Chapter 4

116 9 0
                                    

Everything happens for a reason. Iyon ang pinapaniwalaan ng karamihan. That you can't change what was destined for us, but some of us believe that we make our own destiny. Pinanganak na hindi pantay pantay ang estado sa buhay ngunit dahil sa pandemya na nagresulta ng apocalypse ay halos nagkaisa ang lahat ng mga tao.


Halos..


Mayroon paring mga nanlalamang ng kapwa, nananakit, at kung ano ano pa tulad na lamang ng nangyayari sa kanya ngayon. She helped them but the result was them, being ungrateful and her, losing almost all of her things that she took care of. Her land, her plantations, her house. She heave a sigh and look down from the balcony of her room. The sky is still dark, the wind that blows is still chilly, the stars are still visible from the naked eyes but the sound of the cars, roaring, revving, and the voices of those people disturb her peace.  Nakatuon ang tingin niya sa mga ito. They were talking about their plans in her land, laughing and whatever.. Umalis ang mga ito ng sobrang aga para kunin ang mga sasakyan na naiwan sa parking lot ng storage facility. Bumalik sila na mayroon nang mga kasama at ito yata ang lahat ng miyembro ng grupo.




Tuwang tuwa ang mga ito na inililibot ang paningin sa buong kalupaan. May mga nauna nang naglibot at tumungo sa kung saan na parte ng lupa niya. Ang ibang natitira ay heto sa baba at nag uusap ng plano kung ano ano ang mga itatayo. They were planning on building houses for each of the families or their members. Hindi siya nagkakamali sa bilang ng mga ito. There are at least a hundred of them, some have families and children already. Mayroon ding mga magkakasintahan at ang iba ay mukhang nag iisa lang sa buhay.



Naririnig niya ang ang mga bangayan na mga ito kung saan nila gusto itayo ang mga tahanan. Their leader.. that bitch.. told them to build their house a little bit far from her house which made her thankful even a little. Ayaw niya sa mga ingay at tingin na pinupukaw ng nga ito sa kanya, lalo na ang lalaking nagngangalan na Brutus. Napakamanyak nitong tumingin at halos hubaran na siya sa bawat paghagod ng tingin nito sa buong katawan niya. Nakakairita, nakakadiri.


Maya maya pa ay may mga dumating pa na sasakyan na pinagbuksan ng inatasang mag guwardiya sa kanyang gate. There are three cargo trucks that went in. Lumakas ang mga hiyawan at nagmamadali ang mga ito sa pagbukas ng likod ng mga truck. They started unloading the materials. Hindi nga siya nagkakamali, puro mga construction or building materials ang mga ito. She took a deep breath and shook her head in disbelief. She can't stop them from building those houses.


Tulala na tumingin siya sa kalangitan. And again, she took a deep breath. Tahimik lamang siya na nakamasid sa kawalan nang may sumitsit sa kanya mula sa ibaba. Ayaw pa sana niyang tignan ito ngunit mas lumakas ang pagsitsit at may kasama pang pagbato ng maliliit na pebbles. Walang magawa na tumingin siyang muli sa ibaba ang saw a woman wearing an orange vest, she was smiling and waving at her. Mukha naman itong mabait kaya tinanguan na lamang niya ito.


"What's your name?!"


Pasigaw na tanong ng babae na ikinaikot ng mga mata niya. Kailangan bang sumigaw pa ng sobrang lakas kahit naririnig naman niya kahit normal lang ang pagkakatanong nito.



"Addison."



Maikling tugon niya sa dalaga. Mas lumawak pa ag ngiti nito. Akala mo ay teenager na kinikilig na hinampas pa ang malapit sa kanya. Napailing siya rito.


"I'm Aiana! Nice to meet you, Addison!"



Ang kaninang nakakunot na noo niya ay unti unting nawala at ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng kiming ngiti. Nakakahawa ang sigla at ngiti ng babaeng ito. And for an unknown reason, magaan ang pakiramdam niya rito. Tumango siyang muli rito ngunit ngayon ay may ngiti na sa labi. Maybe she'll have a friend. Kahit pa na masama ang karanasan niya ngayon ay mukha namang may mabuti paring maidudulot sa kanya dahil posible siyang magkaroon ng kaibigan at makakausap.



"Gagawa na kami ng mga tirahan! See you later, Addy!"



Masiglang ani ng dalaga at patakbong sumunod sa mga lalaking brusko na may bitbit ng mga materyales. Siya naman ay nagdesisyon nang bumalik sa loob ng kwarto nang nakakailang hakbang pa lamang siya nang makasalubong ang malalamig na mga mata ng pinuno ng grupo. Tila hinuhusgahan ang buo niyang pagkatao sa uri ng tingin nito. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa hamba ng pintuan ng kanyang kwarto. Hindi makikitaan ng ano mang emosyon ang mukha at diretso lamang ang tingin sa kanyang mga mata na wari'y gusto siyang tunawin sa tindi ng intensidad ng tingin na pinupukaw nito sa kanya.


"I guess you met Aia."


Malamig na turan ng babaeng nakatitig parin sa kanya. Umiwas siya ng tingin at idinaan sa irap ang kaba na nararamdaman. Dumiretso siya ng lakad papunta sa kama at maayos na umupo roon patalikod rito.



"I did and she's way nicer than all of you."


Hindi ito umimik kaya pinagpatuloy niya ang pagkuha ng isang libro mula na nakapaong sa kanyang bedside table. Hindi niya alam kung bakit kailangan nitong mang angkin ng hindi sa kanila. She knows that the raiders have their own place. Head quarters of the military before the pandemic strikes. Ayon pa nga sa mga nakalap niyang impormasyon mula sa radio frequency ng taga ibang lugar ay maraming mga armas ang mga ito at hindi nagdadalawang isip na patayin ang sinumang hindi sumunod dito. Kaya natatakot siya para sa kanyang sarili. She survived for so long and that will be her end? No way!


"You don't know me and I am being nice by not throwing you out there with nothing."


Makamandag na sambit nito bago niya narinig ang papalayong tunog ng sapatos nito. Bumuntong hininga siya at mabilis na tumungo sa pinto para isara ito at ng malock ay nakahinga siya ng maluwag bago humiga sa sariling kama para umidlip kahit sandali.



Sana lang ay walang gawin na masama sa kanya ang mga ito. Pagmamay ari parin niya ang lupain na unti unting sinasakop ng mga taong ito. She knows every corner of her land. Hindi siya magdadalawang isip na magtago sa mga ito kung balakin nila na patayin siya.





A/N: New chap 4.

The RotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon