Nananatili ang pagkatulala ni Kite hanggang sa tawagin siya ni Janella. Napalingon si Kite at nakita niya na hinihintay na siya ng mga miyembro ng SOC.
"Kite? Are you okay? Lagi na lang lumulutang ang isip mo these past few weeks. May problema ba?" ang tanong ni Zhey.
Umiling si Kite at ayaw niyang malaman nina Zhey ang kanya'ng iniisip. "Pagod lang ako siguro. Alam niyo naman na may buhay din ako sa labas ng Galen,"ang sagot ni Kite.
Tumayo si Kite at binitbit niya ang kanya'ng bag. Sumabay siya kay Zhey. Nakalabas na sila ng school building nang napatingin si Gab kay Kite at bakas sa kanya'ng mukha ang pagkairita.
"Nangangamoy selos," ang bulong ni Chris.
Tinaasan ni Gab ng kilay si Chris. "Shut up, Gorilla. Bakit ako magseselos?" ang sambit ni Gab at narinig iyon ni Kite. Napataas ng kilay si Kite at humarap siya kay Gab.
"Are you guys dating? I'm sorry but hindi ko ugali ang manulot ng jowa ng iba,"ang sambit ni Kite.
Namula si Zhey sa sinabi ni Kite. Pinaghahampas niya si Kite at tinatawanan lamang niya si Zhey. "Hindi iyon nakakatawa ha! Isa pa, mas gugustuhin ko pang magbasa ng libro kaysa maka-date ang tukmol na ito!" ang sigaw ni Zhey.
Umakto naman si Chris na nasaktan sa sinabi ni Zhey. "Aray, D're! Payag ka n'un? Ang isang Gabriel Felix Monteser ipinagpalit sa isang libro? Sayang ang date niyo dati!" ang sambit ni Chris.
Sabay na sumigaw si Gab at Zhey sa sinabi ni Chris. "Manahimik ka nga!"
Sa kanilang pagsigaw ay nagulat sila nang may biglang nahulog sa kanilang harapan walong metro ang layo mula sa kanila. Nanlaki ang kanilang mga mata at mabilis silang kumilos. Tinawagan ni Zhey si Inspector Sam samantalang ininspect ni Kite ang bangkay ng biktimang nahulog mula sa ikalimang palapag ng school building. Isang patunay rito ang nakabukas na bintana. Mabilis na nagsagawa ng autopsy si Kite at nagsuot siya ng gloves bago niya hinawakan ang biktima. "It seems she died from heart attack before she hit the ground. She has a severe head and neck trauma. Sounds like a murder to me,"ang sambit ni Kite.
Napalingon si Zhey kay Kite dahil sa bilis nitong mag-autopsy katulad ni Lein. "Paano mo nasabing murder ito?"ang tanong ni Ma'am Rizza.
Napatingin si Kite kay Zhey habang inaalis niya ang kanya'ng gloves. "Nawawala ang ikalawang butones ng kanya'ng uniform at nawawala ang isa sa fake nails niya. Siguro ay natanggal iyon noong bumagsak siya sa ikalimang palapag,"ang paliwanag ni Kite.
Muling napatingin si Kite sa ikalimang palapag ng school building. Naningkit ang mga mata niya nang makita niyang naiwan sa ibabaw ng bintana ang isang kabiyak ng leather shoes.
"That explains. Ang kailangan na lang nating malaman ay kung sino ang pumatay sa biktima. Kung sino man ang suspect, I assume na nasa kanya ang isang napakahalagang ebidensya na nagpapatunay na kasama niya ang biktima bago ito atakihin sa puso. I also assume na nagpanic ang suspect kaya mas pinili niyang ihulog sa bintana ang biktima,"ang paliwanag ni Kite.
Ngumisi si Gab sa sinabi ni Kite. "Let's move before he or she could disposed it. Pero bago iyon may gusto akong i-confirm sa room na pinaghulugan ng biktima," ang sambit ni Gab.
Bago pa man sila makatayo ay nakatanggap si Gab at Kite ng isang pektus mula kay Inspector Sam. Napaaray silang dalawa at napatingin sila kay Inspector Sam.
"Aray! Ano bang problema mo?" ang sigaw ni Gab kay Inspector Sam.
"Police brutality 'to ah!" ang sigaw ni Kite.
"Alam kong gusto ninyong tumulong pero sana magtira naman kayo ng gawain para sa police force! Huwag niyong ulitin ang nangyari two years ago! Hindi matutuwa si Phenolphthalein kung mapapahamak kayo! Nakakulong na nga si Trickster pero heto at nangingialam pa rin kayo? Isa ka pa, Zhey! Alam mong praning na baliw ang Kuya Albert mo! Heto at nagsosolve ka pa rin ng mga kaso kahit hindi naman dapat!"ang sigaw ni Inspector Sam.
Napatingin si Zhey kay Inspector Sam. "Aba teka! Bakit ako nadamay diyan? Sinecure ko na nga ang perimeter para walang makialam sa crime scene tapos nagkaroon pa ako ng atraso? Sounds unfair to me!"ang sigaw ni Zhey.
Napatampal si Inspector Sam sa sinabi ni Zhey. "Makakaalis na kayo. Except sa'yo, Malachite,"ang sambit ni Inspector Sam. Nanlaki ang mga mata ni Kite nang tawagin siya ni Inspector Sam sa tunay niyang pangalan.
Walang nagawa sina Zhey kung hindi ang umalis. Sinamahan ni Ma'am Rizza sina Zhey pabalik ng clubroom. Nang nawala na sa paningin ni Inspector Sam ang SOC ay sunod niyang pinaalis ang mga nakikiusisyosong mga estudyante. Napahalukipkip si Inspector Sam habang kinakausap niya si Kite, "I can't believe na narito ka. I thought nagretired ka na from your evil deeds?"ang tanong ni Inspector Sam.
Tinaasan siya ng kilay ni Kite. "I gave up a long time ago after my twin sister died,"ang sambit ni Kite.
Ngumisi si Inspector Sam. "Do you think maniniwala ako sa'yo?"ang tanong ni Inspector Sam.
"Mahirap paniwalaan. Pero kailangan, alang-alang kay Phenolphthalein," ang sambit ni Kite na siyang ikinagulat ni Inspector Sam.
"Kakambal mo si Lein?"ang tanong ni Inspector Sam.
Tumungo si Kite at sinamaan niya ng tingin si Inspector Sam. "Iniisip mo bang ako ang pumatay sa biktima? Never kong naka-usap ang biktima lalo na't hindi ako nakikipag-usap p'wera sa SOC. Isa pa, kausap ko sina Zhey nang nahulog ang biktima,"ang sagot ni Kite.
Napakamot sa kanya'ng ulo si Inspector Sam. "I hate to say this. Pero hindi mo maaalis sa akin ang magduda sa'yo. Knowing at a young age ay ang dami mong kasalanan sa batas. Gumawa ka ng isang drug na siyang kumakalat ngayon sa Black Market," ang sambit ni Inspector Sam.
"Hindi ko itinuloy ang drug na iyon. Matindi ang psychological effect nito sa gagamit kaya itinigil ko. Ang nais ko lang naman ay makahanap ng lunas kay Lein before she died. But it seems fate wanted to play dirty with me," ang sambit ni Kite.
Natahimik pansamantala si Inspector Sam at napatingin siya sa langit. Kulay kahel na ang langit hudyat na malapit na ang takip-silim. "May sakit si Lein bago siya namatay?" ang tanong ni Inspector Sam.
"I thought you were close to her? Bakit hindi mo alam? There's no cure to her illness. I thought I have time to save her. But Ace killed her," ang sambit ni Kite.
Tinapik ni Inspector Sam si Kite. "I'm sorry for your loss, Kite. I'm sorry for not saving her," ang sambit ni Inspector Sam.
"Walang magagawa ang sorry mo hangga't walang hustisya sa biktima, Inspector Sam. Kaya gaya ng ginagawa ni Lein, hindi ko maaaring sukuan ang kasong ito. Dahil hindi walang hustisya kung hindi kikilos ang may kakayahan at hindi makikipagtulungan ang may kapangyarihan,"ang sambit ni Kite.
"Show me your way of justice, Lein,"ang sambit ni Kite sa kanya'ng isipan habang nakangiti .
Pakiramdam ni Kite ay nasa paligid lamang si Lein habang nilulutas niya ang kaso kasama ang SOC.
YOU ARE READING
Private Eyes' Case Files:The Requiem Of Time
Mystery / ThrillerTwo years ago when one of the members of SOC died while solving a 55 year old case of Galen High. Malachite Green Antonio, entered the Galen High to get the revenge for her twin sister, Phenolphthalein. He will enter the SOC in order to examine his...