felt safe with her. Unlike this cold woman beside her. Iba ang epekto nito sa kanya. Kinakabahan siya tuwing malapit ito. Those piercing cold stare Edge is giving her make her knees wobble. The simple throw of banter can make her feel irritated and yet it also makes her feel giddy.








The RotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon