Yana POV
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa kakatakbo ko, dito ako dinala ng mga paa ko sa park.Ambigat ng nararamdaman ko. Sana man lang, hindi nagsabay sabay ang mga problemang ito.
Umuulan. Nakikidalamhati pa ata saken."Wow naman!! Sa lahat ng dadamay saken, ulan pa! Hahaha... "
Para akong tanga. Tatawa ako tapos iiyak.
May yumakap saken. Isang mahigpit na yakap. Namis ko ang yakap nya. Ewan.
"Kailangan mo to. Malamig. Iiyak mo lang yan."
Hindi ako nagsasalita. Basang basa na kami pareho.
"I'm sorry."
"Sssssshhh."
"I'm sorry Aj."
"Ssssssshhh. Okay na. Atleast diba alam mo na yung totoo.
I'm sorry.""Baket?"
Bumitaw sya sa pagyakap saken at humarap. Hindi ko alam kung luha ba yung dumadaloy sa mata nya o ulan.
"I'm sorry kase sa iba mo pa nalaman na ampon lang ako."
"Hindi naman mahalaga yun e."
"Galing no? Criminal pa ang mga magulang ko. Haha, ang saya."
Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi.
"Oo nga, siguro may nagawa silang masama. Pero di mo ba naisip na may dahilan sila kung bakit nila ginawa yun?"
"Oo nga pero.."
"Alam mo, mas mabute kung tatanungin mo sila kung ano ba talagang dahilan."
"Siguro nga. Kaya nga umuwi ako dito sa Pilipinas. Para sa kanila at para sayo."
"Para saken?"
"Oo, kase nga nabalitaan kong natanggal ka sa trabaho. May iaalok sana akong trabaho sayo."
"Siguro sa ibang araw na lang natin pagusapan."
"Siguro nga. Tara, iuuwi na kita."
"Hindi. Ayoko. Magulo pa samen. Kina Gabbi muna ako makikitulog."
"Okay. Sige hatid na kita. Tara?"
"Ge."
.......
Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ni Aj.
"Tawagan ko lang si Gabbi."
"Sige."
"Pwede makihiram ng phone? Low bat lase ako."
"Ah, eto."
Bumungad saken yung wallpaper nya. Picture ko na stolen..
May password. Tinry ko yung password nya dati. Anniversary namin. 02.14.**"Tama!!"
"Anong tama?"
"Ah, hehe. Wala."
Calling Gabbi....
"Hello Aj?"
"Hi Gabbi, si Ari to."
"Oh, baket nasa 'yo ang phone nya?"
"Basta, mamaya ko na ieexplain. "
"Baket?"
"Pwede bang dyan muna ako matulog? May nangyare kase."
"Kaya pala tumawag saken ang mama mo. Sorry huh, nasa bakasyon kase kami ni Ken".
"Ganun ba? Sige. Basta kapag tinawagan ka ni mama, ang sabihin mo kasama moko."

BINABASA MO ANG
Queen Yana
KurzgeschichtenEverybody has a dream. Everyone needs to love and to be loved. This story lives in bitter surrounding. Do you believe in second chances? I hope so.