Kabanata 2

2 0 0
                                        

Kabanata 2

Order




kunot noo at hindi ko maintindihan, pinanood ko lang si Aziel magbilad sa gitna ng araw. he's playing golf. pero sa hardin nila kami naglalaro at hindi naman 'yon ganoon kalaki. Ang magaling kong amo ay walang ibang pinautos sakin kundi kunin ang mga bola sa tirikan ng araw!

pumwesto na si Aziel at tinantya ang bola sa harapan niya. naka shades siya at naka sumbrero habang ako ay naka payong at tustang tusta na!

sino ba kasing siraulo ang mag lalaro ng golf sa gitna ng katanghalian!

imbis na kanina pa kami kumakain ay nandito ako, taga kuha ng golf ball ng mabait kong amo. 

"there!" sigaw ni Aziel ng pumasok ang golf ball sa hinukay niyang parte ng lupa. 

patakbo akong pumunta roon at kinuha ang bola. I'm sweating. halos kalahating oras na rin kami nag lalaro. parang hindi nga siya napapagod o naiinitan! 

patakbo akong lumapit at binigay ang bola sakaniya. he grinned at me. 

"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Kaonti pa." aniya at bumalik sa paglalaro. 

Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa trabaho ko pero pag dating kay Aziel ay nakaka reklamo talaga ang mga pinag gagagawa niya sa buhay niya.. he's fooling and playing around. 

Sinulyapan niya ako, I almost flinched when he saw me looking at him. 

"Pagod ka na ba?" his brow arched.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Okay, I'll play till 1 pm." 

Halos maiyak ako sa sinabi niya. Isang oras pa! isang oras pa kaming bilad sa arawan! 

Ngayon ay nagdadasal nalang ako na sana dumating si Madam Agatha para utusan ako. 

"Do you know how to play golf?" he asked without looking at me. 

I tilted my head and watched him aiming for a best shot. 

"Hindi."

"Bakit? hindi uso 'to sainyo?"

Umirap ako. Malamang ay hindi! ang uso samin ay mag hugas ng pingan, maglaba, mag sampay at mag linis ng bahay! 

"Hindi, mukha bang may panlaro ako ng golf?" 

Napangiti ulit siya ng pumasok sa loob ng butas ang golf ball niya. malamang ay madali lang ma shoot 'yon dahil malapit lang. akala niya siguro ay sobrang galing na niya maglaro dahil sa sunod sunod na pagpasok niya ng bola sa butas. 

"Tutal I don't have friends here, I'll teach you how to play golf instead." he offered. 

"Huwag na.." sabi ko at binigay sakaniya ang bola. 

Tumigil siya sa harapan ko at tinaas ang shades niya. he looked at me intently. 

"At bakit? you don't know how to play golf right? edi tuturuan kita."

"Ayoko... sayang ang oras ko.. I rather go to work than to play that thing." 

tsaka ayaw kita kasama! 

gusto kong isigaw 'yon pero hindi ko magawa. there's something in him na ayaw ng dugo. nakikita ko palang siya ay umiinit na ang ulo ko. 

He shrugged his shoulder and continued to play. totoo nga ang sinabi niya na hanggang ala una siya.. kaya halos magpasalamat ako sa diyos kanina pagkapasok namin sa bahay. umakyat na siya habang ako ay dumiretso sa kwarto para maligo ulit. 

Burning ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon