Gabrielle
Tollway Tambo Exit
June 2015
"Alam mo bang pati si Mame hindi nagkaroon ng happy ending? Hindi lang yung mga ka edad natin. Just like us. My dad was not her prince charming at hindi din knight-in-shining armor. It was somebody else."Saad ko kay Irianne.
"Sino naman?"tanong ni Irianne.
"Let me tell you the story. Once upon a time, there was a young beautiful lady..."simula ko sa kwento.
AngpangalanngMame ko ay Claudia...
Claudia
"Umasa ako sa First love ko, si Reynan na mahal niya ako at kaya niya akong ipaglaban pero nagkamali ako."
First year high school kami. Nagkakilala kami sa school at magkaklase kami ng first year at second year. Siya si Reynan. Naging crush niya ako at naging crush ko din siya. Hindi ko alam kung paano ko siya naging crush kasi ang panget niya, maitim siya at makapal na mahaba ang buhok. Habang ako, Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda, matangkad, ang baywang ko ay 23 ,matangos ang ilong at mestisa ako dahil sa ang ina ng lola ko ay nabuntis ng kastila. Pero masasabi kong malakas ang appeal niya.
June1970
"Alam mo bang gusto ka ni Reynan."bulong sa akin ng kaklase kong babae.
"Talaga? Yaan mo siya."nakangiting sagot ko.
Tinignan ko si Reynan. Nakaupo ito sa kabilang gilid ng klase na pinagkukumpulan ng mga kaklase naming mga lalaki. Oras kasi ng kainan kaya wala kaming klase.
Nagbubulungan sila. Ano kaya pinaguusapan nila?
Tumingin sa akin si Reynan at nginitian ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
August 1970
Nung high school lagi akong muse sa school. Ngayon nga ay isinali na naman nila ako. Ang ginagawa para makakuha ng malaking puntos ay nagbebenta kami ng lechong manok para sa bawat kandidata o money contest.
"Pabili nga ng isa."lapit niya sa pinagtitindahan ko.
"Anong kukunin mo dito?"tanong ko.
Tinignan niya ang mga manok pero ako ang tinuro niya.
"Gusto ko makuha ang kamay mo. Pwede ba kitang isayaw?"tanong niya.
Nginitian niya ako.
"Saglit lang kailangan mong bumili ng manok, anong bibilhin mo dito?"tanong ko.
Tinignan niya muli ang mga manok na luto na at tumuro ng isa.
"Sige.Ibabalot ko lang."saad ko.
Kumuha na ako ng plastic at binalot ang binili niyang manok. Lagi siyang bumibili sa akin para isayaw ako tuwing fiesta sa baranggay. Inimbitahan ko kasi siya sa barangay namin.
"Tara, isasayaw na kita."aya niya sa akin.
Sumunod naman agad ako sa kanya at sumayaw kami.
Kasi kapag bibili siya isasayaw niya ako. Ganun ang tradisyon sa amin kapag fiesta.
Sa tingin ko iyon ang paraan niya para mapalapit sa akin.
December 1971
Nagsimula na siyang ligawan. Sinabiniyang liligawan niya ako habang sumasayaw kami Fiesta na naman at ako ay kasali. Hindi niya alam na gusto ko din siya kaya pumayag ako na ligawan niya.
BINABASA MO ANG
Isa kang MALAKING Paasa
Teen FictionDedicated to my friends and family Ito ang kwento ng mga sawi sa pag-ibig lalo na yung mga umasa at story ng friendship. May pag-asa ba o paasa sa pagmamahal? “Minsan kasi hindi naman masama maging assuming lalona kung may tao talagang nagbigay ng p...