Gabrielle
Tollway Tambo Exit
June 2015
Maingay sa buong paligid. May mga sasakyang mukhang nagmamadali sa bilis at harurot ng takbo nito. Kaya walang araw na walang nagkakabanggaan. Di ba nila alam na nakakarindi na at nakakatakot ng tumawid dahil sa bilis ng mga sasakyan? Sinabayan pa ng init ng araw na may kasamang maalingasang hangin na dulot ng gabok at maiitim na usok ng mga sasakyang dumadaan. Sa dami ng usok na malalanghap ng mga taong napaparito, hindi imposibleng magkaroon ng hika o kaya magka heart attack.
Nandito ako ngayon sa Tambo Exit ng Star Tollway Lipa. Pinapanood ang mga sasakyan at taong napapadaan dito. May ilang masasaya, may malungkot, may mga mag asawang nagaaway, may mga magsyota na parang tuko kung magyakapan sa daan, may mga tricycle driver na sumisigaw "Tricycle! Tricycle!", mga jeep na nakaharang sa tawidan at ang traffic na dulot ng malalaking bus at truck na papasok at palabas ng Star Tollway.
Summer ngayon at bakasyon. Ang kalimitang ginagawa ng mga tao tuwing summer ay tumambay sa bahay o kaya sa kapit bahay para makisagap ng chismis o balita. O kaya naman ay mamasyal sa mga mall. Maganda talaga dito sa Lipa na parang Maynila ng Batangas sa unlad ng bayang ito. May mga kaliwa't kanang establishimentong nakatayo dito, mga mall, tindahan "sari-sari store", bilihan ng kotse, pagawaan ng kotse, atbp. Halos kompleto na nga dito. Meron lahat ng klase ng establishment.
Habang lahat busy sa pagbabakasyon at sa mga outing o trip abroad. Heto ako walang ginagawa, walang gala doon at dito. Ako ang tambay sa tindahan namin at nanonood ng koreanovela na kinopya ko pa sa mga kaklase kong mahilig din sa Korean drama nung summer class. Ngayong tapos na ang summer class, hayahay na ang buhay. Walang iniisip na project, requirements at grades. Ngayon kakatapos ko lang panoodin ang isang Korean drama series kahapon yung "You're all surrounded" at ngayon ang "Answer to 1997" ang pinapanood ko habang nakikipagkullitan sa anak ng pinsan ko.
Maraming pumapasok sa isip ko ngayong bente anyos na ako. Ito ay ang "Love". Ano ba ang love para sa akin? Dapat ko na bang maramdaman iyon sa edad kong ito? Dalaga na ako at hindi pa kailanman nagkaroon ng boyfriend.Marami namang nanliligaw sa akin pero wala akong mapili. Kaya nga naisip ko na huwag magmadali sa love. Sa karanasan ko at karanasan ng mga kaibigan ko masasabi ko na "Ang mga lalaki lahat iyan paasa. Sa una papaasahin kang mahal ka pero kapag mahal mo na sila bigla na lang silang manlalamig sayo. Paasa."
"So anong pinanghuhugutan mo?"tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Irianne. Magkasama kami ngayon sa tindahan para makipagchikahan sa akin. Wala daw siya magawa sa bahay eh lalo ngayon na bakasyon na din nila.
"Ang writer at feeling writer dapat kapag nagsusulat may pinanghuhugutan. Aba mahirap ang walang insperasyon noh."sagot ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama. I know. I know iba ang gusto niyang marinig sa akin. Kaso di ko masabi dahil maririnig ng mga mame at tita ko. Wala silang alam sa lovelife ko.
"Eh ano nga?"tanong ni Irianne sa akin.
"Haixt. Tinatanong pa ba iyan? Alam mo na iyon tsaka mula pa sa ama ko hanggang sa ibang lalaki ganun na. Mga paasa, mga babaero."saad ko. Pinalakpakan lang niya ako. "Bravo".
"Para namang wala kang alam."sabi ko. Naikwento ko na Kay Irianne ang mga karanasan ko sa mga lalaki.And I hate repeating it all over again dahil sa maiiyak lang ako at mahihiya..
"Please kwento mo ulit tsaka may utang kang kwento sa akin." saad in Irianne. Napaisip naman ako. Anong uunahin Kong kwento?
Kinuha ko ang Diary kong Naruto Shippuuden ang tatak at antigo na.
BINABASA MO ANG
Isa kang MALAKING Paasa
Teen FictionDedicated to my friends and family Ito ang kwento ng mga sawi sa pag-ibig lalo na yung mga umasa at story ng friendship. May pag-asa ba o paasa sa pagmamahal? “Minsan kasi hindi naman masama maging assuming lalona kung may tao talagang nagbigay ng p...