Chapter 8

38 3 0
                                    

Selena POV
Andito ako sa Mall. Mag isa. Di kase ako sinamahan ni bes. May gagawin din daw sya.

May magsyota na nagmemaking out dito. Grabe, haha. Teka nga.

"Hey honey! Pwede mo ba kong samahan? Wala kase akong kasama eh."

"Huh? Sorry miss may kasama kase ako."

"Sino?..;)"

"Ako!!! Girlfriend nya ko! "

"Oops, sorry girl akala ko kase kapatid ka nya."

"Hindi, tama sya. Girlfriend ko sya. "

"Ganun ba? Sorry honey. Pero kung magsawa ka sa kanya, dun lang ako sa Penshoppe. Bye!"

"Tse! Malandi kang babae ka! May pahoney ka pang nalalaman. "

Haha. Pagkaalis ko, mukhang nagaaway na sila.

Makauwe na nga lang. Tss.
Boring.

.........

Yana POV
Di nakapasok ngayong gabi si Nico kaya mag isa lang ako. Kamusta kaya sya?

"Love Contradict starts in 5...1!
Good Evening mga kaForever Radio! This is Queen Yana na tutulong sa mga pusong sawi. Advice ko? Patayin ang emosyon sa pagibig na mistulang lason."

"Well, sa may problemang puso, emotionally hindi physically. Our hotlines are 7777-777 and 2234-567. "

"Balik tugtugan muna tayo. Here's a song from Edward Binosa, Di man lang nagpaalam.
Ako pong muli si Queen Yana dito lang sa 123.5 forever radio!!"

......

"We are down to our last caller.
22 years old. He is Josh from Marikina City."

"Hello...?"

"Hello Queen Yana".

"Okay, good evening. Wait kuya, ano yung maingay? May electric fan ba dyan?"

"Opo".

"Pakipatay muna huh. Kase ang ingay".

"Okay po, wait lang po".

"Ate, masyado kang magalang. I'm just 21 and your 22. Mas bata pa ko sayo. Anyway may problema ka right? Makikinig ako. Ano yun?"

"Kase may girlfriend ako, sobrang selosa nya".

"Wait kuya? Oa ba yung pagseselos nya? "

"Oo kase pati yung mga pinsan ko pinagseselosan nya".

"Owkay. Tuloy.."

"So yun po, parang nagalit po ako sa kanya. So naglaseng ako."

"Sinong mga kalasengan mo?"

"Yung bespren po nya."

"Girl? "

"Oo, sya lage yung nandyan kapag nagaaway kame. Kaya mas napalapit ako sa kanya".

"Wait lang, para mas malinaw. May nangyare ba sa inyo?"

"Nino po?"

"Ni bespren.."

"Ah, wala po naman."

"So anong tanong mo?"

"Para pong mahal ko na po yung bespren nya."

"Teka kuya, anong pangalan nung girls?"

"Ah, yung gf ko po Irene at yung bespren nya si Joy."

"Oh, so sinasabi mo na mahal mo na si Joy? So anong tanong mo? Kung makikipaghiwalay ka kay Irene at sasama ka kay Joy?"

"Opo. Parang ganun na nga po".

"Kuya, ang landi mo. May girlfriend kana tapos di kapa nakuntento. Well, may point ka naman kase nakakairita naman talaga ang gf na selosa".

"Oo nga po".

"Para saken, makipaghiwalay ka kay Irene pero wag kang sumama kay Joy. Kase masasaktan mo lang sila. Grabe ang panget tignan kung magbespren eh syinota mo. Diba? So break up with Irene at ipahinga mo muna yang puso mo."

"Okay po."

"Naiintindihan moko?"

"Oo, pero...."

"Walang pero! Sabi mo naiintindihan moko. So sundin mo na lang ako."

"Okay. Thank you."

"Thank you din Josh. Salamat sa pagtawag. By the way, its 12:17 in the morning. Goodnight and good morning as well. Bye!"

.........

Nico POV
"Kuya, ano ba! Bibili nga lang ako ng gamot mo sa labas."

"Hin di na nga. Baka kung ano pang mangyare sayo. :"("

"Okay, peram cellphone mo."

"Baket?"

"Wala lang."

"Baket nga?"

"Maglalaro lang ako."

"Oh yan."

........
Third Person POV
Hindi alam ni Nico na tinawagan ni Nate si Yana.

"San number ni ate yana dito?
Ano to? M.O.O(my only one) ?
Baka eto, haha. Korni ni kuya. HihiXD"

Dialling M.O.O(my only one)......

"Hello Nico?"

"Hello ate Yana? Si Nate po to."

"Oh, baket?"

"Si kuya po kase, di pa nainom ng gamot. Pwede po bang ibili nyo sya? "

"Ganun ba? Sige pauwe na ko. Daan ako dyan."

"Thanks ate. Love you talaga."

"Owkay. Bye. "
......

Yana pov
"Nico...?"

"Ate! Nandito kana pala."

"Sino Yan... Oh, Yana baket ka nandito?"

"Di ka pa daw kase umiinom ng gamot eh. Eto oh bumili ako."

"Huh? Nate ah. Kaw talaga. Pero umaga na dapat hindi ka na bumili."

"Duh. Partner kaya kita, kanina nga, boring kase wala ka."

"Talaga? Haha. Ge hatid na kita palabas."

"Hindi. Nakapagpaalam nako kina papa. Dito ako matutulog. Aalagaan kita."

"Huh? Hindi na. Umuwe kana."

"Ayoko."

"Uwi na."

"A yo ko."

"Sige na. Pero matulog kana."

"No. Punta kana sa kwarto mo. Magluluto ako ng lugaw at iinom ka ng gamot. Okay?"

"Okay po. Madame."

"Mabute..."

................

Pagkatapos ko syang pakainin at painumin ng gamot. Aalis nako sa kwarto nya pero hinawakan nya ang kamay ko. So eto ako ngayon, hawak ang kamay nya.
.............

Nico POV
Sarap ng gising ko. Magaling na ata ako.
Pupunta ako sa kusina para uminom at may nakita akong note sa ref.

"Good Morning partner! Magaling kana ba? I hope so. Aalis na ko may pupuntahan pa kase ako. Nagluto na pala ako ng breakfast. Kaen kana huh! Kayong dalawa ni Nate. Kyut mo pala pag tulog! Haha. Biro lang. Ingat ka! Love you!;")"

Napangiti ako sa sulat nya. Inaamin ko. Kinilig ako. Lalo na sa last line nya.

" love you too"

......

Queen YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon