46

1.6K 27 2
                                    

I woke up with a dizzy and throbbing head. Hindi kumportable ang suot ko kaya nagising ako dahil sa paikot-ikot ko sa higaan. Nang bumangon ako ay saka ko lang napagtanto na hindi ako nakapagbihis kagabi.

I was still wearing my gown from yesterday and I didn't even bother to remove my stilettos!

Pagkatapos maligo at mag-breakfast sa kwarto ay pumunta ako sa floor ni Ate Bree. Katulad ko ay bagong-ligo rin siya ngunit hindi kasing pagod ang mukha kumpara sa akin.

"You drank a lot last night, huh?" Pambati niya at saka sumimsim sa tasa. "Hindi raw nakabalik si Iouis..."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakitaan ko ng panunukso ang mga mata ng kapatid ngunit ako naman ay nag-aalala na. Hindi naman kami magkasama kagabi kaya bakit hindi siya nakauwi?

"Chill... he's just on the other floor." Tumawa si Ate Bree sa reaksyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. "So hindi kayo tabi kagabi? Nagulat ka, eh!"

Umiling ako at naglakad na paalis. Gusto kong puntahan si Iouis. I may have drank a lot last night but our conversation never left my mind. Kahit tulog ay natatandaan kong pilit kong inuulit ang pag-uusap namin sa isipan ko, takot na baka makalimutan ko pagkagising.

I called the reception and asked for Iouis' floor. Alam kong suntok sa bato 'yon dahil mahigpit ang security ng hotel. Ngunit laking-gulat ko na lang nang binigay ng kausap ang floor ni Iouis.

I'm sure that the concierge didn't give me his room details because I'm the one who called. Hindi nga ako kilala niyon, eh! Maybe Iouis instructed them to tell me if I ask? 'Yon lang ang maisip kong dahilan.

Just like my place, isang buong palapag din ang tinutuluyan ni Iouis. But what I didn't expect to see is a woman lying on the large couch. And then another man appeared. And then another.

"Caramel!" Nakangiting bati ni Jarvis sa akin at sinalubong ako ng yakap.

The woman on the couch was Gia and the other man was Orion. Isa-isa ko silang binati ng yakap at sabay kaming pumunta sa isa pang living room.

Sakto naman at lumabas din si Iouis mula sa isang pinto. His eyes widened when he saw me but immediately made his way towards me.

Nasa pinakagilid ako ng sofa at si Gia ang katabi ko. Nang papalapit na si Iouis ay mas sumiksik si Gia sa gilid ko para walang maupuan si Iouis.

Nagkatinginan ang dalawa. It was like they're communicating telepathically and Iouis is asking Gia to move. Pero imbes na umusog palayo ay lalong dumikit si Gia sa akin at niyakap pa ako.

"Ayaw... doon ka..."

Iouis crossed his arms and gave his friend a dark look. Sina Orion at Jarvis naman ay tumatawa lang sa gilid at kumukuha pa ng video si Jarvis. Napailing na lang ako at natawa na rin.

Iouis sighed and shook his head. Imbes na sagutin si Gia ay walang sabi-sabi siyang umupo sa kandungan ni Gia. Humalakhak sina Orion at Jarvis habang napamura naman si Gia.

"Fucking hell! Ang bigat mo! Damn you! Hindi mabiro!" Inis na sigaw ni Gia at sinubukang tulakin paalis si Iouis.

Iouis didn't budge one bit and even had the guts to hug me from the side. Sobrang awkward ng posisyon namin. Magkatabi kami ni Gia at nakaupo si Iouis sa kandungan niya. Tinutulak at sinasabunutan niya si Iouis ngunit wala itong pakialam at patuloy lang na nakayakap sa akin habang ngumingisi.

"You now know how to curse, Gia? Sumbong kita..." pananakot ni Jarvis. Hindi ko alam kung kanino niya ito isusumbong. Parang ang laki naman ni Gia para isumbong sa magulang dahil lang sa pagmumura.

The Brokenhearted HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon