Kabanata 4
Rancho
Closed ang cafe ngayon dahil may kailangan asikasuhin sila Ma'am Kaia, imbis na sa mansyon ako dumiretso sa bahay na ako naglagi ng oras.. hindi na rin ako masyadong nakakapag general cleaning dahil hindi naman ganoon kadumi ang bahay namin.
I decided to clean our house. nagpalit ako ng mga kurtina at nag iba ako ng ayos ng bahay. Napangiti ako ng makitang mas umaliwalas ang bahay namin. Matagal na rin simula ng huling linis ko rito.
Busy ako sa pag dilig ng halaman sa labas ng may humintong sasakyan sa harapan ko. my forehead creased. Bukod sa naka park siya sa harapan ng bahay namin ay sigurado akong hindi sasakyan 'to ng mga Laxamana or kahit nila Ma'am Kaia.
Isang itim na silverado ang nasa harapan ko. Tumunog ang driver's seat at niluwa non si Aziel na nakangisi at naka shades. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng makita ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" ngiwi ko.
Akala ko matatakasan ko na siya ngayon! hindi ko alam bakit sunod ng sunod 'to sakin. Hindi rin ba siya makakahinga ng wala ako sa tabi niya?
Nilakad niya ang agwat namin, para siyang isang modelo na nag lalakad sa runway. He's handsome not gonna lie. Hapit na hapit ang mangas ng plain tshirt niya sa biceps niya and he got a nice broad shoulder. He's wearing a simple white tshirt and black maong pants and loafers. Agad na inatake ang ilong ko sa mamahaling pabango niya.
"so this is your home outfit huh.." ngisi niya at tinignan ako simula ulo hanggang paa.
Bigla akong naconcious sa suot ko. isang tshirt at maong shorts lang dahil nandito lang ako sa bahay. Agad akong napalayo ng maalala kong pawis nga pala ako galing sa paglilinis kanina.
Nakakahiya!
"B-bakit ka ba kasi andito.." Kunot noo kong tanong sakaniya.
"Samahan mo 'ko." Utos niya.
"ayoko, naglilinis ako." agad kong sabi at tinuloy ang pagdilig sa halaman.
"Dali na, saglit lang 'to.. I'll pay you." Aniya.
Natigil ako at napataas ng kilay. Hindi ako mukhang pera pero kung kay Aziel ang perang makukuha ko ay willing akong kunin lahat ang mayroon siya.
Binaba ko ang hose at humalukipkip. tiningala ko siya dahil kahit matangkad na ako ay mas natangkaran niya ako. He's grinning like an evil dog.
"How much?"
a smile crept on his lips. "Magkano ka?"
kung sa ibang pagkakataon ay maooffend ako pero hindi ko pinairal 'yon. alam kong iba talaga ang tabas nitong bunsong anak ng demonyo.
"10,000 buong araw." ngisi ko.
"Sure, let's make it 15,000." Aniya at kinindatan ako.
Halos malaglag ang panga ko sa offer niya dahil isang buwan kong sweldo 'yon sa cafe at sakaniya isang araw lang? Hindi na ako nagdalawang isip at nginitian siya. money is money, pambili ko na rin ng gamit sa school.
"Deal! umupo ka muna magbibihis ako."
Tinuro ko ang sofa at dumiretso sa kwarto. Agad akong naghanap ng susuotin. ano nga ba dapat suotin ko? ni hindi ko nga alam saan kami pupunta?
Bigla kong nakita ang bagong bili kong dress sa palengke, suddenly I want to wear it.. pero nanghihinayang ako.. ngunit si Aziel ang kasama ko, hindi kung sino lang..
In the end, isang white linen top ang nakuha ko at isang denim skirt na above the knees. Laking pasalamat ko na may bathroom ako sa loob ng kwarto, hindi ko na kailangan lumabas pa para gumamit ng banyo.
BINABASA MO ANG
Burning Obsession
Roman d'amourSienna grow up with a huge responsibilities on her shoulder. sa murang edad ay kailangan na niyang magtraho para sa sarili niya. she just want to live peacefully and out of poverty. When her boss asked her a favor she agreed immediately. pero hindi...
