AJ POV
"Aray!..""Wag ka kaseng malikot bes."
"Ang saket kaya.."
Nandito ako sa kwarto kasama si Selena. 2 am. na ng umaga kaya nagsitulugan na ang iba.
"Eh baket ka naman kase nakipagsuntukan? Ha?"
"Wag mo nang itanong. Mababadtrip lang ako."
"Ganun? Okay. Oh yan tapos na."
"Salamat."
"Kung okay lang sayo, pwede bang dito na lang ako matulog?"
"Sige okay lang, dito na lang ako sa couch."
"Okay, kunin ko lang mga gamit ko sa ladies room."
"Samahan na kita."
"Mabuti pa nga."
.............
"Eto na ba yun lahat?"
"Oo bes."
"So, Tara na?"
"Ah, sige mauna kana. Cr lang ako."
"Ah, sige. Sunod kana lang ha?"
"Sige bes."
Naglalakad ako papuntang room ko nang makasalubong ko sya.
Kahit nakakainis ang nangyare kanina, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya."I'm sorry."
Teka, umiiyak ba sya? Wag kang magpadala sa emosyon AJ.
"I'm sorry AJ. Sorry sa nangyare kanina."
"Okay na. Sige, inaantok nako. Alis nako."
Nilagpasan ko sya pero bago ako makaalayo, may sinabi sya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Thank You. Thank you kase nandyan ka pa rin kapag kailangan kita. Kahit biro lang yung nangyare kanina. Haha, gaga mo kase Ariana. Tss.Goodnight.;)"
Paglingon ko, nakapasok na pala sya ng ladies room. Grabe, sobra pa rin pala akong naaapektuhan sa thank you nya. Sarap sa pakiramdam.
...............
Dumating si Selena ng parang takot na takot. Pawisan sya.
"Oi Selena, anong itsura yan?"
"Huh? Wala, dami kasing nagcr dun kaya dun pako sa malayo nagcr. "
"Ah, ganun ba?"
"Oo, sobrang layo nga eh."
"Okay sige matutulog nako."
"Okay, ayusin ko lang tong mga gamit ko. Goodnight."
"Goodnight."
...........
Yana POV
Nakasalubong ko si AJ kanina. Sobra akong nahihiya sa nangyare. Kaya nagsorry ako. Di pa rin pala nawawala yung concern nya sa nangangailangan.Pagpasok ko sa kwarto naabutan ko si Selena, kalalabas nya lang ng cr.
"Ui Ari, kamusta? Hindi tayo masyadong nakapagusap kanina diba? Haha."
"Ha? Ayos lang ako, kaw ba?"
"Ayos lang. May mga pasa si AJ. Alam ko may kinalaman ka dun."
"Ah kase tinulungan nya lang ako."
"Hindi ko tinatanong."
"Sorry."
"By the way, kinuha ko lang yung gamit ko. Bye."
"Teka, kayo ba ni AJ?"
"Baket gusto mong malaman? Pano kung oo?"
"Ah, wala. Sige alis kana."
"Sus. Ang arte. Kung mahal mo pa sya hanggat maaga pa. Layuan mo na."
"Huh? Di ko na sya gusto. Its been four years."
"Tama ka, its been four years kaya move on din pag may time."
Di ko na sya sinagot. Baka mauwi lang sa away to. Nilampasan ko sya para magpalit. Pero sinabunutan nya ko.
"Kinakausap pa kita kaya wag mokong tinatalikuran!!!"
"Bitawan mo ang buhok ko!! Nasasaktan ako."
"Sus, mahina ka pa rin! Para ka pa ring bata na pag kinuhanan ng lollipop sa labi ay di na titigil sa pagiyak!"
"Ano?"
"Sinampal ko sya. Grabe, sumsobra na sya."
"Fuck! Sinampal moko? "
"Ouch!!! Aray....."
Tinulak nya ko. Napadali ang kaliwa kong binti sa upuan kaya napaupo ako. Tss, sakit nun ah.
"Teka! San ka pupunta?
Tulungan moko."Tumakbo sya ng mabilis. Grabe sya.
Tulog na ang lahat, gusto ko sanang tawagan si Nico para magpatulong papunta sa klinik.
Pero ayoko na syang istorbohin.Naglalakad ako ng paika ika sa klinik. Sakit talaga.
"Oh iha, baket anong nangyare dyan?"
"Ah.... Nasprain po ata. Nadapa po kase ako at napadali sa upuan."
"Ah ganun ba?"
"Opo IH."
"Mas maganda siguro dito kana magpalipas ng gabi para mas mapadali ang pagaling."
"Ah, ganun po ba?"
"Oo iha."
"Ah, sige po. Dito na po ako matutulog.."
............
Nico POV
Sa kabilang resort ako nagcheck in. Maaga akong gumising. Gusto ko kaseng batiin si Yana ng good morning. Babaw ko nu?"Nico tama? "
"Ah, oo. "
"Ken nga pala. Kaibigan ako ni Ari."
"Ah ganun ba? Ikaw yung kinasal. Congrats pala. Pano moko nakilala?"
"Salamat. Nakikita ko kase posts nya sa fb. Puro pictures nyo tapos nakalagay My partner, Dj Nico."
"Ah, haha."
"Baket ka pala nandito?"
"Ah, gusto ko kaseng puntahan si Yana."
"Ganun ba? Samahan na kita."
"Ah, salamat!"
"Daddy!!!! Ui Nico bute nandito ka."
"Oh baket mommy?"
"Baket Gabbi?"
"Nawawala si Ari!!!!"
"Ano? Baka naman namamasyal lang."
"Hindi Nico, nilibot ko na buong resort. Wala sya."
"Mommy baka naman kasama si Selena o kaya si AJ?"
"Pwede Daddy! Tara puntahan naten."
............
Nandito kami ngayon sa kwarto nina AJ ba yun. Sa picture ko lang sya nakikita. Eh mas gwapo pa pala ako dyan eh.:)
"Pareng AJ! Nandito ba si Ari?"
"Huh? Baket Ken?"
"AJ pwede ba pakisagot na lang!"
"Wait, chill lang Gabbi. Wala sya dito."
"Baket nyo ba sya hinahanap?"
"Kase Selena nawawala sya!"
Pagkirinig nung AJ yung sinabi ni Gabbi, tumakbo sya agad. Siguro hahanapin nya si Yana.
"Wait AJ! Sama ako.!!"
"Guys, confirmed na nawawala si Yana. Mas mabute maghiwahiwalay tayo sa paghahanap para mabilis natin syang makita."
"Mas mabuti pa nga."
..........
![](https://img.wattpad.com/cover/37054369-288-k677218.jpg)
BINABASA MO ANG
Queen Yana
Short StoryEverybody has a dream. Everyone needs to love and to be loved. This story lives in bitter surrounding. Do you believe in second chances? I hope so.