Chapter 1- The Indicator's Twin Brother

34 0 0
                                    

Kasalakuyang nakatayo ang isang lalaking nakashades sa harap ng isang puntod. Nagsindi siya ng isang matabang kandila na nakahulma sa clear glass candleholder. Katamtaman ang kanya'ng pangangatawan at halos maikukumpara ang kanya'ng balat sa niyebe.

"Fate really likes to play. I can't imagine na mamamatay ka sa kamay ng kalaban mo, my dear twin sister," ang sambit nito.

His tears began to shed as he was grieving in front of her late twin sister's grave. "Hey, Phenolphthalein. I know we have differences. They always tell that we were like yin and yang. But hey, I still love you as my twin sister. At hanggang ngayon, hindi ko matanggap na wala ka na," he said as his voice cracked because of his anger.

He wiped his tears away. "I liked to believe that justice will shine upon you. But until when? Yung mga kaibigan mo nga sa school mukhang nalimutan na nila ang pagkawala mo!"

Napaupo siya sa damuhan. Makulimlim ngunit tuyo ang damuhan. Tamang-tama lamang ang simoy ng hangin na siyang dumadaan sa sementeryo. "Alam kong hindi ka na sasagot. But still I want to hear your voice. Pero alam kong ang tanga ko kung aasa akong sasagot ka mula sa ilalim ng lupa. I really miss you so much," ang sambit niya at patuloy na kumawala ang luhang matagal na niyang kinikimkim.

Matagal na niyang nais bisitahin ang puntod ni Phenolphthalein. Ngunit dahil sa galit sa kanilang dalawa ang kanilang ama ay wala silang magawa kundi ang pagmasdan mula sa malayo ang paglibing sa mga labi ni Phenolphthalein. Hindi naman niya masisisi ang kanilang ama lalo na't magkaibang landas ang kanilang tinatahak. Naging assassin siya sa murang edad samantalang ang Kuya Tristan nila ay naging most wanted na magnanakaw sa bansa. Tanging si Phenolphthalein ang sumunod sa yapak ng kanilang ama na si Dr. Zydrick.

Dahil sa pagsunod sa yapak ni Phenolphthalein sa kanilang ama, naging interesado ang mga elder at nagbukas muli ang tradisyon ng Mystery Dinner sa kanilang angkan. Bagamat nais patayin nito ang mga elder pagkatapos mamatay ni Phenolphthalein, nabalitaan na lamang niya na sinunog ng isang sindikato ang villa at iginapos nito ang mga elder.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi niya kailangang dungisan ang kanya'ng mga kamay. Ayaw niya ring makita ang dugo ng kanya'ng mga kamag-anak sa sarili niyang mga kamay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis siya sa sementeryo at sumakay siya sa isang itim na kotse. Sa loob ng kotse ay inalis niya ang kanya'ng wig at prosthetics. "Nakakapanghinayang na kailangan kong alisin sa mukha ko ang magandang prosthetics na ito. Pero mas nakakapanghinayang kung hindi masisilayan ng mundo ang magandang mukha ko," ang pagmamayabang nito at mabilis niyang pinaharurot ang kotse.

Nang makalayo na siya sa sementeryo ay may na-receive siyang tawag. Sa pamamagitan ng isang bluetooth earphone ay mabilis niya itong sinagot habang nagmamaneho. "Hoy, Kite! Saan ka na naman ba nanggaling? Hinahanap ka ni Miss Ainnannah!"ang sigaw ng isang babae sa kabilang linya.

Napasimangot ang lalaki sa sigaw ng babae sa kabilang linya. "I have urgent matters to attend to, Chloe. Didn't I tell you that today was my twin sister's death anniversary?" ang tanong nito kay Chloe sa kabilang linya.

Sa kabilang linya ay napasimangot si Chloe. "I see. Sasabihin ko na lamang kay Miss Ainnannah ang reason mo. Alam mo naman masyadong clingy 'yon. Minsan nga sa sobrang tagal mong nawala ay halos ipadala na niya ang buong syndicate para ipahanap ka. Alam mo naman kung gaano kapatay na patay sa'yo si Miss Ainnannah, "ang sambit ni Chloe.

Halos kilabutan si Kite sa sinabi ni Chloe. Ayaw na niyang maalala ang ginawa ng anak ng leader ng syndicate nila. Minsan napapaisip na lamang si Kiteite kung isa ba talagang blessing ka-gwapuhan niya o isang sumpa?

"Please don't mention it. Nakakatakot. Pakiramdam ko ay isa akong host na may sugar mommy,"ang sagot ni Kite.

Napatawa si Chloe sa sinagot ni Kite. "Pambihira, ano ba kasing ginawa mo bakit ba hinahabol ka ng anak ng leader natin? Kung hindi lang talaga kita kilala, aakalain ko na ginayuma mo si Miss Ainnannah," ang sagot ni Chloe.

Napabuntung-hininga si Kite sa sinagot ni Chloe. Kasing edad niya lamang si Chloe at maituturing silang protégé ng kanilang organisasyon. "Ano'ng tingin mo sa akin, pangit? Wow, charisma ko lang, sapat na! Hindi ko kailangan ng gayuma!"ang sigaw ni Kite.

"Wow! Malachite Green Antonio! Kapal muks! Nananalamin ka ba? Ibang klase rin ang level ng kayabangan mo! Anyway, I have to go! Or else hindi mo gugustuhing sagutin all over the phone si Miss Ainnannah! Babwoooh!"ang sambit ni Chloe at ibinaba niya ang call.

Matagal-tagal na rin nang mapadpad si Kite sa lugar na ito. Hindi mo aakalain na parte pa rin ito ng probinsya. Maraming masasaya at masalimuot na nakaraan si Kite sa lugar na ito.

Kinabig ni Kite ang manibela at nagpark siya sa bakanteng parking lot. Napailing na lamang siya nang makita niyang may nag-aaway sa isang pwesto sa parking lot dahil sa pagtayo nito sa bakanteng pwesto para sa sasakyan.

"Hoy umalis ka nga diyan! Hindi ka robot para tumayo riyan!"ang sigaw ng driver.

Hindi na niya pinansin ang nag-aaway at dire-diretso siyang pumasok sa isang antique store.

"Kamusta ka, Malachite?" ang tanong ng isang masungit na babae na siyang may-ari ng antique shop.

Luminga-linga sa paligid si Malachite at pinagmasdan niya ang mga antique. "I'm fine, I guess,"ang sagot ni Malachite sa masungit na babae.

Napataas ang kilay ng babae sa sinabi ni Malachite. "Hindi iyan ang sagot na inaasahan ko, Kite. Alam kong hindi ka okay. Kung may bumabagabag sa isip mo, sabihin mo sa akin,"ang sambit nito kay Kite.

Muling tumulo ang mga luha ni Kite sa sinabi ng masungit na babae. Kahit pilit niya itong itago, nalulungkot pa rin ito sa pagkamatay ni Phenolphthalein. "Aunt Letty, kahit two years na ang nakakalipas. Alam kong hindi pa rin ako maaaring magpakita kay Dad. Yung pagbisita ko nga sa puntod ni Phen, palihim nga lang eh. How am I supposed to be okay?"ang sambit ni Malachite.

Ibinaba ng babae ang kanya'ng yosi at pilit niyang pinatahan si Malachite. "Alam kong mahirap. Pero Kite, maybe it's time para sundan ang yapak ni Lein. Not as a cold corpse but as a bringer of justice," ang sagot ni Aunt Letty kay Malachite.

Natulala si Malachite sa sinabi ni Aunt Letty. "Pero Aunt Letty, justice left us a long time ago! Remember, yung kaso ni Lein nanatiling walang pag-usad because of these rotten justice system? How am I supposed to do that?" ang sigaw ni Malachite.

Pinatahan ni Aunt Letty si Malachite. "Kite, makinig ka. You won't be able to track down Lein's killer kung magpapadalos-dalos ka. Act like Lein, think like Lein. That's how she solved the cold case on her final curtain. Please believe the justice your twin sister believes in."

Pinunanasan ko ang luha ko. It sounds absurd but this fool will try to believe what Phen used to believe. 

Private Eyes' Case Files:The Requiem Of TimeWhere stories live. Discover now