EM-EM'S POV:
No !!!! Hindi totoo yung sinabi ni Mommy at Daddy sa akin , na Kapatid ko sa Ama si Lance ... niloloko lang nila ako para hindi ko maipag-patuloy yung pagkakagusto ko sa kanya ....
"Bakit ba sobrang tutol kayo sa amin ha ? Mommy , Mahal ko talaga si Lance"
Sabi ko kay Mommy , habang umiiyak .. nandito pa din kami sa Private Office ni Daddy ...
Nakwento na din sa akin ni Mommy yung buong kwento kung paano ko sya naging kapatid sa Ama ....
Ayoko pa ding paniwalaan ... sobrang naiinis ako sa kanila !!! Kasalanan talaga nila to !!! Hindi nila sinabi sa akin ng mas maaga . Para hindi sana ako nagkakaganto ... at kasalanan din to ng Kira na yun eh !!! Kung hindi sya nagustuhan ni Lance , hindi siguro tatanggihan ni Lance ang pag-amin ko sa kanya ...
"Baby , na-explain na namin sayo lahat ... kailangan dahil magkapatid kayo ni Kuya Lance mo ....."
Sabi sa akin ni Mommy , habang pinupunasan nya ang Luha ko ....
"Sis , kapatid natin si Lance ... hindi kami nagsisinungaling , siguro nga mali kami na hindi ipaliwanag ng maayos sayo ang lahat , akala kasi namin masyado ka pang Bata ..."
Sabi ni ate Ems .... isa rin to eh !! Parang boto sya kay Kira !!!! Ayoko na sa kanya >______
"Isa ka pa Ate Ems .... naiinis na talaga ako sayo !!! Mas gusto mo pa si Kira sa akin !!"
Nanlaki ang mata ni Ate Ems ... si Mommy naman umiling na lamang ...
"Sis ! Ano ba yang sinasabi mo ... ikaw pa din ang Little Sis ko ."
Paliwanag ni Ate Ems , umiling lang ako sa kanya bilang sagot ....
"Mas gusto mo na sya kesa sa akin !!! Kahapon binihisan at inayusan mo pa sya !!!"
Biglang Napahawak sa noo si Ate Ems , sa sinabi ko sa kanya ... bakit may mali ba sa sinabi ko ????
"E di sana hindi ka lang ngpakuha ng Make-Up artist mo , at ako na lang sana ang pinag-ayos mo sayo ... Sis ! Intindihin mo naman lahat ... 18 ka na .. please ? Magtanda ka na .."
Tumayo na si Ate at Lumabas ... nagselos lang naman ako dahil si Kira pa din ....
Pagkalabas ni Ate Ems , sya namang pasok ni Daddy at Kuya Lance .. Lumabas na din si Mommy ... umiiyak pa din sya ...
"Baby ? Intindihin mong mabuti , kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo may dugo ka at dugo ang kuya mo na nanalaytay sa Katawan nyo ... kasalanan ko to Lahat anak , kung hindi siguro ako gumawa ng kasalanan sa Mommy , hindi na siguro pa aabot sa ganto ... dahil akala ko talaga hindi ako magkakaroon ng Anak na lalaki kaya sorry Baby ... ikaw tuloy amg nagsa-Suffer sa lahat pati yang sakit mo na yan ..."
Naguluhan naman ako sa huling sinabi ni Daddy ....
"Hindi kita maintindihan Daddy , anong ibig mong sabihin dun sa sakit ko ?"
Tanong ko sa kanya , dahil sobrang naguguluhan ako sa sinabi nya ...
"I'm sorry Baby .. pero kaya ka siguro nagkasakit sa Puso , dahil nung pinagbubuntis ka ng Mommy mo ay sobrang sama ng Loob nya sa akin nun , dahil nga nagkaanak ako sa isang katulong ... nadala mo din siguro ang sama ng loob nya kaya ganyan ang nangyari sayo .. sorry Baby ... kasalanan ko talaga to lahat ..."
Napatingin ako kay Lance na nakayuko lang ... hindi ko mabasa ang nasa isip nya . Hindi ko maintindihan ang lahat , sobrang dami kong nalalaman ngayong umaga ... ang bigat sa dibdib ... hindi ko na yata kaya pa , kapag may nalaman pa ako ... ang sakit sa dibdib ...
BINABASA MO ANG
MY BABY WITH ATTITUDE ♥
LosoweWhen You Fall Inlove Age , Height and Weight Are Just a Damn Numbers !