Chapter 10

14 2 0
                                    

Irianne

June 2015

"Nasaan nga kaya si Bryan noh?"tanong ko.

"Wala akong balita sa kanya."sagot ni Gabby. "Kahit sa mga kapatid niya, wala."

"Gusto ko siyang makita kahit sulyap lang. Alam mo yung feeling na kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita, sumasagi sa isip ko ang mukha niya."Saad ko.

"First love mo kasi. Mahirap talaga makalimutan iyon lalo na at single ka at wala ka man lang dine-date."Sabi ni Gabby.

"Wala pa pero magkikita kami."saad ko.

"Nung Bryan? Tagal niyo din magkatext noh?"saad ni Gabby.

"Oo nga kaya nga nangako kami na sa October ngayong taon ay magkikita na kami."Sabi ko.

"Oh.. yun naman pala. Ingat ka ha baka mamaya kung anong gawin nun sayo. Hindi mo pa iyon kakilala kahit matagal na kayong magkatext."saad ni Gabby.

"Oo. Ako pa. Black belter ata ako."sabi ko.

Tinuloy ko ang pagkukuwento ko.

2012

Graduation

"Congrats!!"sigaw ng lahat habang sunod-sunod kaming palabas ng hall.

Graduate na kami kaso kulang kami kasi wala si Bryan.

Nasaan kaya iyon?

Ni hindi man lang nagpaalam sa amin.

Hindi ba siya maalam mag 'Bye'?

Kinuha ko na ang phone ko pagkasakay ko ng kotse ni kuya.

"Brent, graduate na ako. Paramdam ka naman."text ko kay Brent. Ilang buwan din ng hindi kami nagkakatext. Sa tingin ko nga sabay sa pagkawala ni Bryan ay nawala na din si Brent.

"Hi. Sorry madami kasi akong ginagawa. Kamusta ka?"reply ni Brent.

"Eto masaya. Mag college na ako. Ikaw?"saad ko.

"Congrats! Galing mo naman. Okay lang ako.Baka sa susunod pa ako magcollege. Madami pa kasing ginagawa."Saad niya.

"Anong ginagawa?"tanong ko.

"Basta. Busy masyado."sagot lang nito. Hindi ko na tinanong ng tinanong baka kasi mainis pa sa akin.

"Irianne. Congrats. Mamaya na ang gift ko ha."saad ni kuya.

"Thanks kuya."sagot ko na lang. Pauwi na kami.

2012

Pinag exam ako nina mama sa UPLB. Hindi ko alam kung makakapasa ako. Kasabay ko naman ang ilan kong kaklase na nag-take ng UPCAT.

"Brent, sa tingin mo kaya ko makapasa?"tanong ko.

"Kung iisipin mong kaya mo, makakapasa ka. Ginalingan mo naman di ba?"saad niya.

"Oo. Pero nahirapan ako. May ilang tanong na wala akong maisagot."sabi ko.

"Kaya iyan, tiwala lang."sabi niya.

Ewan ko ba pero simula ng maging katext ko si Brent, siya na lang lagi ang nasasabihan ko ng mga hinaing ko sa buhay. Si Gabby kasi malayo na siya sa akin. Nasa Lipa lang siya nagaaral habang ako sa Los Banos pa.

"Good luck kaya mo iyan!"text sa akin ni Brent habang naghihintay ako ng araw para malaman ko kung pasado ako o hindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isa kang MALAKING PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon