High School Department Lobby 2011
Forth year high school na ako. Graduating na kami. Akala ko hindi kami magiging close ni Louie at hanggang text lang kami. Pero nagkamali ako. Bago man matapos ang taon ay napalapit na kami sa isa't isa.
Nagtext siya sa akin. "Punta kang lobby"
Break time namin kaya nagpunta kaagad ako. Bakit kaya?
"Tara maglunch."aya ni Irianne.
"Busog pa ako. Kayo na lang muna."saad ko.
"Sige."saad ni Irianne saka sila bumaba kasama sina Jody, Andeng at Nicole.
Bumaba na din ako.
Pagdating ko sa lobby at nandoon na siya at nakaabang dala dala ang malaking gitara kasama ang kanyang mga kaklase. College na siya at soon pa din sa school nagaaral. One year ahead siya sa akin pero mas matanda ako sa kanya ng tatlong buwan.
Lumapit na ako sa kanya. "Louie."
"Upo ka diyan sa harap ko."utos niya. Umupo naman ako.
"Anong meron?"tanong ko.
"Makinig ka na lang."saad niya."Kakantahan kita."
Inayos niya ang upo niya. Kinalong at hinawakan ang gitarang dala-dala niya.
Nagsimula na siyang tugtugin ang gitara.
"Pakinggan mo. Minsan lang ako kakanta. Parokya ni Edgar."saad ni Louie.
Nagsimula na siyang kumanta ng harana at Para Sayo.
Kinakantyawan naman siya ng kanyang mga kaklase.
"Girlfriend mo?"tanong ng isa,
"Hindi."saad ni Louie ng matapos itong kumanta.
"Sus! Bahala ka.Sabi mo eh"saad ng kaklase nito.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Matutuwa kasi parang nang harana lang siya pero malulungkot kasi hindi naman kami.
Tumayo na ako. "Magtatime na. Akyat na ako. Salamat."nakangiting sabi ko.
Tumango lang siya. "Sige. See you!" Salamat sa ginawa mo."
"Eh di ba sinabi mo dati sa akin na umamin ka sa kanya? Paano at Kailan?"tanong ni Irianne.
"Heyeh! Kailangan ba detailed?"tanong ko.
"Kailangan."Saad niya.
March 2011
Confession? Not really. Parang ewan nga eh. Siguro ang hyper ko ng oras na ito.
Magkatext kami ni Louie at pinaguusapan namin ay relationships hanggang sa tanong ng tanong about my relationships. Nalaman niyang no boyfriend since birth ako.
"Sinong gusto mo?"tanong niya.
"Ikaw?"sagot ko.
I think dapat na niyang malaman. At least alam kong alam niya.
"Bakit ako? Ako talaga?"tanong niya.
"Di ba halata?"tanong ko.
"Medyo. First love mo ko noh?"tanong niya.
"First love nga. Anong reaction mo?"tanong ko. Lalayuan niya kaya ako ngayong alam na niya?
"Masaya. Masaya kasi may nagkakagusto pala sa akin pero alam mo namang ayoko masira friendship natin di ba kaya friends tayo. Okay?"saad niya.
BINABASA MO ANG
Isa kang MALAKING Paasa
Fiksi RemajaDedicated to my friends and family Ito ang kwento ng mga sawi sa pag-ibig lalo na yung mga umasa at story ng friendship. May pag-asa ba o paasa sa pagmamahal? “Minsan kasi hindi naman masama maging assuming lalona kung may tao talagang nagbigay ng p...