Chapter 4-First Day In Galen High

11 0 0
                                    

Maagang umalis si Malachite papuntang Galen High. Sinuot ni Malachite ang kanya'ng shades  dulot sa matinding sikat ng araw.

"Hahanapin ko ang accomplice ni Cross. Hindi ko nakita ang mukha ng tumulak sa kapatid ko noong gabing iyon. Hahanapin ko siya at sisiguraduhing pagdadaanan niya ang hirap na dinanas ni Phen!" ang galit na sambit ni Malachite at mabilis siyang nagmaneho patungong Galen High.

Samantala sa mansion ng mga Antonio, hinahanap ni Caramel si Malachite. 

"Jusko! Sa kakambal ata ni Miss Lein malalagas ang buhok ko!" ang sigaw ni Caramel.

Nakasalubong ni Caramel ang family driver ng pamilya Antonio, si Denver. Abala ito sa pagpupunas ng labas ng kotse.

"Denver! Nakita mo ba si Sir Kite?" ang tanong ni Caramel.

Napatigil si Denver sa kanya'ng ginagawa at tiningnan niya si Caramel na naiiyak na kakahanap kay Malachite.

"Ha? Hindi mo ba napansin na nakaalis na si Sir Kite? Nagdrive nga siya papasok eh!" ang sagot ni Denver.

Parang tinakasan ng kaluluwa si Caramel sa narinig niya. Gusto nang maiyak ni Caramel dahil nasayang ang effort niya. Lumabas ng mansion si Tristan at naabutan niya si Caramel na mukhang napagsakluban ng langit at lupa.

"Caramel! Thanks sa food! Babaunin ko na lang yung lunch ni Kite since naiwan niya ito!  Gotta go! Bye!" ang sambit ni Tristan at sumakay ito ng kotse papunta sa gym.

Nang makaalis na si Tristan ay tulalang pinagmasdan siya Caramel. "Ang bait ni Dir Tristan, 'no?" ang tanong ni Caramel.

Hinampas ni Denver ng basahan si Caramel upang mahimasmasan ito. "Hoy! Magtrabaho ka na nga! Kaya ka iniiwan ng alaga mo eh! " ang sigaw ni Denver at nag-walk out ito patungong kusina.

"Che!" ang sigaw ni Caramel.

***

Nakarating nang matiwasay si Malachite sa Galen High. Muling tiningnan ni Malachite ang kanya'ng mga documents. Muling bumalik sa alaala niya ang usapan nila ni Dr. Zydrick.

"May tiwala akong hindi mo guguluhin ang SOC, Malachite. Green ang gagamitin mong apelyido. Alam kong kukulitin ka nila sa oras na gamitin mo ang orihinal mong apelyido," ang sambit ni Dr. Zydrick.

Napailing si Malachite sa naging usapan ng kanilang ama.

"Naiinitindihan ko. Ngayon, mas lalong nagtunog indicator ng titration ang pangalan ko," ang sambit ni Malachite sa kanya'ng sarili.

Sa kanya'ng paglalakad ay hindi sinasadyang bumangga siya sa isang babae. Nagkalat sa sahig ang flyers na dala nito at mukhang naisprain nito ang kanya'ng mga paa.

"Miss, I'm sorry nabangga kita," ang sambit ni Malachite.

"Ano ba yan? Sa susunod mag-iingat ka!" ang sigaw nito kay Malachite.

Napuno ng bulungan ang hallway dahil sa sigaw nito kay Malachite. Napatingin si Malachite sa flyers at nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang SOC member ang kaharap niya ngayon.

"Nagrerecruit  ba kayo ng bagong member?"ang tanong ni Malachite sa babae. 

Tumungo ang babae at ngumiti si Malachite. "Interesado ako sa club ninyo,"ang sagot ni Malachite at kinaladkad siya ng babae papuntang clubroom.

Halos takasan ng sariling kaluluwa si Malachite dahil sa paghatak sa kanya ng babae sa kanya'ng  kwelyo. Excited binuksan ng babae ang pinto at tumili ito kaya nakuha niya ang atensyon ng bawat miyembro nito. "Guys! May bago tayong member!"ang sigaw nito. 

Inilapag ng isang miyembro ang isang box at nakasimangot itong nakatingin sa kanila. "Hoy, Zhey! Hindi mo p'wedeng basta kaladkarin ang bagong miyembro! Paano kung iwanan tayo niyan? Isa pa, sure ka bang gusto niyang sumali? Mukhang dinaan mo kasi sa brasuhan?"ang sigaw nito kay Zhey. 

Private Eyes' Case Files:The Requiem Of TimeWhere stories live. Discover now