Irianne
Tollway Tambo Exit
June 2015
Bakit naalala pa ni Gabby yung mga nangyari nung third year kami? Naalala ko din tuloy. Third year high school ang pinaka best at pinaka worst. May PINAKA talaga! Kasi sa taong iyon madami akong natutunan.
I miss sitting right next to him.
"Tanda mo si Bryan?"saad ni Gabby.
"Manood na lang kaya tayo. Anong ngang movie title? Love 911 nga ga?"saad ko.
"Huwag ka ngang mag change topic parang napaka big deal naman ni Bryan sayo. Past is past na nga di ba, hindi na binabalikan kapag hindi mo gusto o hindi mo pa kayang balikan."saad ni Gabby.
"Fine. What about him?"tanong ko.
"Nasa Medix daw siya ngayon eh." Saad ni Gabby. "ICU."
"Bakit daw? Anong sakit niya?"tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Nabanggit lang sa akin ng kuya niya last week nung nagkasabay kami sa jeep."saad ni gabby. "Siguro naman okay na siya, last week pa naman iyon."
"Sana nga. Kawawa naman siya."sabi ko na lang.
"Anong ginawa mo dati para makamove-on sa kanya Irianne? Paano ba makamove on? Kahit hindi naging kami."saad ni Gabrielle.
"Anong ginawa ko para maka-move on? Simple, tinanggap ko ang totoo na kahit anong gawin ko hindi niya ako kayang magustuhan kasi hindi ako ang tipo niyang babae."saad ko.
"Kahit kailan hindi niya ako magugustuhan dahil ang panget panget ko."sabi ko ng hindi nagsasalita si Gabrielle.
"Hugot pa more?"saad ni Gabby.
"Hindi naman masama magmahal at magkagusto sa panget. Ang mali sa kanya yung magkakagusto lang siya dahil sa itsura. Pero hindi ko sinasabing pangit ka, kasi kahit sino may unique beauty na kahit sino hindi mapapantayan."saad ni Gabrielle.
"Ang galing mo mag advice sa love life ng iba pero lovelife mo pa lang ang gulo-gulo na."saad ko.
"Baliw! Sapul sa heart ko yun ah! Nagulo lang ang lovelife ko kasi patuloy akong umaasa sa paasa tsaka gumulo kasi may mga taong hindi marunong makiramdam at makaintindi."sagot ni Gabrielle na natatawa na.
"Ako din naman. Mahirap talaga umasa sa wala"sabi ko.
Bata pa lang ata ako umasa na ako sa isang tao. Akala ko mahuhulog din siya sa akin.
2009
Sa BCAS, school namin na pampribado may dalawang section mula elementary hanggang high school: Sci-math o ang higher section at regular-arts section.
Nung high school lang ako lumipat sa school na ito pero nagsimula ako ng first year high school at napunta ako sa sci-math.
Ngayong second year, nalipat ako sa regular class kasi nagkaroon ako ng bagsak. Hindi ko nasasabihin kung ano nakakahiya eh.
Syempre nakakapanibago sa klase na ito. Mula elementary magkakasama na ata sila hanggang ngayon. At ako, isa akong stranger dito.
Yung adviser namin, inayos ang seating arrangement at ang nangyari nga, as usual, alphabetical.
Ang kaclose ko pa lang dito ay si Nikki at Andeng na katulad ko nalipat sa regular class kaso malalayo ang upuan nila mula sa akin. Habang silang dalawa halos magkalapit na.
"Tuazon.."tawag ng teacher namin. Ako naman ay umupo sa tinuro niyang upuan.
"HI, Bryan nga pala."pakilala ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
Isa kang MALAKING Paasa
Teen FictionDedicated to my friends and family Ito ang kwento ng mga sawi sa pag-ibig lalo na yung mga umasa at story ng friendship. May pag-asa ba o paasa sa pagmamahal? “Minsan kasi hindi naman masama maging assuming lalona kung may tao talagang nagbigay ng p...