Kabanata 6
Typhoon
"Matcha Latte and blueberry cheesecake for Adrian!" sigaw ni Marco.
Marami kaming customer ngayon sa cafe, isang oras palang simula nung nag bukas kami ay dumagsa ang mga customer. May event nanaman kasi sa munisipyo kaya halos lahat ay dito nag b-breakfast.. dagdagan mo pa na kaming dalawa lang ni Marco ang staff at isang in house chef.
si marco ang nasa cashier habang ako naman ang nag aasikaso ng mga drinks. I tried all my best to focus on what I'm doing.. dapat ay magkikita kami ni Carter ngayon pero sabi niya ay kailangan na niyang umuwi. Babalik pa naman daw siya sa susunod na lingo.
"Excuse me, could you heat my food a little more?" someone said in deep baritone voice.
Napalingon ako at nakita ang isang lalaking naka polo na may dala dalang baked macaroni sa tray. He looked familiar, parang nakita ko na siya. His large frame covered the light I'm seeing from the glass wall of the cafe.. ngumiti nalang ako at kinuha 'yon.
"Did you text ate kaia to come here?" Nilingon ako ni Marco na gumagawa ng drinks.
"Oo, nag text ako.. tsaka, hindi ba dapat ikaw magsabi kasi kapatid mo 'yon?"
Palihim na umirap si Marco saakin. Ang sungit talaga!
"We're not that close."
Ngumisi ako. "Masungit ka kasi.. try to be a cool brother sometimes."
"Shut up." Aniya na ikinahalakhak ko.
Tumunog ang microwave at nilagay ko na sa tray ang baked macaroni. I added spoon and tissue. Ngumiti ako sa lalaki at inabot ang pagkain niya. He's tall.. mas kasing tangkad sila ni Aziel, but this man is more masculine.
"Thankyou uhh.. Sienna." ngiti niya at sumulyap sa name plate ko.
"Welcome sir, come again." I smiled.
wala sa sarili kong pinanood siyang pumunta sa upuan niya malapit sa bintana. sa laki niyang tao ay una mo kaagad siyang mapapansin. There's a laptop on his table.. magtatrabaho ata.. tsaka, napaka pamilyar ng mukha niya sakin. I don't know kung saan ko siya nakita.
Isang kurot sa braso ang nakapag pagising sakin. sinimangutan ko si Marco na nasa gilid ko.
"Crush mo?" tanong niya.
"of course not!" sabi ko at pumunta sa coffee machines para mag linis.
"sus.. you're staring at him like a creepy stalker." aniya at sumandal sa cashier.
"Hindi ko nga siya gusto, pamilyar lang siya saakin.. parang nakita ko na somewhere."
Marco looked at me with his dark and intimidating eyes. Nilingon niya yung lalaki bago ako binalikan ng tingin.
"He's a lawyer.. Lawyer namin." Aniya na parang wala lang.
Napasinghap ako sa gulat. Ano raw? Lawyer nila?
"Y-yung lalaki?" Gulat kong tanong.
Tumango tango siya. "He's a famous Lawyer in town.. hindi mo ba siya kilala? aside from the fact that he's a well known lawyer, He's also an Esquillin."
Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang tinignan yung lalaki. He's busy with his laptop. Hindi halatang lawyer siya! Kung tutuusin ay pasok pa siya bilang politiko sa ayos niya.
Tanghali na ng dumating si Ma'am Kaia. Nabigla pa kaming dalawa ni Marco dahil mukhang nagmamadali siya pumasok. Imbis na dumiretso sa locker room ay dumiresto siya sakin. She looked scared and nervous.
BINABASA MO ANG
Burning Obsession
RomantizmSienna grow up with a huge responsibilities on her shoulder. sa murang edad ay kailangan na niyang magtraho para sa sarili niya. she just want to live peacefully and out of poverty. When her boss asked her a favor she agreed immediately. pero hindi...