13

1.3K 28 1
                                    

Gusto ko na rin kasi magbihis at magpahinga kaya hindi na ako nagpapilit pa. Sigurado ako na pupunta kami sa mga bar mamayang gabi kaya matutulog muna ako.

Iouis lent me his shirt. Hindi ako sanay na hindi naka-shorts o naka-pajama man lang ngunit ang t-shirt niya ay parang dress na sa akin.

His queen-sized bed would be enough for the both of us. At isa pa, hindi naman ako sigurado kung magpapahinga rin siya. Baka kasi ay ako lang ang napagod dahil sa kalilibot namin.

Sumandal ako sa headboard, pinipilit ang sarili na hindi makatulog. May hiya pa rin naman ako sa katawan kaya hindi muna ako matutulog hanggang nasa banyo pa siya.

I flinched when I felt something feathery on my knees. Umayos ako ng upo habang kinukusot-kusot ang mga mata.

The first thing I saw was Iouis. My mouth gaped open for a second before I got ahold of myself. Kinusot-kusot ko ulit ang mga mata sabay lingon sa gilid. Hindi ko yata kakayanin kung patuloy ko lang tititigan si Iouis.

"I won't mind if you stare," he said. His tone was serious but I could still hear the playfulness in it.

Imbes na sumagot ay humiga na lang ako sa kama habang kinukumutan ako ni Iouis. Kaya pala nagulat ako bago-bago lang dahil inayos niya ang kumot ko.

Basing on how he looks right now, he's surely straight from the bathroom. His hair is wet and there are still a few droplets cascading down from his head to his chest.

May maliit na tuwalya sa kaniyang balikat at isa naman sa kaniyang baywang. Aside from the two towels, he has nothing on. Isang maling galaw niya lang ay makikita ko ang kabuuan niya!

I shut my eyes tightly. Ayaw ko siyang tingnan. Siguradong tutuksuhin niya ako at mamumula ako dahil sa hiya. Mas mabuti pa na matulog na lang ako!

Pero hindi talaga, eh! It was a sight to behold! Pero... hindi! Hindi! Those are just muscles! They're part of the human anatomy and there's nothing special about them!

But it's different if the muscles are defined and are in the right places! Pagpupumilit ng isang parte ng isipan ko.

Tangina naman, oh! Nakapikit na nga ako pero ba't napakamalinaw ng imahe sa isipan ko?

I guess I was just surprised. I mean... even though he's always covered in his Ralph Lauren fits, it's evident that he has a gym-trained body... a physique that's only waiting for a chance to be seen.

I opened my eyes for a fraction. Gusto ko lang sumilip para malaman kung nasaan na siya!

Wala na siya sa kinatatayuan niya bago-bago lang at nasa harapan na ng glass door. His room has a breathtaking view of the sea. Kitang-kita mula rito ang mga ipinagmamalaki ng isla.

His back was facing me while he's drying his hair with the small towel. At dahil nasa gilid ng kama ang glass door kung saan siya nakaharap, tumagilid din ako ng higa para mas maayos ko siyang makita... no, I meant the view. The sea view! Iyon ang gusto ko makita at hindi ang back muscles niya! 

But damn him! It's not only his abdomen! Even his back looks ripped! It's not helping that he's moving his arms to dry his hair so now, I am also witnessing how his back and arms flex!

"I can see you from here."

Mabilis akong umayos ng higa at humarap sa kabilang gilid, palayo sa glass door.

Wrong move, Caramel! Wrong move!

Sana pinikit ko na lang ang mga mata ko o 'di kaya'y nagpatay-malisya na lang. Pwede naman akong magpalusot na nakabukas lang talaga ang mga mata ko tuwing natutulog!

The Brokenhearted HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon