Aj POV
Pagkagising ko wala na si Ari. Paglabas ko ng kwarto, amoy agad yung mga pagkain sa lamesa.May sulat pa sa may ref.
"Good morning Aj!;)
Sana nakatulog ka ng maayos, hanggang ngayon kase malikot pa rin akong matulog. Haha. Nagluto na rin pala ako ng breakfast. Sorry kase di ako nakapagpaalam ng maayos, tulog na tulog ka kase. Basta tandaan mo, suportado kita sa pagkikita nyo ng mga magulang mo. Ingat ka palage! Bye..."~Ari
Natuwa ako nang mabasa ko ang iniwang sulat ni Ari. Masaya ako na okay na ulet kami.
Pagkatapos kong kumaen, naligo na ako at nagbihis. Ngayon ko kase bibisitahin ang mga magulang ko sa prisinto.
............
Nandito na ako sa prisinto. Kinakabahan ako, sana talaga masagot na nila ang mga tanong ko.
"Ah, sir may dadalawin lang po."
"Ah, ano pong pangalan nila?"
"Aj Gil po."
"Kaano ano mo ang dadalawin mo?"
Napaisip ako sa sinabi nito. Kaano ano ko nga ba sila?
"Ah biological parents po."
"Okay. Pangalan?"
"Jenny and Aaron Mallari."
"Okay. Umupo ka muna dyan. Tatawagin ko lang sila."
"Sige po."
Kaya siguro Aj ang pangalan ko kase initials yun ng Biological parents ko.
Pagdating nilang dalawa hindi sila nagsasalita. Siguro nararamdaman nila na ang kaharap nila ay ang batang ipinamigay nila.
"Kilala nyo po ba ako?'
"Iho kase, hindi nga e."
"Oo nga pala. I'm 22 now, 22 years nyo na akong di nakikita."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Ako ho si Aj Gil. Anak nina Jana at Christopher Gil."
"Ano? Ang laki mo na."
"Oo nga. Huling kita namin sayo sanggol ka pa lang."
"Wag na nga ho tayong magplastikan dito. Bakit nyo ko ipinamigay? Ha!"
"Aj kase.."
"Kase ano?!! Sabihin nyo.!"
"Kase bumagsak ang negosyo namin. Naghirap kami. Kaya naman napagdesisyonan namin na ipaampon ka."
"What? Ganun lang kadali sa inyo na ipaampon ako?"
"Hindi anak. Masakit. Mahirap. Mahal na mahal ka namin kaya namin nagawa yun."
"Sus, bakit di man lang kayo nagpakilala saken? O kaya nagparamdam man lang?!!"
"Kase nga nakulong kami."
"Oo anak. Nandito kami ng mama mo sa salang hindi naman namin ginawa!"
"Imposible naman ata yang sinasabi mo."
"Anak, yun ang totoo."
"Ewan. Sana nga. Sige ho. Magiingat ho kayo dito. Paalam."
"Saglit lang.!"
Dali dali akong umalis. Hanggang sa loob ng kotse, umiiyak pa ata ako. Pero atleast ngayon mas maluwag na ang nararamdaman ko. Salamat Ari. Salamat sa payo.
............
Nico POV
Hindi ko alam kung ano nang mangyayari samin ni Yana pagkatapos ng mga nangyari. Sana na lang talaga umayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Queen Yana
Short StoryEverybody has a dream. Everyone needs to love and to be loved. This story lives in bitter surrounding. Do you believe in second chances? I hope so.