Chapter 6

21 1 0
                                    

Camille

May 2015

"Don't lose hope. May magmamahal din sa akin."sambit ko.

Nagbabasa ako ngayon ng mga blog sa internet kakatapos ko lang kasi magbasa sa mga libro ko at wala akong magawa sa bahay..

Madami na akong nabasang libro. May mga nobelang maganda ang ending mayroon din naman hindi.

Sa hagdan nga namin nakatambak lahat ng mga librong nabasa ko na at babasahin pa. tas

Di lang books ang kinahihiligan ko ngayon pati mga koreanovela. Medyo catchy kasi ang mga linya at kwento ng koreanovela, hindi masyadong daring at malaswa parang typical love story lang pero may mga fantasy na medyo nagpapaganda sa kwento.

"Camille! Samahan mo nga muna si Hayley mamili sa mall ng isusuot niya sa christmas party nila. Wala ka namang pasok ngayon."saad ni mommy.

Nasa bahay ako ngayon dahil holiday ngayon at bukas naman ay weekends.

"Sige po, Tara Hayley."saad ko. "Liligo lang ako at magbibihis."

Umakyat na ko sa may kwarto ko saka ako maliligo. Gusto ko talaga dito sa kwarto ko. May mga poster at litrato ng pinakagusto kong KPOP boy group na Infinite lalo na ni Infinite L.

Habang naghahanap ako ng isusuot ko bigla ko na lang nakita ang isang kahon na kulay pink. Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang mga bagay na bigay sa akin ni Justine noong nagliligawan pa kami at noong KAMI pa: mga sulat, mga tuyong bulaklak, mga tissue at resibong naging alaala namin kapag kami'y magkasama at mga balat ng chocolates.

"Bakit hindi mo pa yan tinatapon, ate?"tanong ni Hayley na pumasok na sa kwarto ko na bihis na. Umupo siya sa kama ko.

"Kasi gusto kong itago ang mga memories namin nung masaya pa kaming magkasama."sagot ko.

"Mahal mo pa siya?"tanong niya.

"Noon. Mahal ko siya. Ngayon, parang wala na ung dating nararamdaman ko."sagot ko.

Binitiwan ko na ang kahon at binalik sa kinalalagyan nito saka ako kumuha ng tuwalya at damit na isusuot ko.

"Kung hindi mo na siya mahal, why do you keep to have those things here? Dapat sinunog mo na lang ate. Or pinamigay mo kung nanghihinayang ka."saad ni Hayley.

Tinignan ko siya, "Sometimes you have to keep things that let you remember the past. Kasi gusto ko kapag tumanda na ako, nagkaroon ng mga anak at apo mayroon akong maipapakita na good memories. Masasabi at makukwento ko sa kanila na, may nagmahal sa akin bago ang lolo niyo and we shared good memories together. Kasi kahit nasaktan ako dahil sa kanya, hindi ibigsabihin noon na magpapakabitter na ako. It means I have to face the reality but keep the good memories."

After ng mahaba kong speech sa kapatid ko, pumunta na ako sa banyo at naligo.

March 2012

Graduation day

Isa sa pinakamahirap na part ng high school ay yung maghihiwalay-hiwalay na kami. Mamimiss ko ang kulitan namin ng mga kaibigan ko, yung mga time na naiinis sila sa akin dahil honor na naman ako, yung may nagpapatutor sa akin,gagawa ng thesis, sama-samang kakain sa canteen,agawan sa pagkain ng isa at si Justine na boyfriend ko.

Mamimiss ko silang lahat ngayon pang huling araw na namin na magkakasama at kompleto. Ang alam ko kasi hiwa-hiwalay kami ng papasukan sa college.

Ako naman ay natanggap na scholar sa De La Salle Lipa dahil na din sa mga grades ko. Nag top 1 ako sa entrance exam.

Isa kang MALAKING PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon